Maaga akong gumising kasi Sabado. Oras na para magtanim kami ng panibagong Pechay at Kamatis. Wala sa kusina si Kuya. Sabi ni Lola nasa terrace daw ito at nag-aalmusal kaya dali dali akong lumabas hawak hawak ko ang dalawang Sandwich habang kagat kagat ko naman ang isa.
Nagtatatakbo ako palabas pero agad din akong huminto. May bisita pala si Kuya... Si Evo. Sabay silang napatingin sa akin. Nagbaba ako ng tingin saka ako naglakad palapit sa Kuya ko at iniabot ko sa kanya ang hawak kong Sandwich.
"Para sa akin yan?" tumango ako hindi ako makapagsalita kasi may subo subo akong sandwich. Tumawa ng malakas si Kuya pero kinuha din naman niya iyon.
Napatingin ako kay Evo at nakatitig na naman siya sa akin. Nahiya ako kaya inialok ko sa kanya ang isang Sandwich kahit ayoko kasi paborito ko yon e.
Ngumiti siya sa akin bago niya kinuha ang tinapay. "Salamat Roseta."
Tumango lang ako saka ako umupo sa tabi ni Kuya. "Magtatanim tayo ng Pechay diba! Pahiram ako ng Asarol ha Kuya."
Tumikhim si Kuya ibig sabihin bawal. Kaya hindi na ako nangulit. Ngumuya nguya na lamang ako.
"Gusto mo bang hiramin Yung gagamitin kong Asarol.". napatitig ako kay Evo. Tumango ako.
"Hindi pwede Evo! Pagagalitan ako ni Tiyo. Bukas ang bisita dito ni Tiyo at kapag nagkasugat si Roseta malilintikan ako."
"Tuturuan ko naman si Roseta eh." bumaling ito sa akin. Tumango ako.
Bumuntong hininga si Kuya saka siya tumayo pagka ubos ng Kape niya. Hindi ko siya sinundan kasi pagagalitan niya ako.
"O. Tara na Roseta." aya sa akin ni Evo. Mabait naman pala siya saka nananagalog din pala siya. Akala ko kasi hindi e.
Nagtungo kami sa taniman. Andun na si Kuya at nagbubungkal naka-topless na siya naku kita na naman tiyan niya. Umiling iling ako.
"O. Medyo mabigat lang ito.". natigilan ako pagharap ko kay Evo. Ewan pero iba Ang dating niya nag-topless na din kasi siya gaya ni Kuya. Naku hindi ko kayang hawakan yung Asarol...nahihiya ako e.
Nagbaba ako ng tingin. Saka ako umiling. "Tingin ko magdidilig na lang ako ng...mga itatanim ni Kuya."
"Okay sige masmaganda pa nga."
Umupo ako sa upuan na nasa ilalim ng punong mangga. Pinagmamasdan ko si Evo. Magkasing katawan sila ni Kuya Dominico. Siguro hindi ako sanay nang may ibang tao kaya ganito ako. Humikab ako parang inaantok pa ako ah...Teka iidlip muna ako.
NAKITA KONG UMIDLIP muna si Roseta. Lumapit ako kay Evo.
"Nababaliw ka na ba? Bakit ka naghubad ng tshirts mo sa harap ng pinsan ko? Nananadya ka ba talaga ha." mahinang komento ko.
"Mainit Dominico kaya inalis ko---"
"Hindi sanay si Roseta na may ibang nakikitang topless maliwanag ba! Mag-tshirts ka Evo.". iyon lang at bumalik na ulit ako sa ginagawa ko.
Tinignan ko uli si Evo at nakita ko naman siyang nagsuot na ng tshirts niya. Buti at sumunod siya. Para kay Roseta lahat gagawin... Hay... makapagbungkal na nga lang.
Tinitigan ko ng matalim si Evo. "Alam ko. Pero kung pwede wag mo siyang biglain. Bata pa si Roseta kung ikukumpara sayo.""Wag kang mag-alala. Saka makikipagkaibigan muna ako sa kanya hindi naman ako gaya ni Ama." seryosong sambit ni Evo.
"Dapat lang Evo. Dahil hindi Basta basta si Roseta. Kapag sinaktan mo siya ako ang makakalaban mo. Nagkakalinawan ba tayo."

BINABASA MO ANG
Roseta
ParanormalIsang Cambions na lumaki sa Mundo ng mga Mortal. Si Roseta ang nag-iisang Anak ni Belphegor. Makilala kaya niya ang kanyang Ina? Mula nang magkaisip ito tanging ang Lolo Marian lamang niya ang nakakasalamuha niya at ang Pinsang si Dominico na Isa r...