Chapter Twenty-Seven

2.3K 43 0
                                    


SA KABILA ng pananakit ng katawan ay nagsikap na tumayo si Michelle. Naririnig niya ang hampas ng mga alon sa batuhan. Kung saan mang bahagi ang labasan ng kadilimang ito'y naroon ang dagat. Ang puno ng bangin.

But there was no need to find that. Hindi siya makakatakas mula roon kahit na isa pa siyang mahusay na manlalangoy. Hindi niya malalangoy ang gilid ng bangin patungo sa mas mababang bahagi upang mapanhik ang bundok. At kung mangungunyapit naman siya sa mga nakausling bato sa gilid ng bundok at baybayin iyon hanggang sa makakakita ng mas mababaw ay tiyak na igugupo siya ng pagod at malulunod din sa katagalan.

Nang nasa dagat sila ni Adrian ay nakita na niyang walang mas mababang bahagi kahit pa isang milyang paikot ang babaybayin o lalanguyin niya. As it was, she didn't even know how to swim.

Ang tanging paraan ay ang hanapin ang batong hagdanan sa panaginip niya. The stairs must be somewhere here.

Sa kabila ng pananakit ng katawan ay sinikap niyang makatayo. Kinakapa ang dilim. She was searching for walls. The walls in her dreams.

Wasn't it ironic? Siya pala ang babaeng nasa panaginip niya. Na ang panaginip niya'y premonition sa mangyayari sa kanya. Her eyes burned with her tears but she refused to cry.

Lumakad siya patungo sa inaakala niyang tagilirang bahagi ng kinabagsakan niya at nagsisikap na kapain ang batong dingding kung hindi man ang hagdanan.

"Where is that damn stairs and wall?!" she shouted in frustration, muling bumagsak sa buhangin dahil natapilok siya.

"Wa... walang hagdanan..." wika ng paos at mahinang tinig mula sa isang bahagi ng kadiliman. "G-gumuho iyon... at ilang baitang lang ang na... titira."

Halos mabali ang leeg niya nang marahas na lingunin ang pinanggalingan ng tinig. May kasama siya sa dilim na iyon!

"MAMAMATAY kang kasama ng ina mo! Iyon ay kung hindi pa siya patay. Dalawang araw ko na siyang hindi hinahatiran ng pagkain!"

"Oh, my god!" she whispered in horror. Narito sa kuwebang ito si Harriet. Tulad ng nararamdaman niya, hindi umalis sa El Paraiso ang ina!

"H-Harriet? Harriet, ikaw ba iyan?" Her voice was trembling. Ang dibdib niya'y tila sasabog sa matinding kaba. "Please, sabihin mo sa akin kung ikaw nga si Harriet..."

"Ako nga si... Harriet..." The voice croaked.

Napahikbi siya at mabilis niyang tinakpan ang bibig ng maruming kamay. She couldn't break down. Not now. Angrily, she wiped her tears with the back of her hands.

"Please... magsalita ka, susundan ko ang tinig mo."

"S-sino ka? Si... Adrian ba ang... dahilan ng galit sa iyo ni... ni Celestina?"

The sound of her faint voice was from her left. "Michelle. Ako si Michelle..." Bumulalas siya ng iyak na hindi niya magawang pigilin. "Pinangalanan mo akong 'Anna Vida' nang... nang iwan mo ako kay Ma... kay Emmaline..."

"A-Anna Vida... Anna Vida... Anna Vida," paulit-ulit nitong usal na tila litanya ng panalangin.

Ngayong narinig niya mismo nang hindi siya nananaginip ay natanto ni Michelle na iyon ang naririnig niyang inuusal ng babae sa panaginip niya. Ang mismong pangalan niya! That woman in her dream was Harriet! She'd been calling her.

Halos gapangin niya ang pinagmulan ng tinig. She screamed in pain when she bumped into a wall. Namimilipit na sinapo niya ang ulo.

"Sa... sa kabila ng pader pakaliwa ay...narito ako..."

All-Time Favorite: El ParaisoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon