"The Hungry Lady" ~ Alleria Tibay

50 1 0
  • Dedicated kay Alleria Tibay
                                    

Maganda sana sya kaso ang lakas kumain. -_- Nakakainggit nga eh kasi hindi sya tumataba samantala ako kahit anong gawin kong pagpapapayat walang nangyayari. Masarap kumain eh! T^T Tama na ang drama.

Sya yung pinakauna kong niyakap dahil sa isang walang kwentang dahilan. Kasi nilalamig ako nun kaya hindi ko napigilan na kausapin sya para magpaalam na yayakapin ko sya. First day of junior class namin yun nangyari. Oh diba? Ang kapal ng mukha ko? xD

Sya din yung kasama kong umubos ng baon ko simula July kaya naninibago ako kapag ako na lang mag-isa yung kumakain ng baon ko. Feeling ko ang hirap ubusin. Nasanay kasi ako ng may kahati. x) 

Magaling din sya sa memorization lalo na sa mga capitals ng mga bansa. Mahilig sya sa mga bagay na hindi itinuturo sa school and mahilig din sya sa Detective Conan kagaya ko. Favorite food nya ang sinigang at favorite color nya din ang blue (pareho kami). Gusto din nya si Haibara Ai saka si Luna Lovegood (tama ba? xD ) pati na rin syempre si Pooh. 

Dear Alleria,

Ano ba yan. Hindi na kita makikita. Nakakainis naman. Mamimiss kita. Ilang araw pa nga lang na hindi kita nakita eh hinahanap na kita paano pa kaya kapag buwan na? Salamat kasi isa ka sa mga nagko-comfort sa akin everytime na umiiyak ako. Salamat din dun sa choc-o na binili mo habang humahagulgol ako. Salamat sa friendship and I hope na sana hindi na matapos yun kasi gustong gustong gustong gusto kita alagaan saka pakainin ng mga iluluto ko. Hindi ko alam kung bakit pero feeling ko ang sarap mong alagaan. BASTA! Yun na yun!

Ingat ka palagi and if ever na kailangan mo ng help especially ng tagaluto saka taga alaga, nandito lang ako. Tawagan mo lang ako or itext ok? Love you Alleria Windrunner!!! Mamimiss kita ng sooooooooooooooobbbbbbraaaaaaaaaaaaa sooooooooooooooobbbbbbbbbbbbbbbrrrrrrrrrrrrrrraaaaaaaaaaa ♥

xoxo,
Daryl 

A Letter From My Heart: Our HistoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon