CAPITULUS NOVEM

107 6 0
                                    

      "Monette ano ba? Bakit ka ba nagkakaganyan! Gumising ka lang tapos gusto mo nang pumunta doon sa Leyte. Nababaliw ka na ba? Alam mo bang kanina pa umuulan doon ng matindi at kahit mga eksperto hindi nila maipaliwanag yung mga nangyayari sa Lugar na yon. Tapos gusto mong pumunta dun?!"  pigil sa akin ni Amie.

      "Alam mo bang yung Demonyong nasa T.V ung may itim na Baluti...siya yong Belphegor sa panaginip ko! Kahit ako Hindi ko din alam kung bakit ako ganito e basta may kung ano sa kaloob-looban ng katawan ko ang gustong pumunta doon kahit ayaw ko! Gusto ko lang matapos na tong nangyayari sa akin! Baka matulungan ako ng Demonyong yon..."  Inilagay ko na ang ilan sa mga importanteng gamit ko at ilang pirasong damit.

      Humarang si Amie nung malapit ko nang maabot ang doorknob.  "Monette. Hindi ko alam kung ano yang mga nakikita mo sa panaginip mo pero isipin mo to... Demonyo yon at dalawa pa. Alam mo bang nagpadala doon ng tatlong fighter Jet at sa isang iglap lang pinabagsak nung isang may sungay. Ganon Sila kadelikado."

      Tinitigan ko ng masama si Amie saka ko siya tinabig.  "Alam ko kung ano ang ginagawa ko Amie. Kelangan kong makarating sa Asawa ko." 

       "Monette?! Ano ba natatakot na ako sayo. Sinong  Asawa ang tinutukoy mo?!" 

       Hinawakan ako ni Monette sa braso ko ng mahigpit. At Lalo akong natakot sa sunod niyang sinabi.

      "Tulog si Monette. Ang Demonyong tinutukoy mo ay ang Asawa ko kaya umalis ka sa daraanan ko." 

       Nakakatakot siya kaya hinayaan ko na lamang siyang makalabas ng kwarto ng boarding house namin. Saka ito nagmamadaling naglakad.

      Kinontak ko si Josh. Baka kung ano pang mangyari kay Monette. Kahit babaero yon alam ko naman na importante sa kanya ang kaibigan ko. Nasa Special force Kasi siya. Sana mapigilan niya si Monette.

"Your ticket Ma'am. Thank you for flying with us."  nakangiting bati sa akin ng Teller.

     Nagmamadali akong naglakad nang makuha ko na ang ticket. Pinagmamasdan kong maigi ang pangalan ng nasa Ticket 'Monette Espiritu'. Saktong pagtapat ko sa salaming pader ng Airport. Wow. Nag-iba ang hitsura ko. Medyo tumangkad ako ng konte ay hindi pala... Matangkad lang talaga si Monette. Maganda din si Monette.

      "Sorry. Monette. Gusto ko lang makita sa huling pagkakataon ang mag-ama ko. Sana naman pagbigyan mo ako. Matulog ka muna please...."

       Nakarinig ako ng kaguluhan Mula sa Entrance. Ewan pero kinabahan ako Lalo ng magtama ang tingin namin ng lalakeng nakasuot ng itim na Combat uniform.

      "MONETTE!". sigaw niya sa akin kaya napatakbo ako. Pano na to mamaya pang 8:15pm ang flight ko. Basta tatakbo lang ako ng tatakbo gusto ko lang makita ang Anak ko at si Belphegor.

"MONICA..."  narinig naming bigkas ni Papa habang nakatayo sa pintuan.

      "Papa? Diba si Mama po iyon?"  tanong ko.

      Tumingin sa akin si Papa.  "Aalis lang ako."  saka naglaho si Papa.

     
     DIYOS KO SAAN NA AKO pupunta nito lahat may bantay. Kinakabahan na akong mahuli nila ako natatakot ako. Naalala ko noong kinulong ako ni Professor Alfonso. Ayaw ko ng mangyari yon.

      Nag-iiiyak ako habang paatras na humahakbang. Gusto ko lang makita si Roseta... Kahit ngayon lang po bago ako tuluyang tumawid...sa huling hakbang ko paatras...may naatasan ako. Pigil ko ang paghinga ko. Mahuhuli na naman ba nila ako gaya dati. Pumikit ako at hindi ako lumingon. Huminga ako ng malalim.

      "Monica?". ang boses na yon. Hindi ako maaaring magkamali.... si.... pumihit ako paharap sa likuran ko.

      "Belphegor!"  siya nga ang lalakeng matagal ko ng gustong makita kaso ang hirap pasunurin ni Monette. Nakatulala siya sa akin siguro Hindi siya makapaniwalang ako ito.

RosetaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon