Chapter Eight

529 23 1
                                    

Natauhan ako nang marinig ang boses ni Lola na tinatawag ako sa ibaba kaya napatayo ako bigla at walang lingon na umalis sa harapan niya at lumabas sa kwarto, habang pababa ay napahawak ako sa puso ko.

May sakit ba ako sa puso?

----

Nandito ako ngayon sa dinning room kaharap si Nigel na naka cross arms parin at poker face lang akong tinignan.

Na parang nasa korte lang ako yung criminal tas siya yung upuan charrr lawyer.

So awkward. Ang tahimik kasi talaga nito.

"Nagkakilala napala kayo ni Gel apo, buti naman maging mabait ka sa kanya ha"

"Siya lang kaya yung hindi mabait La dzuhh"

Nigel: "_"

"Pasensya na sa apo ko Gel ha"

"It's alright" si Nigel.

Napapout ako kapag kaharap ko talaga ang lalaking ito nagiging isip bata ako eh.

Narinig namin na may nag doorbell kaya tumayo si Lola para puntahan iyon, nagtataka naman ako dahil bakit naman ang daming bwisita ni Lola, friendly lang ganun.

"OOOHH MY GHADD NIGEL DARLING?!"

Nang marinig ko ang familiar na boses kambing na yun ay nalukot ang mukha ko bakit nandito ang Ziangrata na to rito?!

Walang emosyon ko itong tinignan na nilampasan lang ako na parang hindi ako nakita at parang lintang tumabi kay Nigel.

B*tch!

Napa roll eyes ako dae mga apat dahil sa kalandian ng babaeng kambing nito sa harapan ko, harap-harapan talagang pinamukha na malantod talaga.

Habang si Nigel naman ay parang wala lang sa kanya na may linta sa gilid. Tsk.

Bakit ba ako nagagalit?!

Huy Luna!

Napapailing ako, baliw na nga siguro ako.

Teka bakit pala nandito ang babaeng ito rito? So kilala niya si Nigel?
Akala ko ba inlove na inlove ito kay Adam?

"May tao rito baka nakakalimutan mo goat" maldita kong saad habang nakataas ang kilay at nag cross arms na parang isang reyna charr ako lang to.

"W-WHAT THE BAKIT KA NANDITO?!" Wow kinarer na talaga na kambing ito sumagot eh. Gulat na gulat. Napaka visible talaga ang reaction ni Zia. Aaminin ko maganda naman talaga ito pero ka dissapoint ang boses kambing nito.

"Ikaw bakit ka nandito? Sa pagkaka-alam ko dito ako nakatira eh? How about you makikisampid ka rito?" Ngisi ko.

"Luna" si Nigel ngunit nagsalita si Zia.

"Duhh this house is where my Lola lived d*mmy" mataray nitong sagot sa akin habang nakalingkis kay Nigel na tahimik parin at walang bahid na kung anong emosyon.

Baka gustong gusto rin tsk.

"Anong Lola? Akin lang ang Lola ko Zia, walang sayo kaya dream on pati Lola ko makikisawsaw ka buti hindi ka nalunod no, at .......alam ba ni Adam na nandito ka na..." Lumalandi. Hindi ko tinapos ang sinabi ko dahil gets na nilang dalawa yun tinignan ka ba naman.

"Nigel don't listen to her wala na kaming communication ni Adam" anito kay Nigel at pinalisikan ako ng mga mata. Ay scared yarn.

Aguy kawawang Adam.

"You dare?"

Nabaling ang paningin ko kay Nigel nang marinig ang sinabi niya.

"Ha?"

"You dare to ignore me."

I ignore him? Hala hindi ko namalayan na hindi ko pala nasagot ang pagtawag nito sa pangalan ko kanina, mas nauna ko pang makig trash talk kay Zia.

"How dare you!" Asik ni Zia na ikinangiwi ko.

"Shut up..." malamig na sabi ni Nigel na ikinatahimik ng bruha, deserve ang ingay ba naman.

Ngunit kinabahan ako ng hindi ko alam dahil sa titig ni Nigel sa akin. Ang hilig manitig no.

-------

"What?" Nagtataka kong tanong sa kanya.

At nabaling naman ang paningin ko kay Zia dahil umismid ito. Ngayon ko lang napansin na kinulang sa tela ang kasuotan nito.

"Don't ignore me again" wika ni Nigel kahit nasa gilid lang si Zia.

Para akong batang tumango, bakit ba ako takot sa lalaking ito b*set.

"Don't just nod speak."

"Yes Mr. President" mahina kong sagot kay Nigel.

"What happen? May relasyon ba kayong dalawa?!" Gulat na sabi ni Zia na nagpalipat-lipat ang tingin sa aming dalawa ni Nigel.

Tinitigan ko ito ng hindi makapaniwala, ano bang pumasok sa kokote ng babaeng ito.

"Alam kung dyosa ako kaya wag mo akong tinitigan" Napataas ang kilay ko sa narinig sa bibig nito, wow proudly!

"Maganda ka nga.." sabi ko ng marahan, nakita ko ang pamumula nito.

"Alam ko na ang kasunod niyan nasabi mo na d*mmy hindi na effective."

"Ikaw kanina ka pa d*mmy ng d*mmy okay lang naman mukha karin namang mummy HAHAHAHAHAHA!"

"Tsk. If I know you're just insecure of what beauty I have" aniya ni Zia sabay flip hair.

"Ah, aaminin ko maganda ka nga..."

Napangisi si Zia pero hindi pa kaya ako tapos..

"maganda ka, mula paa hanggang leeg"

Tumayo na siya at tumakbo palabas dahil nag-uusok na ang ilong ni Zia sa galit.

"HINDI MO PA NASASAGOT ANG TANONG KO MAY RELASYON BA KAYONG DALAWA?!" Sigaw ni Zia na umalingawngaw sa buong bahay, kapal ng mukha ha, bagay nga sa kanya ang palayaw na kambing.

Tsk. Napaka-obvious na nga nagtatanong pa.

---

Nasa gilid ako ng daan naghihintay ng masasakyan, ayoko munang umwui kay Lola baka mabaliw na talaga ako ng tuluyan.

Akala ko pa naman peaceful na ang buhay ko hindi pa pala buhay pa pala ang kontrabida hahays.

Nang may taxi ang tumigil sa harapan ko sumakay na ako.

"Saan ma'am?"

"Sa East ridge Village, Manong"

"Cge ma'am"

Nakapalumbaba lang akong nakatingin sa labas. Patungo ako kay cheska doon muna ako mag stay ngayon lang naman, baka bukas wala na ang hal*parot na nandun.

Maya-maya ay parang hindi mapakali sa manong kaya tinanong ko siya at nagulat ako sa sinagot nito parang katapusan ko na hindi naming dalawa pala huhuhu.

"M-maam hindi gumagana ang break ng sasakyan" kinakabahan na sabi ni Manong.

Pinakalma ko ang sarili ko dahil pati ako ay kinakabahan din.

"Anong gagawin ko ma'am?" tanong ni manong na nanginginig. Itong si manong parang ngayon lang nakaranas mag drive ha.

"Wala tayong ibang magagawa kung hindi ang....magdasal" seryuso kong sabi habang pinagdikit ang dalawang palad.

Hindi naman makapaniwala si manong sa nakita niya.

TO BE CONTINUED...

HIDING MYSELF FROM THE SSG PRESIDENT NA NA-WRONGSEND KO NG MESSAGE [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon