"The Jolly Singer" ~ Mhel Pernito

71 1 0
  • Dedicated kay Mhel Pernito
                                    

Pernione, pernitwo, pernithree, pernifour. Makagets meron nang isang palakpak. Hahaha. Yan actually yung favorite ni Mhel na pang-asar sa kanya. Ewan ko nga kung bakit nya kami sinabihan na sabihin yan sa kanya kapag magse-serve sya sa volleyball eh. Siguro para na rin iwas pressure.

Mabait yan kahit medyo bayolente minsan. Bayolente in a way na ang hilig mangurot ng pisngi or ang hilig pumusil ng taba sa katawan. Ahahaha. Pero kahit ganun alam naman nya yung limits nya.

Sya rin yung pinag mukha kong bangkay noong sumali sya sa contest ng pagkanta ng kundiman noong Linggo ng Wika. Hindi kasi ako marunong mag make up kaso dahil nagmamadali kami eh nagkusa na akong tumulong sa pag-aayos nila. Dahil yung isa kong anak ay busy sa female contestant namin eh ako yung naiwan kay Mhel dahil na nga din sa foundation lang naman yung kailangan ilagay sa kanya. Mas madaling ilagay, mas konti yung mali. Pero napasobra ata yung foundation na nilagay ko kaya nag mukha syang bangkay kaya pinunasan na lang namin ulit tapos konti na lang yung nilagay ko. First time ko eh. Eto pa yung malupit. Nakalimutan kong lagyan ng foundation yung nape nya kaya hindi pantay yung skin tone nya. Ang sama ko naman sa field na yun. Haaayyyy :3

Dear Mhel,

Salamat sa pag-invite mo na pumunta ako sa HL next school year ah pero hindi ko pa rin kasi alam kung mapagbibigyan kita eh. Nawala na kasi yung passion ko sa pagkanta. Ang main reason ko lang naman kasi kaya ako kumakanta kasi nailalabas ko yung feelings ko dun pero ngayon kasi parang wala na akong maramdaman kapag kumakanta ako ng kahit na ano. Idagdag mo pa yung pangit kong boses. Ang sagwa na pakinggan hindi kagaya noon. Pasensya na ha pero promise ko na kapag bumalik yung passion ko sa pagkanta, kahit hindi man ako makasali next school year sa HL, ikaw yung ina kong sasabihan para makapag duet tayo.

Yun lang po. Salamat ulit sa memories na meron tayo. Salamat kasi naging mabait ka sa akin this school year and I hope na maging mas close pa tayo next time. Ppyeong ^^

xoxo,
Daryl 

A Letter From My Heart: Our HistoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon