"My Second Father" ~ Mr. Jamsen Albaño

86 1 0
  • Dedicated kay Jamsen Albaño
                                    

Alam kong ilang ulit ko na nasabi toh pero uulitin ko ulit. Si Sir Jam yung father figure ko sa school kasi halos magkatulad sila ng dadi ko. Hindi ko alam kung paano ko nasasabi yun pero naf-feel ko kasi eh.

Mabait yang si sir tapos isa din sya sa pinakamataas magbigay ng grade sa akin. Minsan nga hindi ko alam kung bakit basta gusto ko lagi ang pinakamataas na grade ko galing sa AP. Ewan! Kahit medyo nakakatorete minsan yung subject parang nawawala na lang bigla kapag si sir na yung nagtuturo. Ewan ko ba kung anong klaseng technique yung ginagamit nya na sa tuwing sya yung magtuturo gusto ko ako lagi yung mataas, na wala akong gagawin na mali or something na ikaiiba ng tingin nya sa akin. Siguro nga kasi parang dadi na talaga yung turing ko kay sir. Ayoko din kasing may ibang bida sa mata ng tatay ko eh. Gusto ko ako lang. 

Ang selfish noh? Yeah right. Selfish ako pagdating sa mga, let's say, sa mga favorite ko. Kaya sibrang na-frustrate ako nung hindi ko nadeliver ng maayos yung speech ko sa values saka nung may nakalamang sa akin sa AP. Ang sarap humagulogol. Promise!

Dear Sir Jam,

Salamat po sa pagbigay sa akin ng credit dun sa subject nyo kahit feeling ko wala naman akong nagawa para mapatunayan yun. Pasensya po kung minsan lagi namin / ko po kayong nadi-disappoint sa mga performances na ginagawa namin / ko. 

Hinding hindi ko po kayo makakalimutan pati yung mga itinuro nyo sa amin. Salamat po sa tawanan saka sa mga lessons in life na ishineyr nyo sa amin. Cherished po lahat ng yun. Sana po may nagawa kami para mapasaya kayo. Ingat po lagi and stay being a great teacher. Salamat po ulit ^^

xoxo,
Daryl 

A Letter From My Heart: Our HistoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon