Naramdaman kong parang may humahalik sa akin. Pagdilat ko ng mga mata ko laking gulat ko at yung lalake sa MOA ang nakita ko. Agad ko siyang itinulak saka ko siya pinatikim ng malutong kong sampal. Bahagyang humilig pakanan Ang kanyang gwapong mukha.
Hinaplos niya ang bahaging natamaan ng sampal ko. Saka matalim na tumingin sa akin.
"TU TU me sicut tunde?"
( Did you just slap me? ) humakbang ito palapit sa akin. Hindi ko naiintindihan ang mga pinagsasasabi niya. Ang tanda ko marunong naman siyang managalog ah.Marahas niyang hinawakan ang kanang braso ko. Napakahigpit ng pagkakahawak niyang iyon parang mababale ang braso ko. Naiiyak na ako sa sakit. Paano ako napunta dito kasama ng lalakeng to.
"Hominen stulte!" ( You stupid human! ) sigaw niya at napapikit ako.
"PAPA!" narinig kong sigaw ng pamilyar na boses nang magmulat ako ng mga mata ko Wala na kami sa dalampasigan. Andito na kami sa isang Bahay Kubo. Natahimik ako ng makita ko ang batang babae na nabangga namin sa MOA bagong gupit siya. Pero maganda pa rin siya kahit umiksi na ang kanyang buhok. Alanganin siyang nakatitig sa akin.
Humakbang siya palapit sa akin.
"Mama?" sambit nito. Nangunot ang noo ko.
Huminto siya ng magsalita yung lalakeng kahalikang ko kanina sa dalampasigan pero Teka paanong nangyari yon? Naguguluhan ako.
"Lumisan na ang Mama mo Roseta. Yang nasa harapan mo ngayon ay tanging Isang hamak na Mortal na lamang. Hiniram lang ng Mama mo ang katawan niya. Wag kang lumapit sa babaeng Yan."
Napalingon uli ako sa dalagitang si Roseta. Bahagya siyang umatras at nagtago sa likod ng Isang matandang babae o baka Lola niya yon.
"Asan na Ang anak ko Belphegor?" ano Belphegor? Kapangalan niya ang Demonyo sa panaginip ko. Nanlalaki ang mga mata kong Napatitig sa kanya
"Wala na po siya ng habambuhay." sagot niya sa matanda saka siya lumapit sa akin.
Aatras na sana ako ng hawak niya uli ako sa braso. "Ibabalik na kita sa pinanggalingan mo Mortal."
Nagpupumiglas ako. Pagbitaw niya sa braso ko nasa Airport na kami. Hindi ako makapaniwala sa nasaksihan ko.
"Ako si Belphegor... Hindi ako tao Monette... Kaya kitang patayin kahit anong oras. Itikom mo ang bibig mo at mabubuhay ka. Nagkakaintindihan ba Tayo."
Sunod sunod ang ginawa kong tango. Saka ito naglaho na parang bula sa harapan ko. Pabagsak akong napaupo sa marmol na sahig ng Airport. May narinig akong mga tao. May sumigaw kaya napalingon ako. Si Josh... Anong ginagawa niya dito?
"Monette! kanina ka pa namin hinahanap. Tumawag sa akin si Amie at sinabi niyang gusto mo daw pumuntang Leyte. Alam mo bang delikado dun! Pinapatugis na sa amin yung dalawang Demonyong nagpakita dun. Hindi ka ba nanonood ng Balita? Danger zone na ang Lugar na yon. Wala nang pinapayagang pumunta doon. Marami na nga lumilikas tapos ikaw pupunta ka pa dun!"
Tulala lamang ako kay Josh... Hindi ko akalaing nag-aalala pa pala siya sa akin kahit nambababae siya. Pero hindi ko maialis sa isip ko si Belphegor... At lalong hindi ko pwedeng sabihin na ang Demonyong hinahanap nila ay ang taong naghatid sa akin pabalik dito...ay hindi nga pala siya tao...
Niyugyog ni Josh ang balikat ko. "Okay ka lang ba? Halika ihahatid na kita sa Boarding House mo."
Tumayo ako at naglakad kasunod nito. Tahimik lamang ako. Dapat manahimik ako. Kung gusto ko pang mabuhay yon ang sabi ni Belphegor... Baka yung panaginip ko lahat ng iyon ay kay Monica at hindi talaga akin. Pero bakit parang gusto ko na din si Belphegor? Sa loob ng 16 years na lage ko siyang napapanaginipan tingin ko minahal ko na din siya...kaso Kay Monica ang mga alaalang yon. At kanina halata kung gaano niya kamahal yung Monica...
BINABASA MO ANG
Roseta
Siêu nhiênIsang Cambions na lumaki sa Mundo ng mga Mortal. Si Roseta ang nag-iisang Anak ni Belphegor. Makilala kaya niya ang kanyang Ina? Mula nang magkaisip ito tanging ang Lolo Marian lamang niya ang nakakasalamuha niya at ang Pinsang si Dominico na Isa r...