Chapter Twenty-One

2.3K 46 2
                                    


"I FOUND a P.O. Box key in my mother's jewelry box. No one knew that she had kept a box and a little money in the bank. At sa loob ng box ay may isang birthday card at dalawang sulat para kay Mama. Pawang nanggaling sa isang Harriet Palermo at ang address ay sa Donsol."

Adrian's face was unreadable but Michelle could sense tension from him. "Where are... these letters?"

"S-sa glove compartment ng kotse ko. Naroon din ang ilang pirasong mga alahas ko. I thought it would be safer there. At kung titingnan ko ang mga gamit ko ngayon, tama akong doon sa kotse nailagay ang mga iyon."

His mouth twitched in a shadow of a smile. "Where's your car keys?" Sinulyapan niya ang Prada bag niya na nasa gilid ng pinto na inilapag niya roon kanina. Lumakad si Adrian patungo roon at kinuha sa loob ang susi ng kotse niya. Walang kibo itong bumaba.

Narinig niya ang pagbukas-sara ng pinto ng kotse. Ilang sandali pa'y pumapanhik na uli ito hawak ang tatlong sobre. "Would you mind if I read these letters?"

She shrugged her shoulders. Sandali lang nitong dinaanan ng mga mata ang mga sulat na hindi naman mahahaba. Pagkatapos niyon, maliban sa ilang halakhakan ng mga kabataang maririnig mula sa dalampasigan ay napakahabang katahimikan ang namagitan sa kanila.

"Harriet was a Palermo before she married Virgilio," Adrian said quietly.

She raised her eyes to him. "Naisip ko na rin iyan. Kaya lang may mga bagay sa sulat niya na hindi ko maintindihan. Tulad ng kung ano ang kaugnayan ko sa kanya. Ganoon din kung bakit ko siya kahawig. Was she my mother's sister... o pinsan kaya? Sino ang batang—"

"You already know the answers to that, do you?"

Hindi siya sumagot. She bit her lip, harder this time that she almost drew blood. Her eyes sparkled with unshed tears. Nang akmang hahakbang palapit sa kanya si Adrian ay itinaas niya ang isang kamay.

"No, please. I can't stand it if you'll hold me. I don't wanna cry. I've been doing a lot of that lately." Tumaas ang dibdib niya sa paghugot ng hininga at sa pagpipigil na pumatak ang mga luha niya. "Nang malaman kong nakapag-asawa si Harriet... at na wala na siyang mga magulang... at na umalis siya at... at na marahil ay hindi na magbabalik dahil baka...baka..." Hindi niya makuhang ituloy ang karugtong ng sasabihin.

"That Harriet could be dead already," Adrian finished for her.

Tumango siya. "Pinlano ko nang bumalik sa Maynila. Naisip ko lang na tumigil sandali sa Donsol. Gusto ko rin namang malaman kung sino ang tunay kong ama." When Adrian opened his mouth to say something, she stopped him. "No. Wala akong balak magpakilala. Tiyak na may iba na rin siyang pamilya. Gusto ko lang siyang makita bago man lang ako bumalik sa Maynila."

"Sweetheart," Adrian said softly, "forget about going back to Manila. Wala ka nang babalikan doon. Sa nakikita ko sa mga kahong dala mo, hindi mo intensiyon na bumalik pa."

"No, you're wrong. Ang dahilan kung bakit dala-dala ko ang mga iyan ay dahil wala na akong bahay na mapag-iiwanan. My car's my house now until I find a cheap apartment as soon as I get back to Manila. My mother's things are in storage."

"Pinag-usapan na natin iyan, Michelle. Binibigyan kita ng pagkakataong makapagsimula dito sa El Paraiso, as my wife, and—"

She raised her chin, her eyes sharp as she looked at him. "You are so arrogant that you think I have all the advantages when you offered me that 'wife-job'. Lalo mo na sigurong naisip iyan ngayong nalaman mong wala akong uuwian."

"Hindi ba?" There was a soft glow in his eyes and his voice had a teasing sound on it.

Ang kapirasong iritasyong naramdaman niya ay iglap na naglaho. "I... have something to offer you, too," she said, suddenly shy. "Kapag nakasal na tayo ay mapapasaiyo din naman ang pinakamahalagang bagay sa akin, ah. Oh, wala na tayo sa middle ages para pahalagahan iyon. Just as it may not be that important to you. But to me it is." Her voice though quivering had a touch of pride in it.

All-Time Favorite: El ParaisoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon