Si Mam Mica yung kauna-unahang taong nagsabi na "I'm proud of you". Sobrang saya ko kasi hindi ko alam na maipagmamalaki pala ako. Feeling ko kasi wala akong magandang nagagawa eh.
Mabait yan si mam saka masarap din kausap. Magaling syang magbigay ng advices na feeling ko naman eh dapat talagang sundin kasi tama yung mga visions nya.
Sya din yung kauna-unahang adviser na napaiyak ng mga ka-batchmates ko. Tapos sya din yung teacher na feeling ko nabigyan namin ng pinakamadaming surprises ♥
Dear Mam Mica,
Salamat po sa samahan, sa kulitan, sa iyakan, at sa iba pa. Salamat po kasi hindi nyo kami iniwan kahit na sobrang gulo namin. Salamat po kasi nagchaga kayo na hawakan kami kahit na andami naming kalokohan.
Pasensya na po kung lagi namin kayong nadi-disappoint tapos hindi namin inexpect na mapapaiyak pa pala namin kayo. Alam mo mam sobrang nalungkot ako (ewan ko lang sila) nung umiyak ka kasi first time na may umiyak na teacher dahil sa amin. Pasensya na po kasi wala akong nagawa para i-comfrot ka noon. Ang useless ko tuloy :3
Salamat din po kasi sinabi nyo na proud po kayo sa akin. Naiiyak na po talaga ako nung araw na sinabi nyo yun kasi pinigilan ko kasi a day before nun umiyak din ako eh xD Salamat din po kasi kinomfort nyo po ako nung time na parang down ako na hindi ko maintindihan. Siguro po kasi dahil na din yun sa fact na sa inyo ko pa mismo maririnig na "I'm proud of you" kesa dun sa mga taong inaasahan kong magsabi nun long time ago.
Salamat po ulit sa lahat ha. Hindi ko po kayo makakalimutan kasi you're one of those first times na nagkaroon ako. I love you very much mam! ♥♥♥
xoxo,
Daryl

BINABASA MO ANG
A Letter From My Heart: Our History
Roman pour AdolescentsHistory? To be honest, hindi ko talaga alam yung meaning nyan but... at the end of this novel, sana maibigay ko na yung meaning ng sinasabi nilang "HISTORY" AUTHOR'S REQUEST: *Become a fan *Comment / Suggest *Follow me on twitter @FrbddnThrtn --yan...