------Post Quindecim Annos------
------After Fifteen Years------
Roseta's POV"Saan ka na naman galing Apo?" tanong sa akin Lola pagkauwi ko.
Napayuko ako ayaw ni Lola ng sinungaling kasi masama daw yon. "Kay ate Lily po nakipagkwentuhan lang po ako."
Umiling si Lola. Alam kong galit siya pero hindi niya ako kailan man pinagtaasan ng boses. "Roseta ilang beses ko bang dapat sabihin sayo na wag na wag ka nang pupunta doon sa Hacienda diba."
Ngumuso ako. "Lola gusto ko lang naman pong makipagkaibigan e saka mabait po si ate Lily at lagi siyang may dalang sandwich!"
Umiling uli si Lola. "Ewan ko lang Apo pero sigurado akong hindi yan magugustuhan ng Papa mo at sigurado akong mapapagalitan si Kuya Dominico mo. Gusto mo ba yon."
Hindi na ako sumagot. Umupo na lamang ako sa bangko na nakaharap sa bintana.
"Bakit ang higpit sa akin ni Papa?" May halong tampo na tanong ko.
"Roseta. Pinoprotektahan ka lang ng Papa mo. Wag na wag kang susuway sa kanya ha Apo."
"Opo." Tango ko.
Gusto ko ng kaibigan. Hindi kasi ako pinapayagan ni Papa na mag-aaral sa totoong Eskwelahan meron lang pumupunta dito sa Bahay para magturo sa akin baka daw kasi makalimutan kong hindi ako purong tao at baka mabuking nila ako na isa akong Cambions o anak ng Demonyo. Si Kuya Dominico lang ang lagi kong kasama at natatanging kaibigan.
"Lola sana payagan na ako ni Papa na sa Eskwelahan na mag-aaral tutal malaki na po ako eh. Saka hindi ko po basta-basta ipapakita ang pakpak ko."
Lumapit sa akin si Lola saka ako masuyong hinaplos sa mukha. "Alam mo bang Ikaw ang tunay na kayamanan ng Papa mo kaya iniingatan ka niya."
"Pero Lola ang mahal mahal po ng bayad sa Private Teacher e hindi naman tayo mayaman diba... masmakakatipid si Papa kung ipapasok niya ako sa Public School."
Ngumiti si Lola. "Alam mo ba Apo ang Papa mo madami siyang Pera at hindi lang siya mayaman dahil mas higit siya sa inaakala mo. Ngayon kung gusto mo kausapin mo si Papa mo."
Niyakap ko si Lola. "Lola gusto lang naman pong maranasan kung pano maging ordinaryong bata hindi naman po siguro kalabisan yon di po ba."
Isinuklay ni Lola ang mga kamay niya sa buhok ko. "Ang Apo ko lumalaki ka na nga may sarili ka nang katwiran. Kung anuman ang desisyon ng Papa mo wag na wag kang magtatampo sa kanya. Okay."
Tumango na lamang ako.
"Munting Roseta ng Buhay ko. Andito na ko!" Narinig ko na naman ang pamilyar na boses na yon minsan namimiss ko siya pero maslamang ang naiinis ako sa kanya.
Padabog kong binuksan ang pinto ng Kubo namin. Saka namewang.
"Ano na namang ke—langan mo Kuya Domini—co." Putol-putol kong sagot ng mapansin ko kung sino ang kasama ng pinsan ko. Lagot huli ako ni Papa na inaaway ko si Kuya.
"Roseta." Malalim ngunit mahasik ang boses ni Papa. Tipid akong ngumiti saka ako patakbong yumakap sa kanya.
"Wow naglambing kay Tiyo kasi nabuking." Pang-aasar sa akin ni Kuya Dominico. Inirapan ko siya saka binulelaan.
"Tiyo oh! Kita nyo na inaaway ako." Natatawang sumbong ni Kuya kay Papa.
Pinahaba ko pa ang dila ko kaso agad ko din yong nilunok kasi pinagalitan ako ni Papa.
"Roseta anak hindi ka na bata kaya wag mo nang uulitin yan ha." Nakayuko sa akin si Papa habang sinesermuanan ako ngunit naroon pa rin ang ngiti sa mga labi nito. Ang pogi ng Papa ko kaya siguro na inlove si Mama!
![](https://img.wattpad.com/cover/345783755-288-k439306.jpg)
BINABASA MO ANG
Roseta
ParanormalIsang Cambions na lumaki sa Mundo ng mga Mortal. Si Roseta ang nag-iisang Anak ni Belphegor. Makilala kaya niya ang kanyang Ina? Mula nang magkaisip ito tanging ang Lolo Marian lamang niya ang nakakasalamuha niya at ang Pinsang si Dominico na Isa r...