Lumapag kami sa isang Isla. Malayo sa mga tao ang Lugar na iyon. May kausap sa telepono si James sige ang tawa niya. Saka niya ako hinila pababa ng Helicopter.
"Bilisan mo ng lakad Monica dahil may nag-aantay sayo sa Bago mong tirahan."
Nanginginig ako. Anong nang mangyayari sa akin... Tinanggal ni James ang busal ko sa bibig. Pagdating namin sa loob ng parang Kastilyo na Bahay agad niya akong ipinasok sa isang selda. Tumama balakang ko sa bakal na sahig nito. Nakabitin ang selda.
"Di ba ang ganda ng bago mong tirahan! Dati asa basement ka lang Ngayon tignan mo at nakabitin pa ang kulungan mo!"
Kumapit ako sa bakal na rehas nito gaya ng dati nagmakaawa uli ako.
"James...para mo nang awa pakawalan mo ko.... gusto ko lang makasama Ang mag-ama ko e... 16 years yong lumipas James kalimutan mo na lahat mag move on ka na please..."
Sumigaw ito. "MOVE ON! LINTIK lang ang gagawa nun! Alam mo bang ipinahiya ako ng Demonyong yon!"
"H*yop ka talaga James! Masmabait si Belphegor kesa sayo kaya inayawan kita sa simula pa lang dahil sa ugali mo! Hindi ka asal tao!"
Tumawa ito ng malakas. "Ah talaga? Alam mo bang ang pinagmamalaki mong Demonyo ang kusang pupunta dito kasama ng pinakamamahal mong anak at pareho ko silang pahihirapan!"
"H*YOP KA! PAKAWALAN MO KO DITO! WAG MONG IDADAMAY SI ROSETA!"
"Awww so Roseta pala ang pangalan ng Prinsesa ni Belphegor... Sabi nila magaganda daw ang mga Cambions!"
Tumawa ito ng mala-demonyo. "Kayo ba mga sundalo ko gusto nyo bang makatikim ng mataas na uri ng Cambions?"
Nagsiinggayan ang mga sundalo niya para silang mga hayok na hayok sa anak ko!
"Walanghiya ka James! Wag na wag mong madampi dampian ng mga kamay mo ang Anak ko! Ako mismo ang papatay sayo! H*YOP KA!" sigaw ko.
"Talaga?! E sa wala ka ngang magawa sa sitwasyon mo ngayon. Alam mo bang pagsasawaan ko muna ang Cambions na yon sa mismong harapan nyo ni Belphegor!"
"H*YOP KA!" nagwawala ako habang lahat sila sige lang ang tawa. "Kapag dumating si Belphegor hindi ko na siya pipigilan na patayin kayong lahat! Ipapapugot ko sa kanya ang mga ulo nyo! WAG NA WAG NIYONG HAHAWAKAN ANG ANAK KO!"
Sige lang sila tawa habang sige ako sigaw.... unti unti akong nanghihina... Hindi ako papayag na gawin nila yon kay Roseta.
Nakahawak ako sa rehas habang naiyak.... "Asan ka na Belphegor.... Wag kang pupunta dito.... Wag... Please...kung naririnig mo pa ako...wag na wag kayong pumunta dito....sorry Roseta...."
Umalis si James ganun din ang mga tauhan niya. Naiwan akong mag-isa sa malaking silid na iyon... mukha siyang Laboratoryo. Pag-aralan ba nila si Belphegor at si Roseta? Napailing ako hindi to pwede...
Bumukas muli ang bakal na pinto. Isang pamilyar na mukha ang nakita ko...si...
"M-Monette!" lumapit din siya sa kulungan ko pero parang may kakaiba sa kanya... parang wala siya sa katinuan niya.
Nagsasalita itong mag-isa. At malinaw ang binabanggit niyang pangalan. Belphegor... ang pangalan nang Ama ng Anak ko...
"Monette!" tawag ko uli sa kanya.
Tumingala ito. "S-sino ka?"
"Ako to s-si Monica!" bigla itong nag-iiiyak ng marinig ang pangalan ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/345783755-288-k439306.jpg)
BINABASA MO ANG
Roseta
ParanormalIsang Cambions na lumaki sa Mundo ng mga Mortal. Si Roseta ang nag-iisang Anak ni Belphegor. Makilala kaya niya ang kanyang Ina? Mula nang magkaisip ito tanging ang Lolo Marian lamang niya ang nakakasalamuha niya at ang Pinsang si Dominico na Isa r...