SHE WAS bone tired and so sleepy. She had been driving for twelve hours straight. Ang pahinga lang niya sa pagmamaneho ay nang pumasok siya sandali sa restaurant matapos mapalitan ng estranghero ang gulong ng SUV niya.
Sandaling gumuhit sa isipan niya ang guwapong mukha nito at inanalisa ang kakaibang nararamdaman niya sa bawat pagtatagpo nila. Pero nang maisip ang kasungitan nito ay agad din niyang pinalis ang anyo nito sa isip niya.
Ayon sa waitress sa restaurant ay Daet na ang susunod na bayan. Maliban sa kape ay wala na siyang in-order pang iba at pinag-aralan na lang ang guidebook. She didn't feel hungry. Kanina, or technically kahapon, bago siya umalis ng Maynila ay dumaan siya sa Le Coeur de France at bumili ng Danish at ilang bottled water. Iniisip niyang kainin na lang iyon sa daan. Pero wala siyang nagalaw isa man sa mga binili niyang pastries.
Nakatutok ang buong pansin at isip niya sa dinadaanan. To her surprise, she was actually enjoying the picture-postcard sceneries. She had never travelled this far and had never been anywhere in the Philippines all her life. She'd been to Baguio once in her lifetime. Nakarating siya sa Hong Kong at Thailand. Then four months ago, on her parents twentieth anniversary, to Canada.
Sa lahat ng biyaheng nagawa niya sa labas ng bansa ay kasama niyang palagi sina Amador at Emma. Pero hindi sa saan mang probinsiya o alin man sa magagandang lugar sa Pilipinas.
Hindi gusto ni Emma na magbakasyon sila sa magagandang summer places lalo na sa katimugang Luzon. O kahit sa mga kilalang lugar tulad ng Boracay at Palawan.
She hadn't understood that all her life. Dahil kahit ang school field trips ay hindi siya pinahihintulutan ni Emma na sumama. Binabayaran ng ina ang mga iyon at nagdadahilan sa mga teachers at professors niya. Iniisip niyang dahil nag-iisa siyang anak ay baka nag-aalala si Emma na sumama siya sa malalayong lugar.
Now, she didn't know anymore.
Though she must be insane to have traveled to this place by herself. Muntik na siyang maaksidente kanina nang sumabog ang gulong niya, pangalawa sa loob lamang ng isang linggo. Pero desidido siyang gawin ito. Isa pa, kung hindi siya naulila ay baka hindi rin niya nagawa ang biyaheng ito. Gusto niyang malaman kung ano ang kaugnayan niya sa mga sulat na itinago ni Emma.
Ano man ang kahihinatnan ng pagtungo niya rito, at least hindi niya sisisihin ang sariling hindi niya inalam ang tungkol sa pagkatao niya.
At kung hindi sa uri ng sasakyang minamaneho niya ay baka katakutan niya ang biyaheng ginawa lalo na nang magsimulang lumalim ang gabi. Bago pa ang Nissan X-Trail. It was Amador's gift to his wife on their twentieth anniversary more than four months ago. The tour to Vancouver was a bonus. Ang flat tire ay hindi inaasahan. Baka may salbaheng naglagay ng pako sa daan.
Sinulyapan niya ang relo sa dashboard. Alas-dos kinse ng madaling-araw. Kung magtatagal pa siyang magmamaneho ay malamang na makakatulog na siya sa manibela sa pagod. Kailangang makita niya ang hotel na sinasabi ng gasoline boy.
Fifteen minutes later, tinawid na niya ang maikling tulay na limang dipa lang yata ang haba. Underneath must be a creek. Wala siyang nakikita sa dilim maliban sa tinutumbok ng headlights niya. Sa magkabilang bahagi ng daan ay naaaninag niya ang mga nagtatayugang halaman at puno. Other times, she would be afraid to travel in a place like this.
A few minutes later, in the middle of a dark and deserted country gravelly road, she saw the flashing sign of Hotel Olivar. Tila apoy iyon na nagsisilbing liwanag sa kadiliman ng paligid. Nakahinga siya nang maluwag. Ilang sandali pa'y ipinapasok na niya ang kotse sa parking lot.
May mga sasakyan siyang nakikitang mga nakaparada. Marahil, kung hindi sa mga local at foreign tourists ay sa mga biyahero. Ipinarada niya ang X-Trail sa harap ng dalawang palapag na hotel. Nahahapong pinatay niya ang makina at saka inabot ang malaking bag sa passenger seat.
BINABASA MO ANG
All-Time Favorite: El Paraiso
RomanceNang mamatay ang mga magulang ni Michelle ay natuklasan niyang hindi niya ama ang lalaking nagbigay sa kanya ng pangalan. Natuklasan din niya mula sa taguan ng kanyang ina ang sulat na nagtuturo sa kanya sa isang lugar na hindi niya man lang narinig...