Chapter Nine

2.1K 38 0
                                    


SABAY-SABAY ang pagsalakay ng matinding kaba at ang walang katiyakan sa dibdib niya. Ililiko ba niya ang sasakyan niya patungo sa mismong asyenda?

Nasa ganoon siyang agam-agam nang mula sa road bend sa unahang daan ay natanaw niya ang paparating na pulang Toyota Tamaraw. Bumagal ang pagtakbo niyon nang malapit na sa kanya dahil hindi naman kalaparan ang daan.

Nakita niyang sinenyasan ng pasahero ang driver na huminto. Tumigil ang Toyota Tamaraw sa mismong tabi ng sasakyan niya. Bumukas ang bintana sa bahagi ng passenger seat at isang bata at magandang babae ang sumungaw.

"Hi," bati nito na nang matitigan siya ay sandaling natigagal. Kahit ang driver sa tabi nito, a good-looking young man, ay kinakitaan din ng pagkamangha.

"Oh, my god, and I thought you were... Hindi bale na..." Iwinasiwas nito ang kamay at tuluy-tuloy sa pagsasalita. "Sa asyenda ba ang tungo mo?" Inilabas nito ang ulo sa bintana at sinipat siya nang husto.

The woman was a beauty. Her hair, a dyed chestnut brown was cut short in style. Her eyes were soft brown. Contacts, Michelle mused.

"Good morning," bati niya.

Ang kasunod na ginawa ng babae ay binuksan ang pinto ng Toyota Tamaraw at bumaba at lumapit sa sasakyan niya. She looked very young. Baka mas bata sa kanya nang dalawang taon. She was a petite woman and yet with boobs Michelle would kill to have. The denim jeans she wore was stretched beyond the fabric's limit. It hugged the woman's whistle-bait figure.

May tawag sa ganoong katawan—voluptuous. Michelle glanced at the woman with silent envy.

"Sino ka?" diretsong tanong nito. "I mean, may kailangan ka ba sa Hacienda de Alegre? Hindi mo naitatanong ay malapit kong kaibigan ang may-ari ng asyenda," pagbibigay-impormasyon nito.

Michelle smiled. Pero wala siyang mahagilap na sasabihin. She couldn't even find one word to start with. Sa halip, binuksan niya ang pinto at lumabas. Umatras nang isang hakbang ang dalaga upang hindi makaabala sa pagbaba niya.

"Isa ka bang local tourist?" muling tanong nito.

"Ako nga pala si Norien Belarmino." Inilahad nito ang kamay sa kanya at lumingon sa loob ng Tamaraw. "Siya naman si Ansel."

Tinanggap niya ang kamay nito at nginitiang pareho ang dalawa. "Michelle Verano. Sa Hotel Olivar ako nakatuloy."

"Oh." Puno ng kahulugan ang isang salitang iyon.

Michelle ignored it. She looked around her. Wala namang matatanaw kundi mga puno ng niyog, mga puno ng abaka, at ang malaking puno na nasa likuran ng arko.

"Ano ang tawag sa punong iyan?" she asked curiously.

"Ah. Kaya ka ba huminto ay dahil naakit ka sa puno ng pili na iyan?" Norien laughed good-naturedly. "Matanda pa sa akin ang punong iyan at laging hitik kung mamunga."

She smiled back. "I realized I like this place," aniya. "Kung sa hotel ako mananatili ay may kamahalan. May alam ka bang mauupahan ng mura lang sa loob ng isa hanggang dalawang linggo?"

The young woman was thoughtful. Then with a spark in her eyes turned to look at the driver of the Tamaraw. "I just know of a place. Hindi ba, Ansel?" Her eyes were soft as she looked at the young man who smiled back.


"ANO BA ang sinasabi nitong batang ito, Adrian?" tanong ni Virgilio de Alegre at nilingon si Catie sa likuran kasama ang yaya. "It is true, Uncle Vir," said the girl sleepily, "just go and see this lady. She's so pretty like..." Her voice trailed off. Then, "I hit her with my ball... and she didn't shriek and get mad like Tiya Odette did when I hit her with my ball."

All-Time Favorite: El ParaisoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon