Sa lahat ng teacher namin si Mam Louries yung pinaka bagets. Hahaha. Maganda yan kaso maliit. Pero di bale nang maliit basta maganda naman. Hahahaha.
Mabait yan tapos hindi pa nya kami nasigawan kahit na inis na inis na sya sa sobrang ingay. It's either kasing tatahimik sya or magtatampo na parang bata. Crush nya din si Sir Genesis pero secret lang ha? Oo, SECRET lang yun kahit naka-public toh at kahit alam na yun ng sanlibutan. Hahaha. Kasama din namin si mam sa mga surprises namin kay Mam Mica and I must say na isa sya sa mga dahilan kung bakit naging successful yung mga yun.
Dear Mam Louries,
Yo mam! Hehehe. Wala akong masabi =_= Hanubayan.
Salamat po sa kulitan saka sa pagchachaga na turuan kami kahit na sobrang ingay. Salamat po kasi naging parte kayo ng mga kalokohan namin na sa hindi malamang dahilan ay sobrang naging masaya. Siguro iba talaga kapag may kasama kayong teacher habang nagkukulitan.
Salamat po sa grade. xD Lalo na po sa mga oras na hindi nyo kami pinabayaan na walang matutunan sa oras nyo. Ingat po kayo lagi and always stay nice and cute.
PS:
Nasayo pa po ba mam yung salamain mong walang grado? Mahiram nga para maging cute din ako. x) Joke lang mam ^_^v. Baka bawiin mo yung grade na binigay mo eh. Hahaha.
xoxo,
Daryl

BINABASA MO ANG
A Letter From My Heart: Our History
Teen FictionHistory? To be honest, hindi ko talaga alam yung meaning nyan but... at the end of this novel, sana maibigay ko na yung meaning ng sinasabi nilang "HISTORY" AUTHOR'S REQUEST: *Become a fan *Comment / Suggest *Follow me on twitter @FrbddnThrtn --yan...