WARNING: PHYSICAL ABUSE AND SEXUAL SCENE AHEAD. NOT SUITABLE FOR THE YOUNG READERS. READ AT YOUR OWN RISK!! 18+
***
Tahimik siyang naglalakad hanggang sa mapadaan sa isang tahimik na highway na wala masyadong dumadaang sasakyan. No'ng una ay hindi naman siya natakot kaso habang tumatagal parang ramdam niyang may nakasunod sa kanya sa likod kaya binilisan niya ang kanyang paglalakad.
Natuwa siya nang makitang tanaw niya na ang condo at hindi niya na naramdaman ang nang tao kaninang sumusunod sa kanya.
Napailing-iling siya. Baka dumadaang tao lang din naman yun.
Hahakbang na sana ulit siya nang biglang may marahas na humigit sa kanyang kamay at tumakip sa kanyang bibig. Nanlaki ang kanyang mata at agad na nagpupumiglas.
"Hmp!! "
Sinubukan niyang kumawala sa pagkakahawak ng hindi kilalang tao ngunit higit na mas malakas ang taong iyon kesa sa kanya.
Lumakas ang pintig ng kanyang puso sa takot at kaba. Marahas siyang kinaladkad paatras ng estranghero kaya nabitawan noya ang kanyang mga pinamili. Naiiyak siyang umiling at nag pupumiglas.
"TUMIGIL KA KUNG AYAW MONG ISAKSAK KO ITONG KUTSILYO KO SA TAGILIRAN MO!! "Banta nito sa kanya na ikinatahimik niya.
Tahimik siyang umiiyak habang pilit paring nagpupumiglas. Ngunit nang idiin nito ang hawak na kutsilyo sa kanyang leeg ay napatigil siya sa panlalaban. Ramdam niya ang dugong dumaloy sa kanyang leeg buhat ng matalim na kutsilyo. Dinala siya nito sa isang abandonadong building.
Isa itong hospital dati ngunit pinagiba nang gobyerno dahil hindi kompleto yung permit na ipinasa. Patulak siya nitong binitawan kaya siya napasalampak sa sahig.
Inangat niya ang kanyang mukha upang kilalanin ang taong nag kidnap sa kanya. Namilog ang kanyang mata at malakas na napansinghap ng makilala ang taong may kagagawan.
"Pa? " Hindi makapaniwalang usal niya.
Ngumise ito na ikinatindig nang kanyang balahibo. Sobrang pula nang mga mata nito na animoy bago lang nakahithit. Napasinghap siya nang bigla nalang itong humalakhak na parang baliw.
Nag mamadali siyang umatras sa sulok ng makita itong nag lakad patungo sa kanya. Nag sususmiksik siya sa gilid na mas lalong ikinangise nito.
"Bakit ayaw mo nang lumapit aa akin ha? natatakot ka ba kay Papa? " may pang–uuyam sa boses nitong saad.
Umiiyak siyang nakatingin rito.
"B-bakit mo ba ito ginagawa, Pa? " Umiiyak niyang tanong.
Pinanlilisikan siya nito ng mata at mabilis na lumapit sa kanya at pagkatapos ay mariing hinawakan ang kanyang panga na
ikinasinghap niya sa sakit.Nalukot ang kanyang mukha dahil sa higpit nang pagkakahawak nito na animo'y gusto ng durugin ang kanyang buto.
"BAKIT KO ITO GINAGAWA? DAHIL SA'YO! PISTE KA SA BUHAY KO! SALOT KA! " Malakas ang boses nitong sigaw at mas lalong hinigpitan ang pagkakahawak sa kanyang panga.
Umawang ang kanyang labi dahil sa sakit. Sunod sunod na pumatak ang kanyang mga luha.
"Alam mo‚ kung hindi ka sana dumating. Masaya sana ang buhay namin ngayon nang mama at mga kapatid mo. Kaso dumating ka e, dumating kang punyeta ka! " Dagdag pa nito.
Naguguluhan niyang tinitigan ang ama. Mukhang nakuha naman na naguguluhan siya. Pabalag nitong pinakawalan ang kanyang panga at tumayo. Ginulo nito ang buhok dahil sa galit at frustration.

YOU ARE READING
POSSESSION SERIES 2: MAXIMO SOKOLOV [ COMPLETED/SOON TO BE PUBLISH ] ✓
Acak[SOON TO BE PUBLISH UNDER HEART OF BOOK PUBLISHING] Maximo is a well-known womanizer and a bachelor. He enjoys toying with women's emotions, viewing them as mere objects for his pleasure. He didn't offer any commitment, just plain sex. Fulfilling h...