Nakahanda na ang hapag. Naka-upo na kami ni Lola. Habang si Kuya at Evo ay magkatabi nasa kaliwang bahagi sila ng mahabang mesa. Si Papa ang nasa sentro. Maya maya pa ay may Usok, Tubig, at Apoy ang biglang sumulpot sa harapan namin napahawak ako sa kamay ni Papa.
Nanlaki ang mga mata ko ng makita sila. Ang gugwapo nila at ang isa kamukhang kamukha ni Papa. Tumayo si Kuya Dominico saka nagbigay galang sa kamukha ni Papa. Ganun din si Evo tumayo ito saka lumapit sa lalaking may nagliyab na mga mata tingin ko mga Ama nila iyon. Ngumiti sila sa amin kaya gumanti din ako ng tipid na ngiti.
"Haec est filia tua Belphegor?"
( Is she you daughter Belphegor? )Hindi ko sila naiintindihan. Tanging pangalan lang ni Papa ang naiintindihan ko. Bumaling ako kay Kuya at bahagya lang siyang natawa sa hitsura ko habang si Evo nakangiti lamang sa akin. Ah alam ko na magpapaturo na lang ako kay Evo. Tama.
"Sic. Lucifer." ( Yes. Lucifer. ) Sagot dito ni Papa.
Ah siya si Lucifer? Ang layo niya sa sinasabi ng mga tao na nakakatakot dahil Ang pogi niya kamukhang kamukha niya si Evo pareho silang puti ang buhok.
"Quae est pulchra sicut Mater eius."
(She's Beautiful like her Mother. ) tumango lamang si Papa."Sedecim anni fuerunt cum obiret. Paenitet." ( It's been sixteen years when she passed away. Sorry. ) patuloy nung Lucifer.
Bahagyang ngumiti lamang si Papa.
"Amo eam?". ( Still love her? ) sambit ng kamukha ni Papa.
"illa mean est. I ama o ean in aeternum."
( She's my mate. I will love her forever.) sagot ng Papa ko."Purus. Deos mortalium ad vitam reducere Spero."
( Okay. I'm hoping that the mortal god brings her back to life. )Ngumiti lamang si Papa. Saka kami nag-umpisang kumain ng luto ni Lalo. Medyo naiilang ako kasi tinititigan nila ako. Kaya mabilis kong inubos ang pagkain ko. Nakakailang kasing kumain kung may nakatitig sayo.
Sumulyap ako kay Kuya. Abala ito sa pagkain habang si Evo naman ay nakatitig sa akin pero nakangiti siya. Itinaas niya ang kaliwa niyang kamay parang sinasabi niyang itaas ko iyon para mapansin nila ang Marka sa palad ko. At ginawa ko nga iyon. Nabulunan si Kuya nung makita yon. Natawa naman sila pati si Papa. Bakit kaya?
"Bakit kayo natatawa Papa?" uminom ng tubig si Papa mula sa gintong kopita nya.
Umiling siya at sumulyap kay Evo. Nangingiti lang si Papa.
Si Kuya ang sumagot. "Si Evo ang naglagay sayo ng Markang yan."
Tumango ako. "Pano mo nalaman Kuya?"
Tumawa si Kuya. "Loko ka Evo. Naisahan mo ko dun ah!"
Tinapik lang ni Kuya si Evo. Ngumiti lang ito sabay titig sa akin. Hindi ko ma-gets.
"Bakit Kuya ? Ano ba tong Markang to?"
Nilunok muna ni Kuya ang pagkain niya bago sumagot. "Simple lang munti kong Roseta. Ang Markang yan ay simbolo ng pamilya nila Tiyo Lucifer. At ibinigay lang ang Markang yan sa napupusuan nila na ang ibig sabihin ay kapalad nila. Gaya ni Tiyo Belphegor...yang sing sing sa kamay mo ang nagpapatunay na mula ka sa Angkan natin. So yon na yun. Gets." sabay tawa ni Kuya.
Tinignan ko si Evo. Bahagya siyang tumango sa akin. Nakaramdam ako ng pag-iinit ng pisnge ko. Nakakahiya... ibig bang sabihin parang-----
"Bali pinsan sa madaling salita Engaged na kayo nitong si Evo. Tinanggap mo siya kaya nagkaroon ka ng Marka ng Angkan nila. Kaya sila natatawa. Kasi napa-Oo ka ni Evo." putol ni Kuya sa iniisip ko.
BINABASA MO ANG
Roseta
ParanormalIsang Cambions na lumaki sa Mundo ng mga Mortal. Si Roseta ang nag-iisang Anak ni Belphegor. Makilala kaya niya ang kanyang Ina? Mula nang magkaisip ito tanging ang Lolo Marian lamang niya ang nakakasalamuha niya at ang Pinsang si Dominico na Isa r...