Napahinto ito sa pagtakbo. Ang magandang babaeng nakita ko sa MOA andito sa kakahuyan ng Leyte? Taga dito siya? Pero paanong nangyari yon?
Nabitawan ko bigla ang kamay ni Cathalina. Ang amo ng mukha niya nakataas ang kamay niya sa ere na humaharang sa nakakasilaw na liwanag ng flashlight ko.
"P-pare diba siya y-yung-----". natigilan kami ng may nagsalita.
"Sino kayo?" isang nakakatakot na boses ng lalake saka ito humarang sa liwanag ng flashlight ko. Puti ang buhok nito. Siya yung nakita ko kanina sa MOA ah.
"Taga dito kami! Ikaw sino ka at bakit kayo andito sa Lugar na to.". matapang nasagot ni Philip. Umangkla sa braso ko si Cathalina pero umiwas ako Hindi ko din alam kung bakit o baka dahil andito yung tinatawag nilang Roseta.
"Wow ang tapang mo naman Bata." sagot ng isa pang lalake sa pagkakatanda ko tinawag niyang Kuya yon.
"Talagang matapang kami." si Andy na ipinakita pa ang hawak na baril. Naiiling na lamang ako.
"Ow? Talaga katapangan na pala ngayon ang baril. Alam nyo. Sa totoo lang ang lupa Kasi na tinatapakan nyo ngayon ay pagmamay-ari ng pamilya namin. Sa madaling salita trespassing kayo."
Humakbang ito palapit sa amin. Napaatras kami sa nakakatakot nitong aura. Habang ang lalaking may puting buhok ay nakaharang pa din sa babaeng tinawag niyang Roseta.
"Alam niyo bang bawal kayo dito sa Lugar na to dahil private property ito!" malakas na bulyaw nito.
"Kuya Dominico. Hayaan na lang natin sila. Baka gusto lang nilang mamasyal ng gabi saka natatakot sayo yung mga babaeng kasama nila. Ang panget mo Kasi kapag nagagalit ka. Diba Evo?"
Dominico at Evo Pala Ang pangalan ng dalawa... Ang ganda ng boses ni Roseta.
Bumuntong hininga ang lalaking nagngangalang Dominico. "Ewan. Gabi na magsi-uwi na kayo."
"Gusto lang naming mamasyal pogi.". malanding tugon ni Anna. Tinignan lamang siya nito saka tumalikod.
Sumilip lang sa amin si Roseta. Ang amo ng mukha niya. Saka siya ngumiti. "Alam nyo masmadilim kung nakaflashlight kayo. Dapat umaga kayo namamasyal Hindi gabi Kasi madaming nagpapakita dito sa gubat."
Hindi ko maialis ang mata ko sa maamo niyang mukha. Nakita ko ng hawakan niya sa kamay yung Evo parang nakaramdam ako ng selos. Selos? Wow. Gusto ko siya pero mukhang may Boyfriend na siya.
"Tara na Kuya. Una na kami ni Evo sige ka.". saka siya naglakad paalis. Tinignan uli kami ng Kuya niya. Saka tumalikod.
"Ano raw? Sa kanila ang parteng ito ng gubat? E diba sila yung nakita natin dati sa MOA.". takang tanong ni Ryan.
"At nakita din namin sila kanina sa MOA. diba Andres." tumango lamang ako.
"Wow ang weird. Paanong andito agad sila diba?" dagdag ni Marius.
"Hay naku boys paanong naging weird yon e may Eroplano naman noh. Kayo talaga kayo kamo ang weird. Tara na nga uwe na tayo baka mabaril pa tayo saka ayoko magkarecord ng trespassing noh!"
Angal ni Cathalina. Sabay hila niya sa kamay ko. "Let's go home Andres and I'm tired I need a massage." bulong ni Cathalina sa akin pero wala ako sa mood para sa night life naming dalawa. Nasa Roseta na yon ang isip ko.
Parang may kung ano dun sa Evo na yon iba ang datingan niya kumpara sa Dominico na yon...kung makaasta siya ay parang pag-aari niya si Roseta. Pasalamat siya at may kasama kaming mga babae dahil kung wala tiyak na bugbog sarado sila sa amin!
BINABASA MO ANG
Roseta
ParanormalIsang Cambions na lumaki sa Mundo ng mga Mortal. Si Roseta ang nag-iisang Anak ni Belphegor. Makilala kaya niya ang kanyang Ina? Mula nang magkaisip ito tanging ang Lolo Marian lamang niya ang nakakasalamuha niya at ang Pinsang si Dominico na Isa r...