"GUSTO kitang tulungan pero hindi kita makita. Nasaan ka?"
"Narito ako... tulungan mo ako..."
Bumalikwas siya ng bangon at naghabol ng hininga.
Oh, god! Ikinulong niya ang mukha sa mga palad. Bakit paulit-ulit ang mga panaginip? Ang tinig na nagmamakaawang tulungan niya ay halos hindi na niya marinig ngayon. Tila nawawalan na iyon ng lakas. Ang kadiliman. Ang mga batuhan. Ang dagat.
Ano ang ibig sabihin ng mga iyon? Sino ang babaeng humihingi ng tulong? Nasaan ito? Tears of hopelessness and bewilderment burned in her eyes. Binabagabag siya ng mga panaginip na iyon may tatlong buwan na ang nakalipas.
She looked around her. It was pitch dark. Ilang sandali muna niyang sinanay ang mga mata sa dilim bago niya naaninag ang kapirasong silid. Ibinabalik niya sa normal ang paghinga at pagkatapos ay kinapa niya ang relo niya sa ibabaw ng bedside table.
It was almost three o'clock in the morning.
Natitiyak niyang hindi na siya makakatulog. Tumayo siya at binuhay ang ilaw sa silid at nagtuloy sa labas at binuhay din ang ilaw roon. Naroon pa rin ang easel niya at nakatayo. Ipinasya niyang lagyan iyon ng panibagong canvas.
Ilang sandali pa'y nagsisimula nang gumalaw ang mga kamay niya para sa panimulang pagpinta. She would paint the place she saw in her dreams. Hindi niya natitiyak kung kaya niyang iguhit iyon mula sa kanyang panaginip pero susubukan niya.
IT STARTED to drizzle when Adrian parked his four-wheel drive behind Michelle's X-Trail. Nagmadaling binuksan ni Catherine ang pinto at tumakbo patungo sa cottage.
"Slow down, honey," tawag niya rito.
Subalit ni hindi siya nito nilingon. He shook his head and focused his eyes on the X-Trail's plate number. Inilista niya sa cellphone niya ang plate number ng kotse nito at pagkatapos ay ipinadala sa numerong iniwan ng imbestigador na kausap niya kaninang umaga.
Kung tama si Virgilio at anak nito si Michelle, mababawasan kahit paano ang kapighatiang dinadala nito sa kasalukuyan. And maybe Virgilio was right. Coincidences didn't happen. Maaaring alam ni Michelle ang katotohanan tungkol kay Harriet at Virgilio.
Ibinalik niya sa bulsa ang cellphone at sinundan si Catherine. Inabutan niya ito sa mismong paanan ng hagdan.
"I knocked, Daddy," ani Catherine na tumingala sa ama, nagsasalubong ang mumunting kilay. "Tinatawag ko siya, pero hindi sumasagot."
He frowned. Alas-diyes y medya na sa relo niya. He knocked on the door. Once. Twice. Sa ikatlong katok ay nilakasan at hinabaan niya. Then he heard footfalls. Pagkatapos ay ang pagtatanggal ng lock sa pinto. Bumukas iyon at bumungad si Michelle na pupungas-pungas pa.
"Ano'ng—Oh, my!"
Malamang na nagising niya ito. Nakasuot pa ito ng cotton pajamas na may mga maliliit na bulaklak. She was barefoot, too. May mga hibla ng kulot nitong buhok ang kumawala mula sa maluwag na pagkakatali nito sa likod at nakasabog sa mukha. Namumula ang kanang bahagi ng pisngi na malamang ay iyon ang nadikit sa kung saan man ito nahimbing.
There were paints on her chin that could only mean she had been painting through the night. The dark circles in her eyes that had been there since they'd met at the hotel had gone a shade darker.
"Good morning," he said huskily, surprised that the sight of her, tousled corkscrew hair, with paint on her face, made him hard. She looked so adorable that he wanted to climb up the three steps and take her in his arms and plant a kiss on her lush mouth. Only the presence of his daughter had stopped his urges.
BINABASA MO ANG
All-Time Favorite: El Paraiso
RomanceNang mamatay ang mga magulang ni Michelle ay natuklasan niyang hindi niya ama ang lalaking nagbigay sa kanya ng pangalan. Natuklasan din niya mula sa taguan ng kanyang ina ang sulat na nagtuturo sa kanya sa isang lugar na hindi niya man lang narinig...