"GUSTO kitang imbitahang magkape," ani Adrian nang ihinto ang sasakyan sa tapat ng bahay nito, "pero gabi na. Sa ibang pagkakataon."
"You're right and I just feel like hitting my pillow." She gave him a wan smile. Lumabas ito at binuksan ang pinto sa likuran at binuhat ang natutulog na anak. Ang yaya ay lumabas na rin.
"Hindi ako magtatagal," anito. "Ipapanhik ko lang muna si Catherine."
Tumango siya at sinundan ng tanaw ang paglalakad ng mga ito sa dilim na lalo pang pinadilim ng nagla-lakihang mga puno sa paligid. Ang tanging liwanag ay nanggagaling sa malamlam na ilaw mula sa wraparound veranda. Ang yaya ay nauna na at nakita niyang pumanhik sa isang mataas na hagdan kasunod si Adrian.
May nagsindi ng ilaw sa kabahayan at mula sa liwanag niyon ay napuna niyang naka-canopy sa veranda ang malalaking sanga ng mga puno. Kahit marahil sa katanghaliang-tapat ay malilim at malamig sa lugar na iyon. Pagkuwa'y napuna niyang ang floor level ay hindi niya matanaw ang kabuuan. Tila nawala ang kalahati niyon bukod sa ipinagtataka niyang sa itaas agad pumanhik sina Adrian at ang yaya.
Napasilip siya sa bintana ng pick-up at sinipat sa dilim ang buong istruktura ng bahay. Natanto niyan nakatayo ang bahay sa gilid ng isang bundok!
Ang first floor level ay idinisenyo na paayon sa bundok! The second floor which happened to be the house's main entrace was made mostly of wood. Lalo na ang veranda. Subalit ang ibaba, kung saan may nagliwanag na ilaw ay yari sa adobe at sa tantiya niya ay ng malalaking ashlar stones.
Mula sa kinalalagyan niya ay natitiyak niyang dagat ang ibayo pa roon. Nalalanghap niya ang simoy ng maalat-alat na hangin. She could even see the pale shadow of the sea below.
She gasped her appreciation of the place which she decided was truly a paradise. She wondered how the house and the place would look in the light of day. Kung sino man ang nagdisenyo ng bahay sa gilid ng bundok ay isang henyo.
Ilang sandali pa'y nakita na niya ang pagsungaw ni Adrian sa veranda at ang muling pagbaba nito.
"Nainip ka ba?" tanong nito nang nakapasok na sa loob ng pickup.
"Wala ka pang limang minuto." Nilinga niya ang mga bintana. "If you don't mind, mas gusto kong buksan ang mga bintana. Malamig at masarap ang simoy ng hangin dito."
Adrian pushed a button and the windows on both sides rolled down. Ang bango ng iba't ibang bulaklak na hindi niya kayang tukuyin ay dinala ng mabining hangin sa ilong niya kasali na ang amoy ng bagong putol na mga damo. She filled her lungs with fresh air.
Ang malamlam na liwanag ng ilaw sa mga poste sa daan ay hindi sapat upang magliwanag ang buong paligid. Pero hindi pa ganoon kadilim nang magdaan sila rito kanina at nahantad sa mga mata niya ang tanawing dinaanan nila.
Kahit papaano ay may bahagi sa dibdib niya ang nanghihinayang na hindi niya nagugol ang kabataan niya sa lugar na ito. Virgilio seemed to be a loving man. What would have it been if she grew up with her biological mother? Katulad din ba si Virgilio ni Amador? Would he indulge her because of Harriet? Magiging excess baggage din lang ba siya?
No. She didn't think so. Magkalayung-magkalayo ang ugali nina Virgilio at Amador sa isa't isa. Nagkaisip na siyang malamig ang pakikitungo ni Amador sa kanya. Samantalang si Virgilio, sa una pa lang ay mainit na agad ang pagtanggap sa kanya.
Buong buhay niya ay lumaki siya sa resentment ni Digna Verano at sa kalamigan ni Amador. Alam niyang mahal siya ni Emma at naniniwala siyang mahalaga siya rito subalit hindi ito mapaghayag ng damdamin. Emma's physical expression of love was limited to kissing her goodnight.
BINABASA MO ANG
All-Time Favorite: El Paraiso
RomansaNang mamatay ang mga magulang ni Michelle ay natuklasan niyang hindi niya ama ang lalaking nagbigay sa kanya ng pangalan. Natuklasan din niya mula sa taguan ng kanyang ina ang sulat na nagtuturo sa kanya sa isang lugar na hindi niya man lang narinig...