"My Boy Friend" ~ Aries Apo

266 3 1
  • Dedicated kay Aries A. Apo
                                    

He is one of the most not so communicable guy sa class. Mahilig sa naruto noon hanggang ngayon, sa pokemon, tapos ang trip naman nya ngayong school year batch 2012-2013 ng Amethyst ay Greek mythology at saka wattpad (syempre dahil sa impluwensya ko yung huli). Mahilig manlibre yan ng kung anu-ano lalo na kapag nagpalibre kami sa kanya. Wuhahaha. Isa yan sa pinaka generous na tao sa classroom eh. 

Manliligaw sya ng bestfriend ko noon pero tumigil na din sya kasi mas maganda daw na friends na lang sila. OK. Too much for that, ayoko nang halungkatin pa dahil sensitive yun. x) Moment ko dapat toh eh. Hahaha. Eto na. Yung letter ko basahin mo Aries ah! Mahirap mag-isip ng sasabihin kaya dapat basahin mo yung buong letter ko. xD

Dear Aries,

Salamat sa pagiging mabait na kaibigan ah. MABAIT talaga yung ginamit kong term kasi kinukunsinti mo yung mga kalokohan ko eh. Salamat sa mga libre mo sa akin. Lalo na ngayon na napapadalas yung libre mong pizza. Hahaha. Pasensya na kung hindi kita nae-entertain minsan kapag may kausap ako ha. Sabay-sabay kasi kayo eh >_< isa lang naman ako. Hahaha.

Pero alam mo ba kung bakit sa tuwing sabay-sabay kayong mga kausap ko eh ikaw yung hindi ko muna pinapansin kesa sa kanila? Kasi alam ko na kaya mong maghintay. Kaya ka nga naka-survive ng 6 years habang in love ka sa kaibigan ko di ba?

Pasensya ulit ah. Lalo na kapag ang napag-uusapan natin eh yung mga non-teen fiction na nababasa mo sa wattpad. Ang awkward kasi lalo na kung dalawa lang tayong mag-uusap x) (pero aaminin ko. marami akong alam. as in. marami talaga.) hahahaha. 

Salamat ulit sa friendship na binigay mo. Salamat kasi pinagkatiwalaan mo ako. Salamat sa mga advice na hindi ko ine-expect na ibibigay mo. Salamat sa mga kalokohan na ginawa natin para asarin si Shiela. WAHAHAHAHA. Naaalala ko tuloy yung "bear blade" ni Shiela. Hanggang ngayon laftrep ako eh.

Eto lang muna sa ngayon ah. Baka maubusan ako ng sasabihin next school year eh. Hanggang sa susunod!!! Babay!!!

xoxo,
Daryl 

A Letter From My Heart: Our HistoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon