Chapter One

3.3K 44 0
                                    


"I DON'T believe this!" bulalas ni Michelle sa pinagsamang pagtataka at pagkamangha matapos sabihin ng abogado ang nilalaman ng testamento ng ama.

No. It wasn't even a testament. Kundi isang legal na kapahayagan ng abogado sa mga pag-aari ng papa niya—which was, to Michelle's surprise—was none. Walang iniwan kahit na ano si Amador para sa kanya. His and Emma's death, were unexpected. Hindi ito nakagawa ng testamento. Pero ang malaman na wala itong pag-aaring naiwan sa kanya ay hindi mapaniwalaan ni Michelle.

"Kung may duda ka sa authenticity ng mga papeles na ito ay heto, hija..." Iniabot ng abogado sa kanya ang dokumento. "maaari mong basahin ang kopya mo."

Umiling siya. Her father's partner and friend would not lie to her. She had known him all her life. "Paanong nangyaring walang iniwan ang mga magulang ko, Tito Lauro?"

"Dahil wala namang iiwan, hija. Ang mama mo, sabi mo nga ay wala namang sariling bank account. Ano na lang ba ang sinusuweldo ni Emma bilang elementary teacher. Ang lahat ng kaalwanan ninyo sa buhay ay dahil sa trabaho ni Amador."

"Exactly. Kaya nakapagtatakang walang naiwan man lang si Papa," she said in bewilderment.

Nilinga niya ang buong silid. Opisina iyon ng kanyang ama na ngayon ay siya nang gamit ni Attorney Lauro Moral, isa sa mga major partners sa law office na iyon. As a little girl, she used to come here with her mother. Wala naman siyang magagandang alaala sa mga pagsama-sama niya sa ina sa opisinang ito dahil wala siyang natatandaang nanabik si Amador na makita siya.

Still, this was her father's office. Naroroon pa ang mga libro nito at mga gamit. Sa isang sulok ay naroon ang dalawang di-kalakihang karton upang paglagyan ng mga personal na gamit ni Amador. Michelle's parents were buried two days ago.

Nang ma-confine sa ICU si Emma ay tila nawala sa sarili si Amador. He was shocked and devastated. His wife was only forty-three years old. She was in her prime, very pretty, and appeared healthy. Bagaman hindi nagpapa-checkup ay walang nag-aakalang may sakit ito sa puso. Ni pahiwatig na may sakit ito'y wala.

Kung tutuusin ay mas na si Amador pa ang maituturing na may sakit dahil walang linggong hindi ito nagtutungo sa ospital. They all knew her father had prostate cancer. Regular ang pagparoo't parito nito sa ospital sa nakalipas na isang taon upang magpagamot.

Sa nakalipas na taon ay dalawang beses itong umalis ng bansa na hindi kasama si Emma upang magtungo sa America, marahil ay upang hanapan ng lunas ang sakit.

Si Michelle ang sinisi ni Amador sa nangyari sa asawa. Ayon dito, kung hindi nagdesisyon si Michelle na iwan ang Law school at kumuha ng Fine Arts ay hindi sana nadulutan ng sama ng loob si Emma na siyang dahilan ng biglaang atake nito sa puso.

Gusto ni Emma na maging isang abogado si Michelle. Na balang-araw ay maging isa siya sa mga partners sa law office na kasosyo ang ama. Nang una ay pinagbigyan niya ang mga magulang, lalo na ang ina niya na siyang mapilit na kumuha siya ng Abogasya.

Subalit nang maglaon ay kinabagutan niya ang walang katapusang research at case studies. Hindi niya gustong maging isang abogado. Hindi niya pinangarap kailanman na maging abogado tulad ng ama. She had always wanted to paint.

Kaya naman bago ang enrolment niya sa ikatlong taon niya sa kolehiyo more than a month ago, ipinasya niyang sabihin sa mga magulang ang pagnanais niyang magpalit ng kurso. Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakita niyang nagalit nang husto ang mag-asawa sa kanya, lalo na ang papa niya, na ang galit ay mas nag- ugat sa dahilang nadulutan niya ng malaking sama ng loob ang ina.

Hindi interesado si Amador sa ano mang bagay tungkol sa kanya, lalo na kung anong kurso ang pag-aralan ni Michelle. Her father had only indulged her because of Emma.

All-Time Favorite: El ParaisoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon