CAPITULUS UNDECIM

100 4 0
                                    

        "May problema ka ba. Evo?"   agaw ni Dominico sa pansin ko. Tumingin din ito sa gawi ni Roseta.   "Ingatan mo siya. Yon lang ang hihilingin ko sayo."

       "Oo naman. Wag kang mag-alala hinding hindi ko siya pababayaan. Kapag labing walong taong gulang na siya mag-iisang dibdib na kami Tama."

      Tumayo na si Dominico.  "Tama at pwede na kayong bumuo ng pamilya. Hay mauunahan mo pa ako..."

        Natawa ako. "Bakit hindi mo pa ba nakikita? Aba ang tagal mo na dito sa lupa hindi mo pa din nakikita."

       "E sa hindi pa siya nagpaparamdam may magagawa ba ako? Saka wala akong amor makisalamuha sa mga babaeng Mortal."

      "Balita ko gusto ka ng Guro ni Roseta."

      Tinitigan niya ako ng masama.  "Hindi ko siya gusto. Maganda siya kahit medyo may katabaan pero hindi ko siya gusto. Isa siyang Mortal Evo ni dugo ng kagaya natin wala sa mga ugat niya. Mababang uri lang sila ng nilalang na may magandang kaanyuan. Hindi ko sila pag-aaksayahan ng panahon."

       "Suplado. Pero pano kung kagaya ka ni Tiyo Belphegor diba isang tao si Tiya Monica."

       "Alam mo Evo wag mo na lang problemahin ang Buhay pag ibig ko okay. Lakasan mo yung apoy mo para makakain na si Roseta...may katakawan ang isang yan."

       Humakbang na si Dominico palayo. "Tama ako diba? Ang Guro niya Ang kapalad mo ayaw mo lang tanggapin."

       Tumawa lang si Dominico.  "Alam mo tao nga siya pero sigurado akong hindi siya gaya ni Tiya Monica na natanggap si Tiyo."

       Tumango tango lamang ako. "So ayos lang kung mapunta siya sa iba? Hindi ba nakakabaliw yon?"

       "Mataba siya Evo kaya walang nagkakamaling lumigaw sa kanya.  Saka pwede ba wag mo kong pakialaman."

       "Okay. Sige. Pano kung may magkamaling lumigaw sa kanya. Diba kalahati ng kabuuan natin bilang Imortal ang mga kapalad natin. Kahit ano lang sitwasyon at hitsura nila mananatili tayong tapat sa kanila. Tingin ko ganon ka sa kanya Dominico."

       Hindi na nagsalita pa si Dominico. Inayos na lamang niya ang mga kahoy na kinuha namin... Hindi pa din siya nagbabago.

NAKABALIK NA KAMI ng Maynila. Inayos ko na ang mga gamit ko.  Dumeretso ako sa Dark room ko kung saan ko dinidevelope ang mga larawan na nakunan ko.

       Inantay kong matuyo ang mga larawan ni Roseta. Napangisi ako...may hawak na akong pwede kong gamitin para sumama siya sa akin... Kaya pala kakaiba ang ganda niya kasi hindi siya tao at malamang sa malamang ay ganun din ang dalawa. Well humanda ang dalawang yon. Kapag nakuha ko na si Roseta saka ko ito ipopost sa Social media Lara sugurin sila ng mga sundalo. Tama kapag namatay na sila o di magiging sa akin na habambuhay si Roseta kaso hindi siya tao pero pwede ko siyang gawing Babae ko at dito ko siya ikukulong sa Basement! Tama! Teka baka yung dalawang yon ang Demonyong nasa Balita. Sandali ano bang pwedeng makatalo sa kanila? Ah! Rituwal!

      "Anong ginagawa mo Andres?" nilingon ko si Lolo.

       "Ah Wala po nagre-research lang po ako para sa History."  medyo kinabahan ako ng lumapit si Lolo.

     "Demons?"  tumingin sakin si Lolo.  "Hindi ko akalaing pinag-aaralan nyo na Ang mga Demonyo sa School?"

      Kelangan kong makaisip ng palusot. "Y-yes po Lolo. Masungit pa naman po ang Prof namin kaya eto talagang research kung research para sa grade."

     Kumunot ang noo ni Lolo. "Are you sure? O baka ilalagay mo lang iyan sa Vlog mo? Isa pa nakakatakot ang pag-aralan Sila. Wag mo silang pakialaman para hindi ka din nila gagalawin."  saka tumalikod si Lolo at lumabas ng kuwarto ko.

RosetaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon