MICHELLE was driving toward the town of Donsol. Nanggaling na siya roon kaninang umaga at dinala ang mga negatives ng kinunan niya kahapon sa dagat. Kung hindi nasira ang laptop niya ay hindi niya ito kailangang gawin. She could have just used the videos she took. Napatiim ang mga bagang niya sa pagkaalala sa nangyari sa cottage. Ano man ang motibo ng magnanakaw ay hindi na niya muna gustong alalahanin.
Apat na oras mahigit ang ginugol niya sa bahay ng ama. Pero kay daling lumipas ng oras kapag hindi gusto ng isa na natatapos iyon. At hapon na. Mabilis ang pagmamaneho niya dahil baka abutan niyang sarado na ang photo shop.
The lunch with her newfound father went on smoothly... and happily. Most specially because Adrian was flirting with her outrageously throughout the meal. Well, he did that to ease the tensions that she felt. His hand squeezed her thighs under the table. Oh, well, that was another matter. Ang sexual tension ay nasa harapan nilang dalawa at naghihintay lang na tawirin.
The meal was superb, like eating in one of those five-star hotels. Mainit ang pagtanggap sa kanya ni Grandma Celestina. Nagkaroon silang dalawa ng pagkakataong makapag-usap ng sarilinan kanina habang nasa drawing room sina Adrian at Virgilio.
Ipinakita sa kanya ni Celestina ang family pictures. Gayundin ang larawan ni Harriet at ni Virgilio sa nakalipas na mga taon.
"At magpapakasal kayo ni Adrian sa makatlo, hija?" nakangiting tanong nito.
Itiniklop niya ang album. "Iyon ang gusto ni Adrian, Mrs. de Alegre—"
"Mrs. de Alegre?" she cut her off, laughing. "Bakit hindi lola ang itawag mo sa akin?"
Gumanti siya ng tawa. "L-Lola... kung ganoon."
Nasisiyahang tinapik nito ang braso niya. "Binabati ko kayong dalawa ni Adrian." Nagpakawala ito ng nasisiyahang buntong-hininga. "Natitiyak kong magiging maligaya si Adrian sa piling mo kaysa sa ina ni Catherine. Si Beverly."
"K-kilala ninyo ang mommy ni Catherine?"
Hindi niya gustong marinig iyon sa iba maliban kay Adrian pero hindi niya mapigil ang kuryusidad. Alam na niyang namatay ito dahil sa pagkalunod. But she wanted to know everything about the man she had learned to love in so short a time. And that included his past. And Beverly specifically since she would be soon Catherine's mother.
"Malimit siya sa El Paraiso, paano ko ba namang hindi makikilala." She was smiling without humour. "Nagkakilala sila ni Adrian nang ipasya niyang mag-aral muli sa Maynila at kumuha ng panibagong kurso—Agrikultura. Nakapagtapos na si Adrian ng kursong Arkitektura pero kailangan niyang magkaroon ng higit na kaalaman sa pagsasaka dahil sa lawak ng sakahan niya at ang negosyong pangingisda. Nagdalang-tao si Beverly na kung hindi tinakot ni Adrian ay baka ipinalaglag na nito ang bata." Celestina shivered in horror.
"Nang malaman niyang masalapi si Adrian ay ginamit niya si Catherine upang pilitin si Adrian na pakasalan siya subalit matigas si Adrian. Sino ba ang gustong magpakasal sa isang babaeng kapag wala si Adrian ay pumapatol sa ibang lalaki?" She shook her head disgustingly. "Nagbanta si Beverly na hindi na niya muling makikita ang bata kung hindi niya ito pakakasalan. Pabalik-balik sa Maynila si Adrian para lang makapiling ang anak subalit mataktikang iniiwas ni Beverly si Catherine.
"At kapag nadadala naman ni Adrian ang bata dito sa El Paraiso ay kabuntot ang babaeng iyon. Nang araw na iyon ay naniniwala akong napahinuhod na ni Beverly si Adrian na magpakasal sila. Katunayan ay humingi ito ng pera kay Adrian para sa mga gagamitin nito sa kasal. Sinabi mismo sa akin ni Beverly ang bagay na iyan nang araw na umalis siya sa hotel at magtungo sa resort. Ayon sa kanya'y hihintayin niya ang abogado ni Adrian sa cottage."
BINABASA MO ANG
All-Time Favorite: El Paraiso
Roman d'amourNang mamatay ang mga magulang ni Michelle ay natuklasan niyang hindi niya ama ang lalaking nagbigay sa kanya ng pangalan. Natuklasan din niya mula sa taguan ng kanyang ina ang sulat na nagtuturo sa kanya sa isang lugar na hindi niya man lang narinig...