Chapter Four

2.5K 51 3
                                    


"ANO ANG sinabi ng lalaking iyon sa iyo?" tanong ni Dexter, a hint of anger in his voice.

Inalis niya ang mga mata mula sa rearview mirror at nilingon ito. "Tinanong niya kung nasaktan daw ba ako."

"I heard that," Dexter snapped. "Iyong kasunod niyon ang itinatanong ko. I heard him utter something like 'pregnant'"

"What are you talking about?" kaila niya, frowning a little. "I was too shaken to even notice what he was saying." Hindi niya gustong pag-usapan pa iyon. Napakahabang paliwanag kapag sinabi niyang nagkatagpo na sila ng lalaking iyon kahapon.

"Naisip ko lang na baka magkakilala kayo. Nakatitig siya nang husto sa iyo at may mga sinasabing hindi ko gaanong narinig. O baka naman magkakilala kayo at ikinakaila mo lang." May akusasyon sa tinig nito at sa matalim na mga mata ay sinulyapan siya.

"Kung kilala ko ang muntik nang makabunggo sa atin, di sana'y kinausap ko."

"Ano ang malay ko? Isang taon na tayong magkasintahan at bago iyon ay magkakilala tayo sa unibersidad ng ilang buwan. Pero sa loob lang ng ilang minuto ay kay rami nang sikretong lumabas sa pamilya mo."

"Oh, god," she groaned. Hinilot niya ng mga daliri ang sintido. Nararamdaman na niya ang unti-unting pananakit ng ulo.

She had no wish of putting up an argument. Ang pangyayari sa buhay niya nitong nakalipas na ilang araw ay sapat na upang maubos ang lakas niya. Ni hindi nito itinanong kung nasaktan siya. Sa halip ay ang kotse ang una nitong sinuri. At ngayon ay nag-aakusa.

And she really felt that her problems were even compounded by that stranger. Kung sa papaanong paraan ay hindi niya alam. She blinked her tears away.

Sinulyapan niya sandali si Dexter bago niya inihilig ang ulo sa sandalan ng kotse at nanlulumong itinuon ang paningin sa labas ng sasakyan. Hindi niya maiwasan ang kaba at takot sa susunod na mangyayari sa relasyon nila.

Walang usapang namagitan sa kanila hanggang sa ibaba siya nito sa harap ng bahay ng mga magulang niya sa Concepcion Village. Hindi tulad ng ibang pagkakataong magkasama sila ay hindi siya nito pinagbuksan ng pinto ng sasakyan.

"When will I see you again?" she asked, ang tinig niya'y namamanhik at puno ng insekyuridad. Gusto niyang umiyak at itanong dito kung mahal pa siya nito. But pride prevented her from asking. "Will... will you call me tonight?"

Isang mahabang tingin ang ibinigay nito sa kanya. Yaong uri ng tingin na tila ba noon lang siya nito natitigan nang husto. Pagkatapos ay tumango ito. "Tatawagan kita."

Bumaba na siya ng sasakyan at sinundan ng tingin ang paglayo ng sasakyan nito. Nang mawala iyon sa paningin niya ay binuksan niya ang gate at lumakad patungo sa malaki at dalawang palapag na bahay.

It was an old but huge house. Marahil ay itinayo halos isandaang taon na ang nakalipas, considering Digna Verano's age. Gayunma'y isinisigaw ng kayarian ng bahay ang kariwasaan, sa nakalipas mang panahon o sa kasalukuyan.

She smiled bitterly. Sinusian niya ang bahay at pumasok sa loob. Agad ang pagsalakay ng kahungkagan, kapaitan, at takot, na nag-uunahang mamahay sa damdamin niya.

This had been her home all her life. How come it didn't feel like home now? Paanong ang pamilyar na mga kasangkapan at gamit na araw-araw niyang nakikita ay tila may buhay at tinutuya siya, pinagtatawanan?

Paanong sa isang iglap ay nagbago ang buhay niya?

Isinara niya ang pinto at nahahapong sumandal doon. Tears pooled in her eyes but she didn't want to cry. Dahil sa nakalipas na ilang araw mula nang mamatay ang mga magulang ay wala na siyang ginawa kundi ang umiyak. Isa pa'y wala namang mangyayari kung iiyak siya.

All-Time Favorite: El ParaisoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon