A Must Read...

74 2 0
  • Dedicated kay sa lahat na nabigyan ng dediction. na tag man or hindi ♥
                                    

Salamat kasi kahit na baliw, iyakin, kalog, walang magawa, mahina, pasakit, at kahiya-hiya ako eh hinayaan nyo na maging parte ako ng buhay nyo. Masaya ako kasi nakilala ko ang bawat isa sa inyo. Hindi man naging maganda yung unang impression at pagsasama natin, hindi ko maitatanggi na minahal ko talaga kayo ng sobra sobra.

Naiinis nga ako eh kasi hinayaan kong umikot yung buhay ko sa daungan ng barko saka sa isang kampana. Nanghihinayang ako kasi hindi ko napansin kung ano yung meron ako noon na hindi ko man lang pinansin kasi ang layo ng inaabot at tinatanaw ko.

Sayang yung malaking parte ng junior life ko na sana inilaan ko para sa inyo. Sayang yung ilang buwang pag-iyak ko sa mga taong hindi ko alam kung pinapahalagahan ako. Sayang yung mga luha na ibinuhos para sa kanilang dalawa na sana inilaan ko na lang para sa tawanan kasama kayo.

Wala man akong nagawa para sa inyo... sinisigurado ko naman na kayo yung nagpuno sa pagkukulang na iniwan nung mga taong pinag-aksayahan ko ng panahon ko.

Noon ang sabi ko hindi na ako magmamahal pagkatapos kong mabaliw sa isang daungan ng barko. Natatakot kasi akong masaktan ulit. Pero mali pala yund desisyon ko. Maling mali. Bakit? Kasi yung mga taong akala kong walang kwenta kagaya ng mga lalaki ng Amethyst ang nagparamdam sa akin na may halaga pa pala ako. Sila yung mga taong nayayakap ko sa mga panahong parang gusto ko nang sirain yung upuan saka yung board.

Nandyan yung mga stress reliever at saka mga knight in shining armor ko na mamimiss ko ng sobra sobra.

Salamat sa Amethyst boys kasi tinakpan nyo yung sugat na sampung taon pa sana bago maghilom. Salamat dahil kahit hindi nyo alam yung dahilan, sa puso ko alam ko na malaki ang naitulong nyo para sumaya ulit ako.

Noon din akala ko yung kampana na lang yung magiging kaibigan ko. Akala ko sya na lang yung taong makakaintindi sa akin pero kagaya ng nauna, nagkamali ako. Hindi ko napansin na marami pala kayo. Masyado kasi akong naka-focus sa isang tao noon kaya nakakalimutan kong mag-open up sa iba sa inyo. Paano nyo nga naman ako maiintindihan kung hindi nyo alam kung ano yung kwento ko di ba?

Minsan nakakatawang isipin na yung akala kong nag-iisa eh madami pa pala. Hindi ko lang napapansin kasi nakasarado na ako kapag may nakita akong isa. Nalulungkot ako kapag naiisip ko na ang dami kong pinalagpas na pagkakataon. Sayang at huli na nung ma-realize ko yun.

Wala na ako ngayong ibang masasabi kundi...

Sorry sa mga pagkukulang ko bilang kaklase nyo...

Pasensya na sa mga nasabi kong masasakit at...

Salamat kasi naging parte kayo ng buhay ko. Hinding hindi ko kayo lahat makakalimutan. Mahal ko kayo ♥

A Letter From My Heart: Our HistoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon