"CATHERINE!" sigaw ng babaeng nakauniporme ng puti na malamang na yaya nito. Nilapitan nito ang batang babae. "Muntik ka nang makatama! Sabi nang huwag dito maglaro, eh. You say sorry."
"Who cares!" padabog na sabi ng bata na lumapit kay Michelle at kinuha ang bola mula sa mga kamay niya.
Napapailing na tumingin kay Michelle ang yaya. "Sorry po, ma'am—" Ang paghingi ng paumanhin nito ay nakulong sa lalamunan nito nang matitigan siya.
Ang bata ay tumingala kay Michelle matapos mabawi ang bola. Her face haughty. "You shouldn't have come out of your—" she gasped aloud as she stared at Michelle with wide eyes. "A-auntie!"
Napaatras sa pinto ng silid niya si Michelle. Hindi malaman ang gagawin. Pinaglipat-lipat niya ang mga mata sa dalawa na parehong manghang nakatitig sa kanya. Nabitiwan ng bata ang bola at nanlalaki ang mga matang patuloy sa pagtitig sa kanya.
Unang naka-recover ang yaya at nilapitan ang bata at hinawakan sa braso habang pasulyap-sulyap sa kanya. "Hindi siya ang auntie mo, Catherine. K-kamukha lang. Guest... siya sa hotel."
Michelle swallowed. Ni hindi siya makahagilap ng sasabihin. Haughtiness was gone in the girl's eyes and was replaced with uncertainty. And a sudden longing.
"Y-you... look like... my aunt," wika nito.
The little girl must be four years old. "I'm... flattered." Michelle stammered.
"S-she's pretty... like you." Naipon ang mga luha sa mga mata nito.
"I'm sure she is." Yumuko si Michelle at hinaplos sa ulo ang bata. "Just as you are pretty yourself."
Suminghot ito, humikbi. "S-she left..." Tuluyan nang bumagsak sa mga pisngi nito ang mga luha.
Napatingkayad si Michelle, hindi malaman ang gagawin. "Oh, please don't cry." Pinahid niya ng palad niya ang mga luha nito at tumingala sa yaya na sinisikap hilahin ang bata na hindi matinag sa kinatatayuan.
"Wait until Daddy sees you. Sasabihin niya rin kamukha mo si Auntie!" the little girl said frantically. Hinawakan siya nito sa kamay. "Tara sa ibaba. I want you to meet Daddy."
"Catherine, ano ba!" banayad na saway ng yaya. "Nakakahiya naman kay ma'am."
"Bakit kay tagal ninyong bumaba, Henny?" came the deep and masculine voice from behind Michelle.
"Naku, 'ayan na ang daddy mo, Catherine."
Napalingon ang bata sa may bukana ng hagdanan, kumislap ang mga mata at gumuhit ang ngiti sa mga labi. "Daddy! Look, I met a lady who looks like Auntie."
Mula sa pagkakatingkayad ay tumayo si Michelle at hinarap ang bagong dating. Nakulong ang pagsinghap sa lalamunan niya nang makita ang "Daddy" na tinutukoy ng bata. Ang lalaking nakatagpo niya sa office building, sa Pasig, at sa daan kagabi. The world was getting smaller everyday, she thought drily.
So the man was married. The regret and disappointment she felt surprised her. Pinalis niya kaagad ang nararamdaman at tumingin sa bagong dating. His reaction mirrored her own. Subalit ang pagkamangha nito'y may kasamang animosity.
"It's you!"
She rolled her eyes ceilingward. "Oh, please. Wala ka na bang ibang linyang magagamit? You're getting to bore me."
"Sino siya, Adrian?" gulat na tanong ng babaeng kasama nito. Noon lang napuna ni Michelle ang babaeng kasunod nitong pumanhik. Natuon dito ang paningin ni Michelle. A fairly attractive woman in her mid-forties. Ang pagkamangha nito sa pagkakatitig sa kanya ay katawa-tawa. She didn't hide her shock very well.
BINABASA MO ANG
All-Time Favorite: El Paraiso
RomansaNang mamatay ang mga magulang ni Michelle ay natuklasan niyang hindi niya ama ang lalaking nagbigay sa kanya ng pangalan. Natuklasan din niya mula sa taguan ng kanyang ina ang sulat na nagtuturo sa kanya sa isang lugar na hindi niya man lang narinig...