Sa lahat ng naging kaklase ko, sya yung laging na le-left out kasi weird daw sya or mahirap pakisamahan. Sa kanila yun. Pero sa akin hindi. Kahit na minsan napaka moody nya kagaya ko (na I think normal sa akin dahil may bipolar ako) alam ko na there's about her that needs to be filled KAGAYA KO.
Tahimik sya and I know kung bakit. Kasi alam nyang hindi sya iintindihin ng mga tao sa paligid nya. Kahit ako. Aaminin ko na iniiwan ko din sya minsan pero nagsisisi na ako kasi dapat hindi. Sa lahat kasi ng kaklase namin alam kong sya yung pinaka kailangan ako.
Dear Graciela,
Pasensya na kung ikaw yung lagi yung napagbubuntunan ko ng mga galit ko ah? Hindi ko kasi mapigilan yung frequent mood switching ko lalo na nung na-confirm ko yung disorder ko. Pasensya na kung iniiwan kita madalas mag-isa ha? Pasensya na kung nakakalimutan kong nandyan ka. Sana mapatawad mo ako sa mga pagkukulang ko bilang kaibigan mo kasi alam kong sobrang dami nang mga yun.
Tandaan mo, hindi na importante yung mga sasabihing negative sayo ng iba kasi nandito naman kaming mga kaibigan mo na ipagmamalaki ka sa kung anong meron ka at sa kung ano yung mga kaya mong gawin.
Kapag may problema ka din punta ka lang sa bahay, pakakainin kita ng mga niluto ko tapos sabay tayong tataba ♥ Hahaha. Sana hindi ka magsawa sa akin kahit na lagi kitang inaaway. Salamat sa pagkakaibigan. Mahal kita ♥
xoxo,
Daryl
BINABASA MO ANG
A Letter From My Heart: Our History
Teen FictionHistory? To be honest, hindi ko talaga alam yung meaning nyan but... at the end of this novel, sana maibigay ko na yung meaning ng sinasabi nilang "HISTORY" AUTHOR'S REQUEST: *Become a fan *Comment / Suggest *Follow me on twitter @FrbddnThrtn --yan...