"How did your know each other ba?!" naiiritang tanong ni Zia sa aming dalawa ni Adam dahil walang nagbawi ng titigan namin, talo ang kukurap, pero biro lang!
"What do you care?" Malamig na sagot ni Adam nito.
Napatingin ako kay Zia dahil bigla itong naging maamong tuta at makikita na nasasaktan talaga ito.
Huhuhu bakit ba kasi ako nadamay dito, mama!
Hinila ako ni Adam papalabas kaya nagpatianod nalang din ako dahil hindi ko maatim ang bulungan at titig ng mga tao roon, lalo na ang bestfriend ko na wala man lang kakurap-kurap na nakatulala sa amin, nakita ko eh.
Nang malayo-layo na kami parang nasa likod na kami ng University ay malakas kong hinila ang kamay ko at sinabunutan ito na nagpamura nito ng malutong.
May sinabi ito pero hindi ako nakinig at sinikmuraan ko pa ito.
"KINUHA MO ANG FIRST KISS KO NA SANA SA MAGIGING ASAWA KO SANA!" Sigaw ko rito at naghahabol pa ng hininga, napagod ako eh.
Napatigil ako nang mahigpit nitong hinawakan ang palapulsuhan ko nang sasabunutan ko ulit.
"Akala mo ginusto ko rin yun, I'm sorry okay hindi ko sinasadya, at saka" anito at sinuri ang kabuuan ko, "you'll never be my type" he said while smirking.
Nanlalaki ang mga mata ko dahil napakakapal ng apdo ng lalaki na ito, sya yung may kasalanan tapos siya pa yung pa feeling victim.
"HINDI RIN KITA TYPE NO HINDI KA NAMAN KA GWAPUHAN, PWEEE BAKIT SAYO PA NAPUNTA FIRST KISS KO!"
"Tsk, it's just a first kiss" walang ganang usal nito.
"W-wow kapal talaga ng mukha!"
"gwapo naman" anito, pa as if naman akong nasusuka.
"Here" napatingin ako sa binigay nito, kinuha ko ito at isang black card.
"Aanhin ko 'to?" Tiningnan ko parin ito ng masama dahil nababasa ko sa mga mata nito na parang may binabalak.
"You can buy all you want, gamitin mo ang card na yan" anito at tumalikod na sa akin nang nakapamulsa na parang walang nangyari.
A-ano raw? Bayad ito sa ginawa niya sa akin? I'm not that lowlife no!
"HUUUUYYYYY!" Malakas kong sigaw sa lalaking iyon na malayo na ang nalakad, napatigil ito malamig akong tinignan.
Ngunit bago ko pa sabihin ang malakas kung mura rito ay...
"ADAM I KNEW IT--" Si Zia na nasa tabi na ni Adam nakalingkis rito, pero bago pa siya makatapos sa pagsasalita inunahan ko na.
"I LOVE YOU MY DARLING! HART HART KA SA AKIN!" sigaw ko sabay heart shape ng kamay.
Huhuhu ano ba tong pinasok kong gulo!
---
Padabog ako pauwi nang maalala ang nangyayari kanina. Napasabunot ako sa buhok ko.
Naglalakad ako ngayon sa gilid ng lumang park, may mga street lights din naman, minsan nagko comute ako pero mas gusto ko talagang maglakad kapag hapon na dahil napakasarap sa pakiramdam, hindi naman kalayuan ang bahay namin sa paaralan.
Nag vibrate ang cellphone ko kaya hinanap ko ito sa bag ko, ngunit hindi ko nakita na may bato sa daraanan ko kaya nakabulagta ako sa daan.
Napaigik ako sa sakit, "A-aray kapag minamalas ka nga naman ouh!" usal ko habang nakasalampak parin sa pinagdapaan.
Nang tatayo na sana ako ngunit bigla akong pinulikat.
"Huhuhu bakit ba ang malas ko ngayon!"
Hindi muna ako tumayo dahil masakit talaga. Nasa gilid lang din naman ako nang daan, tsaka wala pa namang mga taong dadaan.
'where are you?'
Iyun ang text na nabasa ko, unknown ang number nito, baka na wrong send lang ito.
'sino ka ?' reply ko..
Hindi na ito nagreply pa kaya nagkibit-balikat nalang ako.
Napatingin ako sa paligid, hindi pa naman gaanong madilim.
Nagulat ako nang may humawak sa paa ko, kaya napwersa kong nagalaw ito.
“A-aray!” nausal ko at hindi pinansin kung sino ang taong nagtangkang hinawakan ang mga paa ko. Para akong mababaliw.
Kinuha ulit ng taong iyon ang paa ko, kaya na pwersa na naman ito, napadilat ako.
“Huwag mo nga akong hawakan! Sino kaba ha! Dinaanan mo nalang sana ako! Bastos! Alis!” tuloy-tuloy kong saad. Ngunit hindi ito sumagot, nakayuko ito kaya hindi ko kita ang mukha, iwan ko pero hinayaan ko itong kalikutin ang paa ko,
“A-aray, dahan-dahan! T-tek-” hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang matawa ako, pinipigilan ko naman ang sarili ko ngunit nakakahibang sa kiliti ang nangyari sa mga paa ko. Kukunin ko na sana ang mga paa ko nang magsalita ito.
“Stay still” anito, pamilyar ang boses nito, parang narinig ko na ngunit hindi ko lang maalala.
Hindi na gaanong kakiliti at sakit ang mga paa ko sa ginawa nitong pagkalikot minsan iikot ng marahan at hihilutin ang buto ko sa hulian ng mga paa.
Napatitig ako rito, nakayuko parin ito.
Gamit ang malapad nitong balikat hindi gumagalaw ang duyan na kinauupuan ko, marahan naman ang hangin at nagsisimula naring magsi-ilaw ang street lights dahil gabi na, nagsilabasan naman ang mga bituin, at maririnig ang mga busina ng mga tracks, kotse, motor at iba pa.
Ang kulay gray na buhok nito sa hulihan ng mga hibla, ang headphone nito na kulay itim na nakasabit ngayon sa leeg nito, at ang matangos nitong ilong na nakaka-agaw ng pansin dahil kahit nakayuko ito mas umaapaw ito sa malabong na buhok nito, napaka pointed.
Kulay blue na hoodie na ang suot nito, at jeans na black na nakaluhod ang isang tuhod habang ang sapatos nito ay kulay white.
At ang mga kamay nito na nakahawak na sa isang paa ko, lalaking lalaki tingnan ang braso nito, nasa tamang pwesto ang ugat.
Tumingala ito sa akin, “Pinulikat ka, wag mo munang igalaw,” anito at walang bahid na emosyon sa mga mata pati boses. Napatulala ako rito.
“S-salamat” sagot ko rito at nahihiyang inalis ang paa sa hawak nito, nakakahiya, naka-tsinelas lang kasi ako na bieber ang pangalan.
Napatigil ito sa ginawa ko at tumingin ulit sa akin. Kunot ang noo nito na parang kinikilates kung sino ako.
“You're the mermaid earlier.” anito at nakita ko ang pilyong pagkislap ng mga mata nito ngunit kabaliktaran naman sa bibig nito na plain lang.
Mermaid?
Kailan pa ako naging sirena?
TO BE CONTINUED...
BINABASA MO ANG
HIDING MYSELF FROM THE SSG PRESIDENT NA NA-WRONGSEND KO NG MESSAGE [COMPLETED]
Short StoryPresident x Student EPISTOLARY