"CAEL WAG KANG LALAYO!" tawag ko.
"Aking Roseta hayaan mo na siyang maglaro.... Isa pa wala siyang ibang kalaro dito."
"Mapapagalitan ako ni Papa at ni Mama kapag may nangyari kay Cael. Ang kulet pa naman niya." angal ko kay Evo.
"Sabi ko sayo e. Bigyan natin ng kalaro ang kapatid mo! Sigurado akong matutuwa sina Tiyo at Tiya lalo na si Ama!"
Nilapitan ko ang kapatid ko na tatlong taon pa lang saka ko siya kinalong.
"Gusto mo bang lumipad kasama ni Ate?"
"Gutto Cael." napangiti ako ang cute niya kasi bulol pa siya. Mini version siya ni Papa!
Ibinuka ko ang pakpak ko saka ako humarap kay Evo. Tatlong taon na din kaming nagsasama bilang mag-asawa at maginoo siya gaya ni Kuya.
"Sige Evo. Kapag nahuli mo kami ni Cael papayag na akong gumawa ng mini version nating dalawa!". nakangiti kong sambit.
Umaliwalas ang mukha ng Asawa ko saka niya ibinuka ang itim niyang pakpak.
"Sige. Sigurado naman ako na mahuhuli kita! At kapag nahuli kita deretso tayo sa Palasyo!"
Nagmamadali akong tumakbo saka ako lumipad na parang ibon sa himpapawid gabi at napakaliwanag ng Buwan.... Malayo kami sa Lugar ng mga tao kaya malaya kaming nakakalipad Dito. Binili ni Papa ang halos buong lupain dito para kay Mama at sa aming magkapatid!
Tawa ng tawa si Cael habang nakayakap sa akin hindi pa kasi niya kayang lumipad.
Pareho kaming napahagilhik ng mahuli ako ni Evo.
"Pano ba yan aking Roseta? Iuwe na muna natin yang makulet na yan." Saka kami naglaho. Pagdating namin sa Bahay inilapag ko lang si Cael at tumakbo ito Kay Mama nagulat pa si Papa dahil nakayakap pa sa akin si Evo.
"Parang ang saya mo Evo?" tanong ni Papa.
"Punta lang kaming Palasyo. Pagbalik po namin may kalaro na si Cael."
Nakabalikan nga pala ang Lolo at Lola ko. Isinama ni Lolo si Lola sa Maynila doon sila naninirahan ngayon madami kasing Business na inaasikaso si Lolo na mamanahin daw namin ng kapatid ko kapag namayapa na daw sila ni Lola.
Nabigla sina Papa at Mama pero natawa din naman sila sa sinabi ni Evo saka kami naglaho.
Bumagsak ako sa malambot na kama namin... naglapat ang mga labi namin at nangyari ang unang gabi naming dalawa.
Mahal ko si Evo.... at mananatiling siya lamang habambuhay....
-----------------Finis-----------------
Isang pasasalamat po sa inyong lahat... Sa walang sawang pagtangkilik sa aking mga gawa... Gaya po ng lagi kong sinasabi na gumaganda Ang Isang kuwento dahil sa mga Readers. Wala pong Writers kung wala pong Readers.
Lage po natin tatandaan na sa pagsusulat kaya nating marating ang mga Lugar na hindi pa natin napuntahan tanging imahinasyon lang po ang limitasyon ng lahat. Muli MARAMING MARAMING SALAMAT PO.
chan zee
BINABASA MO ANG
Roseta
ParanormalIsang Cambions na lumaki sa Mundo ng mga Mortal. Si Roseta ang nag-iisang Anak ni Belphegor. Makilala kaya niya ang kanyang Ina? Mula nang magkaisip ito tanging ang Lolo Marian lamang niya ang nakakasalamuha niya at ang Pinsang si Dominico na Isa r...