Prolouge

3.7K 50 0
                                    


SHE SMILED at the note in her hands. Pagkuwa'y binalingan niya ang tatlong stem ng dilaw na rosas sa ibabaw ng tokador. Dinampot niya ang isang tangkay at dinala sa ilong at sinamyo. Isang banayad na ngiti ang gumuhit sa mga labi niya. Pagkuwa'y muling tinitigan niya ang isang parapong mensahe ng pag-ibig. She read it again.

Darling,

Magkita tayo sa lugar kung saan tayo unang nagtagpo. I want us to celebrate our anniversary in that place. Just be there. Dala ko ang picnic basket at champagne. I promise a surprise for you...

Hinagod ng umiibig niyang paningin ang signature. Another soft smile hovered her lips. Her heart was overflowing with love. Ito ang ikalimang taon ng anibersaryo ng kanilang kasal. Maliban sa isang bagay na nagdudulot ng ibayong kapaitan sa kanya ay wala na siyang mahihiling pa. Sa naisip niyang iyon ay muling nangibabaw ang kalungkutan sa puso niya subalit iglap niyang pinawi iyon.

Not on this day where her lover wanted them to celebrate their anniversary for the first time. Marahil ay bukas na niya uli dadamhin sa dibdib niya ang kalungkutan... ang kahungkagan... ang pagsisisi.

Tinitigan niya ang sarili sa salamin at ngumiti. Pagkatapos ay dinampot ang Opium at nag-spray sa pulse points. This was her favorite perfume and he bought this big bottle for her.

Nagmamadali siyang bumaba at nagtuloy sa kuwadra. Mula roon ay inilabas niya ang kabayo at sumakay ng walang saddle. Ilang sandali pa'y malayo na siya at patungo sa lugar kung saan sa maraming pagkakataon sa buhay nila ay ang lihim nilang tagpuan.

At ang kaisipang magtatagpo silang muli sa lugar na iyon sa paraang palihim ay nagdulot ng kakaibang kasiyahan at excitement sa kanya.

Makalipas ang labinlimang minutong mabilis na pagpapatakbo sa kabayo ay narating niya ang liblib na iyon. Itinatali niya ang kabayo sa isang puno at lumabas siya mula sa bunton ng mga siit at dawag. Natanaw niya ang Cherokee Jeep nito na nakaparada sa isang kapirasong clearing sa harap ng guho. Subalit wala ito roon.

She smiled as she thought that this was really a surprise. She started calling his name softly like a lover should. Pero tanging ang mabining ingay ng mga dahon na hinihipan ng hangin at ang huni ng mga ibon sa paligid ang naririnig niya. Ganoon din ang hampas ng mga alon sa matatarik na bato sa ibaba ng talampas.

She walked toward the Jeep. Sumilip siya doon at inaasahang naroroon ang mga gamit nila sa picnic para sa selebrasyong iyon. But the Jeep was empty. No basket. No blanket, and no food. She frowned and turned around her.

To some people, this place might give them the creeps, lalo na ang guho ng dating parola. Pero dito sa lugar na ito sila unang nagtagpo nang lihim kung saan walang maghihinala kahit na sino dahil walang nangangahas na magtungo sa lugar na ito.

She turned to the lighthouse ruins which according to her father had been built by the Spaniards. It hadn't been used anymore for a hundred of years. Gumuho ang parola nang tamaan ng kidlat ayon sa mga matatanda. Isa pa'y may bagong lighthouse nang nakatayo sa kabilang bahagi ng lupain.

They'd been inside the ruin once but they didn't linger. He had advised it wasn't safe. Sa kabila ng parola ay ang malalim na talampas patungo sa mabatong karagatan. Walang mahuhulog doon at mabubuhay.

Pumasok siya sa loob ng guho, masuyo at malambing na tinatawag ang kasuyo. Madilim iyon subalit may liwanag na tumatagos mula sa mga siwang ng sirang pader. She frowned when she heard a croaked whisper of her name.

"You're playing games, sweetheart," nakangiting wika niya at lumakad patungo sa kinaringgan niya ng tinig. Nalimutan niyang kahit noong una silang nagtungo roon ay hindi sila nakarating sa kalagitnaan ng loob ng parola. Madilim, marumi, at puno iyon ng mga debris na maaaring gumuho.

Huminto siya nang mapunang hindi na niya maaninag ang buong paligid. Ang mga siwang na nagdudulot ng bahagyang liwanag mula sa humahapong araw sa labas ay hindi na matanaw sa bahaging iyon.

Muli ay narinig niya ang pangalan niyang tinatawag ng tila pagak na tinig.

"If you intend to scare me, my love, then think again," natatawang sabi niya sa dilim at narinig niya ang alingawngaw ng tinig niya sa buong kaguhuan. "Hindi ako natatakot sa mga patay na pirata, my love. Mas natatakot ako sa buhay."

Isang kamay ang naramdaman niya sa likod niya at malakas siyang napasinghap. Hindi sa takot sa kung ano mang multo na siyang usap-usapan sa buong bayang iyon na namumugad sa guho, kundi sa pagkagulat.

"Tama ka. Mas matakot ka sa buhay!" wika ng pamilyar na tinig mula sa likuran niya.

At bago pa may tinig na makalabas sa bibig niya ay naramdaman niya ang malakas nitong pagtulak sa kanya. Patili siyang bumagsak. Ang mga kamay niya'y nagsisikap na makahawak man lang sa kahit na ano bago siya bumagsak sa maruming baldosa.

Subalit wala ang inaasahang baldosang kababagsakan niya. Patuloy ang pagbulusok niya sa ere at sa walang hanggang kadiliman. Ang sigaw niya ay ni hindi nakaalpas mula sa guhong iyon.


SHE SCREAMED.

Bumalikwas siya ng bangon kasabay ng paghahabol ng hininga. May ilang sandaling sinikap niyang ikalma ang sarili bago niya nilinga ang buong paligid. Sinisikap niyang isipin kung nasaan siya.

Then she realized she was in a hotel room. They were in Vancouver. Sila ng mga magulang niya. They were in a room next to hers. Iyon ang kauna-unahang pagkakataong lumabas sila ng Asia. They were celebrating her parents' twentieth anniversary.

Pinuno niya ng hangin ang dibdib at pilit pinapayapa ang sarili. Umaalon pa rin ang dibdib niya sa matinding takot.

Kay samang panaginip. Inihuhulog ako sa isang madilim at walang katapusang kalaliman...

She shivered. Inabot niya ang kumot at tinakpan ang sarili. Ipinagpapasalamat niyang hindi niya nagising ang mga magulang o di kaya ay ang ibang guest sa pasilyong iyon. Alin na lang sa dalawa, hindi naman kalakasan ang sigaw niya o soundproof ang silid.

Inabot niya ang cellphone at tiningnan ang relo. Madaling-araw na at araw ng Linggo. Humigit-kumulang ay alas-tres ng hapon sa Pilipinas, araw ng Lunes.

Ipinikit niya ang mga mata at pilit ibinabalik sa isip ang pangalang isinigaw niya habang nahuhulog siya sa walang katapusang kalaliman.

Pero wala siyang maalala.

Muli siyang humiga. Indescribable sadness enveloped her. A kind that she felt like crying. She blinked. That was silly. Isa lang iyong masamang panaginip.

Just a bad dream. Just as she had those dreams when she was a little girl.

All-Time Favorite: El ParaisoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon