"The Second Adviser" ~ Mr. Richmond Laureño

63 1 0
  • Dedicated kay Richmond Laureño
                                    

Bakit naging second adviser? Kasi yun yung napagtripan ng mga teachers namin na itawag sa kanya kasi close sa kanya yung Alpha G. :)

Mabait yang si sir saka isa din yan sa supplier ko ng mataas na grade. Magaling syang magturo and sinisigurado nya na natutunan na talaga namin ung lesson bago sya mag move sa isa pa. Pinapagamit nya din kami ng calculator kaya hindi gaanong mahirap pumasa sa mga pinapasagutan nya ^^

Dear Sir Laureño,

Salamat po sa mataas na grade ha pati na din po dun sa pagbigay sa akin ng credit dun sa subject nyo. Salamat po kasi nagtiwala kayo sa amin lalo na kapag nagrereport kami. Salamat po dun sa mga tawanan saka sa pagiging considerate nyo kahit minsan eh nagiging abusado na kami pati na din po dun sa hindi pag-iwan sa amin nung sumali tayo sa quiz bee, na kahit hindi namin naipanalo eh ayos lang sa inyo. Sana din po napasaya namin kayo kahit konti noong birthday nyo.

Good luck po sa chosen field of experties nyo. Alam ko naman po na magaling kayo eh at malayo ang mararating nyo. Ingat po lagi ^^

xoxo,
Daryl 

A Letter From My Heart: Our HistoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon