"THIS is horrible," usal ni Dexter habang inisa-isa ang mga newspapers clippings na sintanda na yata ni Michelle.
Hindi siya sumagot at sa halip ay ipinagsalikop niya ang mga braso sa katawan. Hindi niya maintindihan kung ano ang dapat niyang maramdaman sa mga sandaling iyon. Tila namamanhid ang buong katawan niya.
Tinitigan niya si Dexter habang binabasa nito ang captions sa ibaba ng larawan sa malakas na tinig na gusto niyang takpan ang mga tainga. Disgust was all over his face. Michelle expected compassion from him for her mother but she saw none.
Mahabang sandali ang lumipas na walang usapang namagitan sa kanilang dalawa. Pagkuwa'y binitiwan nito ang mga clippings at tinitigan siya.
"Aalis na muna ako," he said. He looked so distant and cold. Tila bigla'y estranghero ang tingin ni Michelle dito.
"D-do you really have to go?" aniya sa maiiyak na tinig. More than ever she needed him now. Iyong manatili ito roon, hawakan ang kamay niya at ibigay ang balikat nito para sa kanya ay sapat na.
"Take a rest, Michelle. I have an appointment this afternoon with my father. Tatawagan kita mamayang gabi."
Tuluy-tuloy itong lumabas ng balkon patungo sa pinagparadahan ng Mercedes-Benz nito. Hindi siya lumingon kahit nang marinig niya ang tunog ng papaalis nitong sasakyan. May pakiramdam siyang may malaking pagbabagong magaganap sa relasyon nila dahil sa mga ipinahayag ni Digna Verano tungkol sa pagkatao niya. The coldness that she felt almost numbed her senses. Sa mabigat na mga hakbang ay pumasok siya sa kabahayan.
Memories of her childhood flashed into her mind. Ang mama niya... ang papa niya. Ngayon niya naintindihan kung bakit hindi tulad ng ibang ama si Amador.
May mga pagkakataon pa ngang pinagseselosan niya ang ina dahil sa pagiging malambing at masuyo ni Amador dito. Pero pagdating sa kanya'y wala siyang natatandaang kinandong o hinagkan siya nito. At kung dinaluhan man nito ang mga pagtatapos niya sa elementarya at high school, iyon ay dahil lamang sa pagbibigay kay Emma.
Pero pinunan ni Emma ang kakulangan ng pagtingin ni Amador sa kanya. Though not showy, Emma had loved her in her own way.
Tila may toneladang bakal na nakadagan sa dibdib niya nang pumanhik siya sa hagdan. Binigyan lamang siya ng tatlong araw ni Digna Verano para manatili sa bahay na iyon.
Then her thoughts went back to Dexter. Naapektuhan ba ito sa natuklasan tungkol sa totoong pagkatao niya? O tulad niya'y nabigla rin lang ito? Madali bang i-off and on na tila switch ng ilaw ang pag-ibig nang ganoon lang?
Pinalis niya ng likod ng palad ang mga luhang malayang umagos sa mga pisngi niya.
NANG gabing iyon, ang inaasahang tawag mula sa kasintahan ay hindi dumating. Nagpadala siya ng text messages dito pero walang reply. Magkasama ang takot at kapaitan sa puso niya, natulog si Michelle nang malapit na ang bukang-liwayway.
Gayunma'y maaga pa rin siyang nagising kinabukasan. Kailangan niyang ibagahe ang mga gamit nilang mag-ina sa araw na iyon. Habang nagkakape ay nagsimula siyang mag-empake. Patapos na siyang ibagahe ang ilang gamit ni Emma nang marinig ang busina ng sasakyan ni Dexter sa labas ng gate.
Ibinaba niya sa mesa ang mug ng kape at puno ng kasiyahang nagmamadaling lumabas upang pagbuksan ng gate ang kasintahan. She smiled at him widely.
"Hi."
"Hi yourself," he said, smiling back. Hindi ito bumababa ng sasakyan. "Halika, lumabas tayo."
Napaangat ang mga kilay niya at niyuko ang sarili. Naka-denim walking shorts, puting T-shirt na may mukha ni Elvis Presley sa harapan, at nakasandalyas lang siya.
BINABASA MO ANG
All-Time Favorite: El Paraiso
RomanceNang mamatay ang mga magulang ni Michelle ay natuklasan niyang hindi niya ama ang lalaking nagbigay sa kanya ng pangalan. Natuklasan din niya mula sa taguan ng kanyang ina ang sulat na nagtuturo sa kanya sa isang lugar na hindi niya man lang narinig...