"Nagbibiro ka ba?" Paninigurado ko.
"Tsk, don't know." Walang gana nitong sagot na ikinataas ng kilay ko.
---
"La, gumawa ako ng cupcake kung gusto mong kumain nasa mesa sa kitchen." Usal ko sa labas ng kwarto ni Lola, may lakad kasi ako ngayon at gumawa narin ako ng paborito nitong cupcake, ang breakfast kasi ni Lola ay coffee at bread lang shocks, sosyal yarn.
Bumukas ang pinto at nakita ko si Lola na nakangiting nakatingin sa akin. "Salamat apo, saan ba punta mo e ka aga-aga pa?"
Hindi pa nga sumisilang si Haring-Araw pero importante ang pupuntahan ko.
"Eh kay Cheska lang la, may lakad kasi kami ngayon hehe, sige na La nasa kitchen lang yung cupcake ha... Bye bye." Malabing kong sabi sabay halik sa pisngi nito at umalis na.
---
"Ano 'to?"
"Stupid, isuklay mo syempre pagkain." Pilosopong saad ni Adam sa akin. Aba't.
"Alam ko na pagkain to pero bakit mo ako binibigyan?" Seryuso kong tanong dito.
Itong lalaking ito pasulpot-sulpot nalang bigla, parang si Nigel lang, ilang araw na nila akong ginugulo, nagdasal pa nga ako ngayon na sana wala akong makaharap na kahit na sino dahil gusto ko ng katahimikan pero ngayon opposite pa talaga ang nangyari.
"Bakit mo ba ito ginagawa? Kung naaawa ka, ayoko nun, ayokong kaawaan ako, at saka sinabi ko na sayo na magpapa-opera na ako dahil sabi ng doctor may tsanya naman daw." Usal ko, hindi kasi ako natutuwa na sunod ito ng sunod sa akin, baka may gulo na namang mangyayari, ayoko ng makaharap ang step-sister kono ni Nigel.
"Just . . . want to stay with you." Simpleng saad nito na mas lalong ikinakunot ng noo ko.
Kung hindi lang nito alam na may sakit ako kanina ko pa to binalibag papalayo.
---
"Nigel may tanong ako, ikaw yung taong nagbigay sa akin nung chocolate na may message diba?"
"Hmm." Tango nito, wow hindi man lang edinideny.
"Bakit?"
He stared at me blankly.
"Because . . ." Anito na parang gusto lang pa surprise, pero ako namang si gaga na excited sa sasabihin nito.
""I thought you were my stepsister, but it turns out you're not. I found out when my family introduced me to Zia, my real sister." Paliwanag nito at himala ilang words din yun ah. So inakala niya na kapatid niya ako kaya nabigyan ako ng chocolate.
"Pero bakit alam mong umiiyak ako, nun?"
"I see you." Tipid nitong sagot. Grabi kinilig ako dun ah ang daming words oo, tsk.
Ilang araw ko ng kasama ang lalaking ito pauwi o kaya papunta sa school, sinasabayan ako sa lakad eh may kotse naman ito.
---
"Bhie may hindi ka sinasabi sa akin no?" Ani ni Cheska na parang nanghihinala na, bigla akong nanlamig, alam na ba nito? Paano?
"A-ang ano bhie?" Nauutal kong sagot dahil para itong judge na pinapaamin ako sa kasalanan ko.
"Wag ka ng magpaliwanag Bhie! Kayo na ni Nigel no?! Ayieee!" Ang seryusong mukha nito ay napalitan ng kilig. Tsaka naman ako nabunutan ng tinik dahil akala ko tungkol sa sakit ko.
"Hindi no! Saan mo naman ba narinig yan?" Ngiwi kong saad dito.
"Sabi ng katabi ko, tsaka sinabi lang rin sa nagsabi sa kanya na sinabi lang rin na may nakita sa inyo na palaging magkasama nag dedate daw, ikaw ha! low-key lang kayo ganun ba?" Hirit pa nito na kilig na kilig sa issue na wala namang katotohanan.
"Alam mo bhie, sarap mong isako itigil mo nga nyan wala kaming relasyon at...hinding hindi mangyayari yun."
"Masakit parin ba?" Mahinang sabi ni Cheska. Si cheska lang din ang nakaka-alam na gusto ko si Nigel dahil sa pag-iyak ko sa cafe.
"Hindi na..." Ngiti ko rito na nginitian lang din ako.
Kailan ko kaya sasabihin sa kanya. Tsaka baka magiging maayos narin naman ako dahil may tsanya pa raw buhay ko...
---
"I know I'm very foolish and I don't deserve someone like you but I hope you can give me a chance to show and make you feel my love for you, Luna." Nigel said seriously, making my cheeks warm.It's been a week pero malaki na talaga ang kaibahan ni Nigel, mas nakilala ko ito at nakita ang iba't ibang anyong tubig anyong lupa anyong hayop charrr I mean ugali nito.
Why should I still act coy when my crush is already approaching me, it's a wasted opportunity so I grabbed it.
"O-okay..." I said while blushing and looking down, feeling nervous and unable to understand my emotions.
I looked at him and he was staring at me without saying a word, and I also noticed his ears and neck turning red.
Okay, is he blushing?
---
Nakatingin ako ngayon sa salamin ko sa kwarto, tinanggal ang wig na suot at napangiti dahil sa nakitang mukha, I already bald, natanggal na lahat ng buhok ko at ang suot ko na lamang ngayon ay isang wig na hindi naman halata na wig ito.
But even if I am already bald.
Maganda parin ako.
Sinuot ko ulit ang wig ko dahil bukas na operasyon ko.
May nag text sa akin at lalo akong napangiti.
NIGEL:
> I love you more than anything in this world, Luna.EPILOGUE.......
BINABASA MO ANG
HIDING MYSELF FROM THE SSG PRESIDENT NA NA-WRONGSEND KO NG MESSAGE [COMPLETED]
Short StoryPresident x Student EPISTOLARY