Monette's POV
"Hoy. Monette! Tulala ka na naman. May problema ka ba? O baka si Joshua na naman ba? Naku sinabi ko na sayo dating hiwalayan mo na yung kumag na yon! Ayaw kang maniwala e o ano ngayon namomorblema ka." Mahabang litanya ni Amie.
Naiiling na lamang ako. "Hay naku ewan ko sayo Amie. Saka isa pa si Joshua? Poproblemahin ko? Hay naku wala namang nangyari sa amin e kaya hindi ko siya pinag-aaksayahan ng panahon." Sagot ko habang inaayos ang mga medicine supply sa lalagyan nito.
"Okay sabi mo e. E Teka nga ano namang iniisip mo?" Usisa nito.
"Wala."
Hindi ko magawang ikwento sa kanya ang panaginip ko kasi kahit ako nalilito rin para kasing totoo pero panaginip lang naman kaso yung kirot na nararamdaman ko sa tuwing napapanaginipan ko yun talagang hindi ko maipaliwanag.
"Hoy. Natutula ka na naman e. Ano bang problema mo Monette."
Bakit hindi ko subukang sabihin kay Amie. "Kasi nitong mga huling araw lagi akong may napapanaginipan.... ang weird nga kasi parang totoo siya ramdam ko kasi yung sakit."
Napatitig sa akin si Amie. "Tapos anong nangyari? May nakita ka ba sa panaginip mo?" Bigla akong kinilabutan sa tanong nito.
"Oo. Isang Demonyo."
Napakapit ito sa braso ko. "Naku Monette ha baka tinatakot mo lang ako ha!"
Umiling ako. "Yung Demonyo may hawak siyang sanggol si Roseta at tinatawag niya akong Monica."
"Roseta? Monica?" Ulit nito. I nodded.
"So ibig mong sabihin na gabi-gabi mo silang napanaginipan?"
"Oo."
Kumunot ang noo ni Amie. "Baka may kinalaman sila sa dati mong Buhay o kaya pwde ding masyado mo lang iniisip kaya paulit-ulit ganun."
"Pwede din pero nagsimula lang to nung nawalan ako ng malay. Sa panaginip ko nanganak ako ramdam ko yung sakit tapos nasa gitna daw kami ng digmaan tapos yung Demonyong sinasabi ko tinawag ko siya sa pangalan niya at lumapit siya sa akin."
Kumapit lalo si Amie sa braso ko halatang kinikilabutan siya. "Anong name ng Demonyo?"
"Belphegor."
"Naku Monette kinikilabutan ako sayo ha. Teka bakit hindi natin igoogle Yung Demonyong yon. Sandali lang." kinuha nito ang cellphone sa bulsa saka nag-umpisang magsearch.
"Oh my god! Sigurado ka bang Belphegor yung name ng Demonyo sa panaginip mo?" Atubiling tanong nito.
"Oo bakit ano bang sabi sa search mo?"
"Gurl kung totoo itong asa google aba nakakatakot siya."
"Bakit nga? Ano bang resulta dyan kay google?" Medyo naaasiwa pa ako sa pagiging OA nito.
"Sabi kasi na Isa sa Pitong Prinsepe ng Empyerno si Belphegor at isa siya sa mga fallen angels. Matalino daw si Belphegor. Kapag humiling ka sa kanya tiyak na bibigyang katuparan daw niya basta Tama ang Rituwal naku gurl katakot ang dream boy mo!"
Natawa ako sa huli niyang sinabi. "Dream boy ka dyan. Magtrabaho na nga tayo!"
Pero hindi sila mawala wala sa isip ko. Ah baka nga panaginip lang kaso bakit pakiramdam ko mahal ko yung Belphegor na yon o baka naman imagination ko lang nga iyon. Hay bahala na. It's only a dream and it will never ever exist.
May tumulong luha sa mga mata ko pagkatapos kong isiping hindi sila totoo o baka nababaliw na ako.
***
BINABASA MO ANG
Roseta
ParanormalIsang Cambions na lumaki sa Mundo ng mga Mortal. Si Roseta ang nag-iisang Anak ni Belphegor. Makilala kaya niya ang kanyang Ina? Mula nang magkaisip ito tanging ang Lolo Marian lamang niya ang nakakasalamuha niya at ang Pinsang si Dominico na Isa r...