Nagkakagulo ang mga tao sa harap ng TV ng Ospital. Bakit kaya. May ibang natatakot.
"MONETTE!" malakas na tawag sa akin ni Amie. Dali dali itong lumapit sa akin.
"Tignan mo sa Balita m-may Demonyo daw na nagpakita sa Leyte at winasak nito ang Paaralan doon." parang hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Amie.
Pero maslalo akong nangilabot ng makita ko ang kuha ng mga tao na nagpadala nun sa isang news channel. Yung Demonyo sa TV at Yung Demonyo sa panaginip ko iisa! Napailing ako. Totoo ba ito?
"Monette!" tawag sa akin ni Amie kasunod nun ay walang hanggang dilim.
"Diyos ko naman Monette bakit ngayon ka pa nawalan ng malay!". niyugyog ko siya pero wala pa ding response. Kaya nagpatulong ako sa mga kasama namin sa Ospital. Binuhat nila si Monette saka siya nilagay sa Hospital bed. Ano ba tong kaibigan ko ang weird. Nagsimula siyang magkaganito Nung makita niya yung Balita tungkol sa Demonyo. Naku kahit kelan talaga hindi pa din niya makali-kalimutan Yung Demonyong yon sa panaginip niya. Anong oras na naman kaya ito magigising.
"BELPHEGOR...""Monica?" narinig kong may tumawag sa akin at si Monica yon. Pero hindi ko makuha ang Lugar na kinalalagyan niya. Kasalukuyan kaming lumilipad ni Dominico.
"Tiyo? May problema po ba?"
"Narinig ko uli si Monica." inantay kong tawagin niya muli ako ngunit nabigo ako.
"Tiyo?"
Tumango ako kay Dominico. "May parating."
Pareho kaming huminto ni Dominico. Tingin ko kami ang pakay nang mga ito. At Hindi nga ako nagkamali. May tatlong Jet fighter ang lumilipad papunta sa direksyon namin.
"Tiyo. Maglalaro po ba tayo?". tanong sa akin ni Dominico.
"Vero.". ( Yes. ) sinalubong na ni Dominico ang mga Eroplano pangdigma ng mga Mortal. Maya maya pa ay sumabog na ang mga ito. Lumitaw sa tabi ko ang pamangkin ko.
"Wala silang kwenta Tiyo. Uwe na po tayo."
Sabay kaming naglaho ni Dominico.
"PAPA! PAPA!" sinalubong ako ni Roseta. Saka niya ako niyakap. Sa totoo lang ang Anak ko lang ang nakakapagpakalma sa akin para siyang si Monica... silang dalawa lang ang kahinaan ko.
Sumunod si Evo na may dalang payong para payungan ang Anak ko. Malakas pa din ang ulan na ako mismo ang may gawa. Sige lunurin muna natin ang Lugar ng mga sumalbahe sa prensesa ko para masmahirapan sila…
"Magpalit ka nang damit. Basang basa ka Anak." kalmadong utos ni Papa.
"Papa. Saan po kayo galing?" tanong ko pero dumeretso lang si Papa sa isang Cabinet na pinaglalagyan ng damit nilang tatlo ni Kuya at Evo.
Tumingin sa akin si Papa. "Pinarusahan ko lang sila. Kung hindi ka nila trinato nang maayos dahil ayaw nila sayo..."
"A-ano pong ginawa nyo Papa?"
Ngumisi si Papa. "Pinaramdam ko ang galit ko sa kanila."
Namimilog ang mga mata ko sa posibleng ginawa ni Papa. "May pinatay po ba kayo?"
"Wala. Winasak ko ang kalahati ng Paaralan na yon. Sinaktan ka ng mga estudyante nila at wala silang ginawa ang pagkakamali ng isa pagkakamali din ng lahat. Kung ang mga Mortal ay walang respeto sa iba...kung ganun hindi rin sila dapat irespeto." mahabang paliwanag ni Papa.

BINABASA MO ANG
Roseta
ParanormalIsang Cambions na lumaki sa Mundo ng mga Mortal. Si Roseta ang nag-iisang Anak ni Belphegor. Makilala kaya niya ang kanyang Ina? Mula nang magkaisip ito tanging ang Lolo Marian lamang niya ang nakakasalamuha niya at ang Pinsang si Dominico na Isa r...