Chapter Seven

587 23 1
                                    


"KYAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHH!" sigaw ko habang tumatakbo palayo sa kanya, walang lingon akong tumakbo pauwi, bahala na siya roon malaki na siya.

"NAKAKAKAKAKKAKAHIYAAAAAAA LORD KUNIN MO NA AKOOOO HUHUHUHU HINDI NA AKO VIRGIN!" naiiyak kong sigaw habang tumatakbo parin.

'Hala ang bata pa nag pa ano na'

'Ganyan talaga ang mga kabataan ngayon mare easy to tira na'

'Katulad sa anak ni Marichu na nabuntis ng maaga dahil lumalandi ng maaga'

'Naku naku kung anak ko yan nakakahiya'

Nagpantig ang tenga ko dahil sa narinig na pag-uusap ng dalawang Alechismosa.

They're judging me without knowing anything!

"BUTI NARIN AT HINDI NIYO AKO NAGING ANAK MGA TSISMOSA!" Sigaw ko sa kanila at nagulat sila dahil akala nila hindi ko narinig ang mga sinasabi nila.

Tumakbo ako ng mabilis dahil papaluin talaga ako nun nila ng walis tingting dahil sa sobrang galit.

Blee!

Nang makarating sa amin ay habol ko ang aking hininga dahil sa sobrang pagod.

"Ouh Apo bakit parang hinihingal ka?" Si Lola.

Tumingala ako at ngumit rito ng malapad.

"Dati daw akong aso La totoo ba yun?" Imbis na sagutin si Lola sa tanong nito ay gusto ko munang biruin ito.

"Talaga apo?" Lumapit naman si Lola sa akin, hinawakan niya ako at dinala sa loob, nakaupo na kami sa Sofa ngayon.

Itong si Lola maypaka Marites din pala HAHAHAHA!

"Opo Lola sabi nung dalawang ali na mukhang mangkukulam sa kabilang kanto" seryuso kong sabi kay Lola na seryuso rin ang mukha.

Mukhang naniwala talaga.

"Nagtaasan ang balahibo ko Apo"

"Ako rin La, hawakan mo po ang leeg ko ang lamig²"

Hinawakan naman ni Lola.

Ngumisi ako at...

"RAAAAWRRRRR!"

"AAAAAAAYYYHHHHH!"

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAB BIRO LANG LA!"

Gulat na gulat si Lola dahil kinagat ko lang naman ang kamay nito.

"Lunaaaaa! Mamamatay ako ng maaga sayo!" Usal ni Lola at napahawak pa sa dibdib. Niyakap ko ito at nag sorry para akong bata na sumiksik sa kay Lola.

Napapailing nalang si Lola.

"Napakakulit mo talaga, matulog ka na roon dinadamay mo pa ako sa kabaliwan mo"

"Okay po, sorry Lola I love you" sabay kiss sa cheek ni Lola.

"Teka Apo may naka ukupa sa tabi ng kwarto mo, wag kang mag-alala mabait naman na bata iyon"

"Sino La?"

"Si Gel apo sana maging close kayo"

"Ahh I will Lola hehehe" sagot ko dahil inaantok na talaga ako.

Sino kayang Gel yun? AnGEL goro ang name, I think babae naman.

Sana nga dahil kinaumagahan ay pagbukas ko ng pintuan ng kwarto ko nasa harapan ko ngayon nakatayo ang isang lalaki na basa ang buhok na may shampoo pa ang ulo habang ang tanging damit ay tuwalya lang sa pang-ibabang bahagi.

"B-bakit ka nandito Mr. President?"

Nakanganga na ako ngayon sa harapan niya dahil topless ba naman!

Yung laway ko!

Ni-GEL!

-----

Napalunok ako at tinignan siya mula ulo hanggang paa. Basa ang buhok nito at may konting shampoo kaya ang ending tumutulo ito sa leeg niya. Idagdag mo pa na may katawan itong paniguradong maglalaway ka.

This is illegal!

"What are you thinking? Your eyes staring straight down there." he said while smirking.

"T-teka lang naman! Ikaw si Gel?"

Napatango ito.

"Can I use your bathroom?"

"Why?" Napatampal nalang ako sa ulo ko at napatango kalaunan dahil baka hindi na naman gumana ang gripo sa kabila.

"Come in"

"Thanks" anito at pumasok na parang isang Hari sa kwarto ko naamoy ko pa ang sabon nito sa katawan ba't naman ang bango.

Hindi ko sinara ang pinto at umupo nalang sa mini table ko, may hinahanap ako pero wala naman talaga ako hinahanap iwan ko ba sa sarili ko.

Sinara ko ang kabinet na hinalungkatan ko ng gamit at napatingin sa taong nakatingin na pala sa akin ngayon sa pintuan ng bathroom ko.

Okay what's wrong with him?

Nakabihis na ito sa pagkaka-alala ko wala naman itong dalang damit. Ewan, naka crossed arms siyang nakatingin sa akin
at hindi ko malaman kung ano ang iniisip niya.

"Napatitig ka dyan, maganda ba ako?" nakangisi kong tanong habang umayos ng upo sa inuupuan.

Nanatili itong tahimik hanggang sa napagtanto ko nalang na naglalakad na siya papunta sa harap ko.

"A-ano?" Kinabahan ako bigla nang makarating na ito sa aking harapan.

Ang mas nakakakaba ay sobrang lapit niya sa akin. Anong ginagawa niya?!

"Luna.." seryuso nitong sabi.

Nang maramdaman ko ang kamay niya sa baba ko ay doon ako napalunok ng husto. Jusko! Ang sarap pakinggan ng pangalan ko ng banggitin niya ito.

Lamunin na sana ako ng lupa anong klaseng nilalang ang pumasok sa lalaking ito!

TO BE CONTINUED...

HIDING MYSELF FROM THE SSG PRESIDENT NA NA-WRONGSEND KO NG MESSAGE [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon