"The Cosplayer" ~ Hannah Aquino

67 2 0
  • Dedicated kay Hannah Aquino
                                    

Sya yung isa sa mga taong alam ang istorya ng buhay ko simula nung nagkaloko-loko yun noong sophomore pa lang ako. Magaling syang adviser at isa din syang avid Directioner. Sweet sya at kagaya ni Aries, mahilig din sya sa mythology. Mahal na mahal nya yung mga pocket books nya at... at... secret... xD

Cosplayer sya at I think ang pinaka gusto nyang character ay si Lenalie (tama ba spelling? xD) ng D-Grey Man. Mabait sya at generous. MAGANDA sya and most of all, mahal ko yan. Kahit hindi halata, pak na pak yung pagmamahal ko dyan. 

Crush nya yung "The Cool Guy" ng Amethyst na si toooot. Kung nabasa nyo yung buong book na ito, malamang sa hindi ay alam nyo kung sino yung tinutukoy ko.

Peace Nana!!! ^_^v Baka batuhin mo ako ng sandok sa TLE room sa Wednesday eh.

Isa din sya sa mga pumigil sa akin sa dapat na balak ko and sya yung pinaka-unang tao na nagsabing may worth ako. Naaalala ko pa nga ang sabi nya noon sasampalin nya ako kapag hindi ako pumasok sa Monday eh kaso tamang-tama na nag-confess sya sa akin nung araw na yun kaya dapat ipi-print screen ko na kaso nakonsensya ako. Baka kasi mawalan ako ng buhok eh. Yun pa naman yung pinaka iingat-ingatan ko xD

Dear Nana,

Salamat sa pakikinig mo sa mga kwento ko saka sa pagcheer-up mo sa akin every time na alam mong alanganin yung mood ko. Salamat sa mga advices mo kahit na hindi ko gaanong tine-take yung ilan kasi umaasa pa din ako. Pero noon lang yun. Hindi na ngayon. Maling mali na sa kanila lang umikot yung mundo ko eh. Nakalimutan ko na nandyan pa pala kayo na kasama ko. Nasayang tuloy yung mga panahon ko sa junior life ko na inilaan ko sa iba imbis na sa buong klase natin. 

Salamat sa lahat lahat pati na sa C2 na nilibre mo saka dun sa 15 pesos na hindi ko pa nababayaran. xD

Mahal kita Nana *puppy eyes* ♥

xoxo,
Daryl 

A Letter From My Heart: Our HistoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon