"Lolo? Aaaahhh...Ang sakit ng ulo ko." sa wakas nagising na din si Andres.
"Buti at gising ka na." inalalayan ko siyang umupo sa kama niya.
Nilingon muna nito ang piligid. "Anong lugar to Lolo?"
"Asa Ospital ka. Nakita kita sa Basement Andres. Wala kang malay kaya dinala agad kita dito sa Ospital."
Nakita ko ang pagkabalisa ni Andres. Medyo namawis ang noo niya. Mukhang may ginagawang kalokohan ang batang ito.
"Ah...may ginagawa po kasi akong experiment sa Basement tapos po nagkamali kaya ayun tumilapon po ako at nawalan ng malay."
Nagsinungaling siya sa akin. Kung ganun sinalbahe niya ang dalagitang hawak ni Belphegor kaya kinanti siya nito.
"Andres. Pinalaki kita sa poder ko at tinanggap ko kayo ng Lola at Mama mo."
Bigla siyang kinabahan. Halata sa kulay ng mukha niya. "Alam mong ayaw ko ng sinungaling. Nakita kita pati Sila."
"S-sila? A-anong ibig nyong sabihin Lolo?". maang maangan nitong sagot.
"Alam mong may anak akong babae diba at kaedaran siya ng Mama mo. Nawala ang Anak ko dahil kinuha siya ng isang Demonyo..."
Alanganin siyang ngumiti. "Lolo naman ayan ka na naman sa kwentong bayan nyo."
"Buntis ang Anak kong si Monica ng mga panahong iyon at hindi ko matanggap ang nangyari na malalahian kami ng Isang Demonyo. Dinala siya ng Demonyong yon sa Lugar na hindi ko alam kung saan kaya hiniwalayan ako ng tunay kong Asawa."
"Lolo ano bang pinupunto nyo?". painosenteng tanong nito. Lalo lamang kumukulo ang dugo ko lalo at naaalala ko ang takot sa mukha ng Apo ko!
"Ang babaeng sinalbahe mo sa Basement ng pamamahay ko. Anak siya ni Belphegor ang Demonyong mapangasawa ng kaisa isa kong anak. Ngayon Andres kilala ko si Belphegor. Lahat ng Meron ako ngayon na tinatamasa nyong mag-ina at Ng Lola mo lahat ay galing kay Belphegor!". bulyaw ko.
"Lolo naman..."
"Sinalbahe mo ba ang APO KO!!! Hindi magpapakita si Belphegor nang walang kadahidahilan! SUMAGOT KA ANDRES!!!"
"Lolo...Hindi ko po sinasadya..." sabay yuko nito.
Natigilan ako. "Anong hindi mo sinasadya? Sinalbahe mo siya ang APO ko! Andres pasensya ka na pero tingin ko kelangan na kayong magbalot balot. Ayaw ko na kayong makita pa!" sabay labas ko sa kwartong inuukopahan nito. Nanggigigil ako baka ako pangmakapatay sa kanya.
Ang Apo ko...patawarin mo ako anak hindi ko akalaing ang mga taong ipinalit ko sa inyo ng Mama mo ay ang taong sasalbahe pa pala sa Apo ko. Simula sa araw na to pinuputol ko na ang ugnayan ko kay Andres.
"ASAN NA SI BELPHEGOR! GUSTO KO SI BELPHEGOR!!!!"
"Sinong Belphegor yon. Amie?" nagtatangis ang mga bagang ko sa paulit it na sigaw ni Monette sa pangalan ng kung sinumang lalake yon.
"AMIE!!! SINO SABING LALAKE YON!"
"Joshua ano kasi mahirap ipaliwanag e saka baka hindi ka maniwala e." kabadong sagot ng kaibigan ni Monette.
"Umpisahan mo nang magpaliwanag o ipapasok kita Ngayon sa selda ni MONETTE!"
Napaigtag pa ito sa gulat. "S-si Belphegor ano...Hindi siya tao Demonyo siya mula sa panaginip ni Monette...p-pero Sabi niya nagkita daw sila nung pumunta siya ng Leyte!"

BINABASA MO ANG
Roseta
ParanormalIsang Cambions na lumaki sa Mundo ng mga Mortal. Si Roseta ang nag-iisang Anak ni Belphegor. Makilala kaya niya ang kanyang Ina? Mula nang magkaisip ito tanging ang Lolo Marian lamang niya ang nakakasalamuha niya at ang Pinsang si Dominico na Isa r...