"My Best Buddy" ~ Shiela Quiño

51 1 0
  • Dedicated kay Shiela Marie Quino
                                    

Yan? Isa yang baliw. Halata naman di ba? Wuahahaha. Aaminin ko, ayoko sa kanya noong freshmen pa lang kami. As in talaga. Isinusuka ko yan noon pero ngayon, feeling ko mamamatay ako kapag hindi ko sila nakikita ni Alleria. Feeling ko para akong nalalagutan ng hininga kasi laging sumisikip yung dibdib ko. Feeling ko lagi parang tutulo lahat ng luha ko kasi miss ko sila.

Sya yung ka-exchange / ka-share ko dati ng ulam noong wala pa yung stand ng pizza hut sa school. Sya din yung isa sa nakaka-alam ng bawat drama ng buhay ko. Sya yung kaibigan na kapag inaway ko, feeling ko mababaliw ako kasi hindi ko kaya na hindi kami nag-uusap.

Parang ewan nga lang kami eh. Makikita mo nag-aaway tapos hindi nagpapansinan tapos mamaya-maya mag-uusap na kami kahit wala pang humihingi ng sorry. Saksi din sya sa kung paano ako nabaliw kay Wu Chun, Super Junior, at dun sa daungan ng barko. Alam nya din yung darkest secrets ko.

Iyakan ko yan eh. Ang lambot kasi ng parang unan kaya ang sarap yakapin saka iyakan. Medyo nagtampo lang ako nung nalaman ko na may special someone na pala sya tapos nalaman ko January na. Tss. Galing na kaibigan noh?

Isa din sya sa mga taong supportive. Paano ba naman kasi, kapag sinabi ko na "Ang panget ko kasi" sasabihin nya "Oo matagal na. Wala nang magababago dyan". -_-" Galing talaga noh? Haaay. Pero hindi ko ikakaila yung bear blade nya, napatawa ako. Laftrep ako buong gabi nun eh. Buti na lang hindi nagising yung mga tao sa bahay kundi pagagalitan ako. x)

Sya yung avid na taga-tawid ko kasi nga hindi ako marunong nun. Hmmm.. Mahilig din yan sumulat ng nobela kagaya ko kaso minsan korni yung kanya eh. Hahaha. Hindi kasi kami pareho ng genre kahit pareho kaming hopeless romantic. x)

Dakilang taga-pautang ko yan eh kasi sya yung pinakamalapit sa may pintuan ng classroom namin kaya everytime na pmupunta yung kapatid ko para manghingi ng pera, sya yung pinakaunang lalapitan ko dahil malayo yung upuan ko. x) 

Mahal na mahal ko yan kahit minsan konti na lang magsabunutan at magsampalan kami sa classroom. x) Bakit? Kasi kahit gaano kalaki or kaseryoso yung away namin, hindi pa rin nya ako iniwan lalo na nung mga panahong puro kampana at daungan ng barko yung iniisip ko. Kung tutuusin naging unfair nga ako sa kanya bilang kaibigan eh kasi kahit na sya yung nasa tabi ko, iba yung iniintindi ko and that makes me think that I'm a mess. Wala ako sa katinuan kasi hindi ko naisip na yung kaibigan ko na kailangan ko talaga eh nasa tabi ko lang tapos ang layo pa nung inaabot ko.

Sya din yung kaisa-isang kaklase ko na yumakap sa akin tapos umiyak. Baliw lang eh. Sya yung yumakap tapos sasabihin nya "Ikaw kasi eh" Tss... -_-"

Dear Bhe,

Langya! Nahirapan akong mag-isip ng sasabihin ko sayo ah! Wag ka na magreklamo kung random stuffs yung nabasa mo kasi sa dami ng gusto kong isulat hindi ko na kayang isa-isahin pa.

Salamat sa kabaliwan, sa ka-engotan, saka sa memories na meron tayo kasama pa syempre yung ibang naging parte ng tropang potchi. Yan potchi nanaman. Hay tama na nga yan! Kinikilig pa ako kay Wu Chun kasi nanunuod ako ng Romantic Princess. Yiiieee!!! Wala lang. Share ko lang. x)

Pasensya na kung ang layo pa ng tingin ko noon ha? Hindi ko man lang napansin na nandyan ka pa pala para sa akin sobrang hindi ka kasi pumapasok sa isip ko nun. Sensya na kung lately lang kita napahalagahan ha? Sensya na rin kung dati wala ka lang sa akin. Ewan ko ba kung bakit pero feeling ko simula nung mamulat ako sa katotohanan, parang na feel ko talaga na ang tanga tanga ko kasi hindi kita nakita noon. 

Salamat sa lahat lahat ha. Sa ate mong parang ate ko na din saka sa take out ko nung birthday mo. Labs na labs kita kahit anong mangyari saka kahit na anong away yung meron tayo, I believe na malalagpasan natin yan. Para saan pa na naging magkaibigan tayo kung hindi naman natin maaayos yan sa hindi pangkaraniwang paraan di ba? 

Mamimiss ko yung bhe ko... Lab you!!!! ♥♥♥♥♥

xoxo,
Daryl 

A Letter From My Heart: Our HistoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon