Chapter Twenty-Four

2.6K 42 1
                                    


NASA hagdan pa lang siya nang matanaw sa itaas ng veranda sina Manang Selma at Yaya Henny. Nakabalatay ang pagkagulumihanan sa mga mukha ng dalawang babae.

"Ano ang nangyari?" magkapanabay na bungad ng mga ito nang makapanhik siya sa veranda at buhat-buhat si Michelle.

"Hindi ko rin alam. Balikan mo si Catherine, Henny, at baka magising. Manang Selma, magtimpla kayo ng mainit na gatas at dalhin ninyo sa silid ko."

Mabilis na bumalik sa silid ng bata si Henny at si Selma naman ay tinungo ang hagdanan pababa sa kusina.

Dinala niya si Michelle sa loob ng silid niya. Tinimpla ang tubig sa bathtub habang hawak ito sa baywang ay nanatili itong nakasubsob sa dibdib niya. Huminto na ito sa pag-iyak subalit nararamdaman pa rin ni Adrian ang panginginig ng katawan nito.

At habang nagpupuno ang bathtub ay hinubad niya ang kasuotan nito. Sandali lang itong natilihan nang maramdaman ang ginagawa niya subalit hindi ito kumibo.

Nang mapuno ang bathtub ay binuhat niya itong muli at dahan-dahang inilubog sa tubig. She was shivering, from cold or from fear, he didn't know. Amoy-usok ito at may mga itim na tila abo sa mukha at braso nito. May bahagi ng buhok nito ang tila dinaanan ng apoy.

She had bruises in her hands. Ang mga gasgas ay mahahaba at may kasamang dugo.

"It's all right, honey," bulong niya rito habang nakalubog ito sa tubig. Kumuha siya ng shampoo sa ulunan nito at inilagay sa palad niya at matapos basain ang buhok ni Michelle ay inilagay iyon doon, lathering her hair. Then he reached for the telephone shower and washed her mane.

Kinuha niya ang foam at inilubog sa tub na puno ng bula at dahan-dahang ipinahid sa mukha nito pababa sa mga bahagi ng katawang may bakas ng itim.

Tumayo siya nang biglang tumaas ang kamay ni Michelle at inihawak sa braso niya. "Don't leave me!"

"Hindi kita iiwan, pangako. Kukunin ko lang ang towel robe." Inabot nito ang towel robe na nakasabit a stainless hook. Itinayo mula sa tub si Michelle at ipinasuot dito ang malaking robe niya. The robe swallowed her slender body.

Muli ay binuhat niya ito pabalik sa silid niya at maingat na inilapag sa kama. Nakita na niya ang baso ng gatas sa side table. Kinuha niya iyon at ipinainom dito.

"Take this, sweetheart."

Meekly, Michelle obeyed. Napangalahati nito ang gatas bago inayawan. Pagkatapos ay muli itong bumalik sa pagkakahiga. She curled herself in a fetus-like position.

"Can you tell me what happened, Mitch?" Adrian asked gently, watching her facial expression so very carefully.

Kung anu-anong pangyayari ang kanina pa nagsasalimbayan sa isip niya nang buhatin niya ito palabas ng kotse. One of them was that she had been attacked. Tiniyak na niya sa sarili niyang hindi makakalabas ng Sorsogon ang sino mang gumawa niyon kay Michelle.

Pero nang suriin niya ang suot nito ay inalis niya ang posibilidad na iyon. Maliban sa puno ng buhangin ay walang punit ang pajamas nito. Ni walang nawalang butones. And she still had her panties. Siya na lang ang nag-alis niyon nang ilubog niya ito sa tubig.

Mas ang posibilidad na may kinalaman ang apoy sa nangyari dito.

Nagmulat ito ng mga mata subalit nakatitig sa kawalan. "N-nagising akong nasusunog ang cottage ko..." Her voice was thick and on the edge of sleep and exhaustion.

"What?"

His cellphone rang. His eyes were on Michelle and reluctantly took it off of her. Alanganing dinampot niya ang telepono niyang nasa ibabaw ng bureau.

All-Time Favorite: El ParaisoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon