HISTORY...

88 4 0
                                    

Ngayon nabasa nyo na lahat ng impressions at gusto kong sabihin sa inyo. Nagpapasalamat ako kasi naging parte kayo ng istorya ng buhay ko.

HISTORY....

Paulit-ulit. Ilang beses ko na ba nabanggit yang history na yan? Hindi ko na din alam eh. Hahaha. Masyado nang maraming beses at feeling ko dadami pa.

HISTORY...

is as simple as "his story".

Ito yung kwento mo, kwento ko, at kwento nila. In short, ito yung kwento nating lahat. Natatawa nga ako eh. Ang ironic isipin. Ngayon ko lang napansin na may madederive na salitang "his" at saka "story" sa salitang yan.

Sa kwentong yan, pwede tayong maging masaya, malungkot, maiyak, magalit, matuto, at kung anu-ano pa.

Dyan sa salitang yan natin makikilala kung sino talaga tayo...

Kung ano yung mga kaya nating gawin at malaman yung mga bagay na mahina tayo...

Dyan din sa salitang yan nakapaloob lahat ng alaala na nagkaroon tayo. Pwede nating balikan. Pwede nating tawanan at iyakan. Pero kahit kelan, hindi na natin mababago yan. Yan na yun eh. Nagawa na natin. Hindi na natin pwedeng i-rewind ang lahat at sabihin na "Ay mali mali! Ulit nga!". Hindi na rin nating pwedeng pagsisihan kasi tapos na. Eh ano kung magsisi tayo sa ginawa natin? May magbabago pa ba? Wala na.

Nabuhay tayo ng iba-iba ang landas na tinahak. May mga nakasalubong tayo pero hindi habang buhay na magkasabay kayo. Parang ganito lang yan eh:

Hindi ka naman habang buhay na maglalakbay pauwi sa bahay nyo na kasama ang kaibigan mo eh. Dahil kahit anong traffic at bagyo pa ang dumating ay darating at darating pa rin yung panahon na lilihis sya ng daan para umuwi sa bahay nila.


HISTORY...


Dahil dyan hindi ko pagsisisihan na nabuhay ako kasi alam ko na may babalikan akong mga alaala kasama yung mga kaibigan ko. Dahil din dyan maaalala ko na minsan sa buhay ko, may mga taong dumating para guluhin ng bongga yung buhay ko para gawin akong mas mabuting tao. Kahit na alam kong may mga naging pagkukulang ako, alam kong wala na akong dapat ikatakot kasi alam ko na kung ano yung mga bagay na dapat gawin ko dahil immune na ako.

Alam kong darating yung araw na, magkakalimutan tayong lahat. Siguro dahil sa katandaan at kung minamalas, amnesia (wag naman sana xD ) pero alam nyo, pakiramdam ko wala pa rin magbabago kasi kahit makalimutan man kayo ng utak ko, alam ng puso't kaluluwa ko na may nakilala akong mga taong kagaya nyo. Na minsan sa susunod na parte ng buhay ko, bigla na lang akong mapapangiti kasi naaalala ko yung mga kalokohang nagawa ko noong magkakasama pa tayo.

Always remember na nandito lang ako. Hindi ko kayo iiwan. Kahit nasaan man ako or kahit gaano man ako kalayo, hinding hindi ko kayo iiwanan. Kasi...

ISA AKONG AMETISTA.

A Letter From My Heart: Our HistoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon