Sa buong tropang potchi na meron ako, sya yung pinaka tahimik sa amin. Tahimik in a way na mahina lang yung boses nya at hindi sya sumisigaw pero madaldal yan. Promise. xD Mabait sya tapos minsan lack sa self-confidence. Yun yung dahilan kung bakit hindi namin maiwanan mag-isa yan eh, kasi minsan kapag hindi nya kaya tahimik lang sya tapos hindi nagsasalita. Kapag ganun yung scene alam namin na may gusto syang gawin kaso nahihiya sya so heto naman kami, ang super friends nya, lalapitan sya at ie-encourage kasi alam namin na may talent sya.
Dear Kirstina,
Matagal tagal na din pala simula noong maging classmate kita noh? It's been more or less six years. Salamat sa friendship and company na binigay mo together with our other friends. Ahm, wish ko lang na sana ma-overcome mo na yung fear of audience mo na umaatake minsan. Kahit kasi nandito kami always para sa'yo dadating yung araw na magkakahiwa-hiwalay tayo at kapag nanagyari yun it means na hindi ka na lagi namin masasamahan kapag nahihiya ka sa iba. Try to be more sociable with other people. Alam ko naman na magkakaroon ka pa ng maraming kaibigan dahil mabait ka naman eh.
Stay nice and sana maging mas active ka pa sa mga gatherings na mae-encounter mo in life. Tandaan mo lang na nandito kaming mga kaibigan mo para umalalay at maniwala sa mga kaya mong gawin kahit na malayo kami.
Saka nga pala. Yung bangs mo paputol mo na ha? Hehehe. Joke lang. Ingat palagi.
xoxo,
Daryl
BINABASA MO ANG
A Letter From My Heart: Our History
Novela JuvenilHistory? To be honest, hindi ko talaga alam yung meaning nyan but... at the end of this novel, sana maibigay ko na yung meaning ng sinasabi nilang "HISTORY" AUTHOR'S REQUEST: *Become a fan *Comment / Suggest *Follow me on twitter @FrbddnThrtn --yan...