Chapter Twenty Eight

2.7K 43 0
                                    


"BAKIT hindi natin ginamit ang yate mo?"

"Hindi iyon makalalapit man lang sa paanan ng bundok," he said. "Bukod pa sa matatagalan tayo kung iyon ang gagamitin natin. Itong bangkang de-motor na ito'y nahiram ko sa asawa ng kapatid ni Henny."

Tinitigan siya ni Virgilio. He had an odd expression on his face. "Ang sabi mo'y ipininta ni Michelle ang guho mula sa panaginip niya?"

Tumango siya. "Kung narinig mo ang sinabi niya noong una kayong mag-usap, matindi ang paniniwala niyang narito sa El Paraiso si Harriet. You should have seen her when she first saw the ruins from the yacht. Halos naghihisterya siyang ilapit ko roon ang yate. Nang pauwi na kami, nakita ko ang matinding lungkot sa mga mata niya. Matindi ang obsession niya sa ruins."

"Sinabi niyang naririnig niyang tinatawag siya ni Harriet sa panaginip..."

"That was her subconscious," ani Adrian pero wala rito ang isip niya kundi sa patutunguhan nila. Kung maaari lang paliparin ang bangka ay ginawa na niya.

Virgilio heaved a sigh. "Michelle looked like my grandmother, Adrian. My father's mother..."

Bahagya na niyang sulyapan si Virgilio. He was agitated and scared. He didn't want to talk.

"Michelle must have inherited my grandmother's ability to feel someone's suffering. Sa kaso nila ni Harriet ay napakalakas niyon dahil mag-ina sila."

He turned to him, a bit irritated. Hindi niya gustong alisin ang isip niya kahit sandali kay Michelle. "What are you talking about?"

"I was just a little boy then and I remember people referred to my grandmother as para cao. Someone who uses withcraft. Ayon kay Papa, sa tuwing may nangyayaring aksidente sa kanya, maliit man o malaki, lagi nang nagmamadaling umuwi ang grandmother ko bago pa man nila maipaalam dito ang pangyayari."

Adrian shook his head incredulously. "Are you telling me that your daughter is an emphat, Virgilio?"

"That's too deep a term. And you know me, I don't believe in those crap." He shook his head wearily. "And don't you think it is time to call me 'Papa'?"

Hindi sumagot si Adrian. Alas-kuwatro na ng hapon subalit nagbibigay pa rin ng init ang araw. Iniharang niya ang kamay sa mga mata habang tinatanaw ang dakong pupuntahan nila. In less than ten minutes ay naroon na sila.

Hindi niya gustong mag-isip ng kung anu-anong masasamang bagay. Umaasa siyang bale-wala ang pagtungo nila sa ibaba ng guho at ang totoo'y nasa bahay na si Michelle.

Pero hindi nito sinasagot ang tawag niya. And he hadn't stopped ringing her phone.


MICHELLE was rocking her mother gently. Hindi niya na alintana ang masangsang na amoy mula rito. Ibinibigay niya rito ang init mula sa katawan niya. Siguro nga'y dinadaya lang niya ang sarili na makalalabas pa sila sa catacomb na iyon.

But if it was of any consolation, she knew she had made her mother happy. Natagpuan siya ni Harriet. Lamang, pareho na silang malilibing sa kuwebang iyon at....

She went still. She strained her ear to hear the sound from the end of the cave.

"M-mama... naririnig n'yo ba iyon? May paparating na bangka! May paparating na bangka, Mama!" Sa kabila ng excitement ay maingat niya itong binitiwan at tinakbo ang sampung yardang palabas patungo sa dagat.

Subalit nahaharangan iyon ng malalaking bato. She didn't know how to swim. Pero kung kinakailangang mangunyapit siya sa mga bato upang makatawid sa iba pang bato at isapanganib ang buhay dahil hindi siya marunong lumangoy ay gagawin niya makita lamang siya ng kung sino man ang dumaraan.

All-Time Favorite: El ParaisoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon