Chapter Ten

2.2K 43 2
                                    


IKATLONG araw ni Michelle sa El Paraiso Resort. At dahil may ilan din namang turista ang nasa beach, may nakapansin sa mga canvas na naka-display sa ibaba ng cottage. Some of her paintings were haphazardly leaning against the bamboo railings.

At namangha pa siya nang may ilang foreigners ang nagpahayag ng pagnanais na bilhin ang ilan sa mga paintings niya. She had politely turned them down. Na ang mga gawa niya ay pansarili. She couldn't believe that her paintings were that good that some wanted to buy them.

At kahapon ng hapon ay nakapagsimula na siyang magpinta para sa panibagong subject—ang puno ng pili na nakita niya papasok sa Hacienda de Alegre. She might not become a master but she believed she could paint, and paint she would. Her professor, a famous local painter himself, had told her that she was a talented plein-airist. Na sa takdang-panahon, kapag nasanay na siyang gamitin ang paintbrush at oil, she'd be famous and soon would have her own gallery.

She had laughed at the compliment and was so pleased. Hindi niya maaaring ikonsidera na appreciation sa mga gawa niya ang mga ilang foreigners na nagnanais bilhin ang ilang paintings niyang nakasandig sa balkon. Karaniwan na'y bumibili ang mga taong ito ng painting hindi dahil may alam sila sa art, kundi basta nagustuhan lang nila ang subject at magsisilbing souvenirs sa pagbabalik sa sariling bansa.

Nang hapong iyon ay ipinagpatuloy niya ang pagpinta sa puno ng pili. Sinisikap niyang iguhit iyon sa ilalim ng panghapong araw. She added a touch of more orange to her brush and applied it to the canvas. Gayunman, hindi niya makuha ang nais niyang resulta na pagliliyab ng papalubog na araw.

She groaned. Ibinagsak niya ang paintbrush sa inis.

"So. Mula sa hotel ay dito ka nagtuloy."

Napasinghap si Michelle at mabilis na lumingon. Sa biglang pag-atras ay nadagil niya ang easel ng paa niya at bumuway iyon. Instinctively, yumuko siya upang saluhin ang easel kasabay ang malalaking hakbang ni Adrian na may ganoon ding layunin.

Nang mag-angat ng katawan si Michelle ay tumama ang noo niya sa ulo nito. Napaungol siya sa sakit at binitiwan ang easel. Ganoon din ang ginawa ni Adrian at hinarap siya.

"I... I am sorry. Hindi ko sinasadya," ani Adrian at hinawakan siya sa baba at itinaas ang mukha niya. "Tingnan ko nga." Hinawakan nito ang kamay niya at inalis iyon sa pagkakatutop sa noo niya.

Little zings of electricity shot up her arm. Iyon ay sa kabila ng pagkaabala sa bahagyang sakit na nararamdaman sa noo niya. Michelle told herself that her reaction was ridiculous. The man was very much married!

Iniwas niya ang mga mata mula sa mukha nito at hindi sinasadyang natuon naman ang paningin niya sa kamay nitong nakahawak sa kamay niya. They were very nice—large, with long, tapered fingers and neatly trimmed nails. A sprinkling of dark hair dusted the back of each knuckle.

She tried to recall what her naughty friends had said about a man with big hands. And as she remembered, she blushed to the roots of her hair. Nagyuko siya ng ulo, kinakabahang mabasa nito ang nasa isip niya, which was silly. Fantasizing a married man wasn't exactly her cup of tea, for goodness' sake!

As lovely as it was standing there with his one hand on hers and one on her forehead, she extricated her hand. The electrical charge went away. Good.

She took a deliberate step in retreat.

"I'm sorry," he said again. "Hindi ko akalaing magugulat kita. Teka sandali at ihahanap kita ng yelo—"

"No!" awat niya rito. "Hindi na kailangan. Hindi naman ganoon kasakit."

All-Time Favorite: El ParaisoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon