Friday ngayon kaya madaming tao Ngayon sa palengke. Nangulit ako kay Lola kaya isinama nila ako ni Kuya sa pagbebenta Ng mga tanim naming gulay.
Ang bilis makabenta ni Kuya Dominico pano topless siya. Kaya nagkakagulo ang mga bruha sa pagbili naku kung alam lang nila na masmatanda pa sa kalolololohan nila si Kuya tiyak hindi kami makakabenta!
Ako ang taga balot ng binili na mga tao habang si Lola ang taga sukli at si Kuya naman ang taga bigay pati tagatawag ng pansin ng mga mamimili lalo na kung babae.
"Magandang umaga po. Lola." bati ng Private Teacher ko sabay ngiti kay kuya. Tumango lang si Kuya. Maganda naman si Teacher e nagkataon lang sigurong mapili lang tong Cambions na to.
"Wow. Kasama ka pala nila Roseta."
Napakamot ako sa noo ko. "Opo. Kinulit ko lang po si Lola eh."
"Kaya pala nagkakanda haba ang mga leeg ng mga lalake dito e kasi andito ka. Naku alam mo bang bukod sayo yung Apo din ni Nanang Ester pinagkakaguluhan din yon."
Umiling si Kuya saka niya binuhat ang Isang sako ng patatas para ilagay sa mga bayong. May pera naman kami kasi hindi kami pinabayaan ni Papa pero sabi ni Lola magtataka daw kasi ang mga tao kung saan nanggagaling ang Pera namin kaya eto nagtitinda pa rin kami.
"Bakit po siya pinagkakaguluhan."
Ramdam ko ang inggit sa boses ng Teacher ko habang sinasabi niya yung tungkol sa Apo nung Nanang Ester.
"Kasi maganda siya...parang ikaw. Saka Boyfriend lang naman niya si Sir Noah siya ang pinakamayaman sa Lugar na to."
Tumango tango lang ako. Ganun? Eh mayaman din naman si Papa. Ah hindi pa pala nakikita ni Teacher si Papa. Natawa ako.
Tinapik ako ni Kuya. "Oi sabi ko sayo sa Bahay ka na lang tignan mo naiihipan ka na ng hangin kaya natatawa kang mag-isa diyan." sabay tawa. Namula naman ang Teacher ko. Talagang malakas ang tama niya kay Kuya ah.
"Lola oh si Kuya." sumbong ko.
Tumawa si Lola. "Kahit kelan para kayong aso at pusa. Oh ito Roseta bumili ka muna ng pwede natin kainin pati 1.5 Coke."
Kinuha ko ang Perang binigay ni Lola saka ako naglakad sa kaharap lang na tindahan. Bumili ako ng tatlong Burger at isang 1.5 Coke. Inantay kong maluto Yung mga Burger na order ko. Tumayo lang muna ako sa tabi. Nakasuot ako ng kulay itim na bistidang may sunflower na design. Ayaw kasi ni Papa na nagsusuot ako ng pantalon hindi daw bagay sa akin. Pero kahit naka bistida ako may suot akong cycling short gaya ng sabi ni Lola para kahit daw tumaas ang laylayan ng bistida ko wala daw silang makikita.
"Kaano ano mo si Aling Marian?" tanong sa akin ng nagtitinda ng Burger.
"Lola ko po siya." tipid kong sagot. Pinagmasdan ko ang tindera parang halos kaedaran ko lang siya.
"Ah... kung Lola mo siya o di si Nico pinsan mo?" medyo namula ang pisnge nito.
"Nico? Sino pong Nico?" tinuro niya si Kuya. Napatango na lamang ako. Nico Pala ang tawag nila kay Kuya.
"Ok pinsan ko siya. Bakit?" lalo itong namula. Naku gets ko na. Para din palang si Teacher ang drama nitong isang to.
"Crush mo si Kuya?"
Nalaglag ang Burger na binabalot nito kaya nagluto siya uli. Natawa ako. May naisip ako.
"Kuya!" kumaway ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
Roseta
ParanormalIsang Cambions na lumaki sa Mundo ng mga Mortal. Si Roseta ang nag-iisang Anak ni Belphegor. Makilala kaya niya ang kanyang Ina? Mula nang magkaisip ito tanging ang Lolo Marian lamang niya ang nakakasalamuha niya at ang Pinsang si Dominico na Isa r...
