Chapter Four

763 28 1
                                    

"M-mermaid....me?" nagtataka kong turo sa sarili ko. Tumango naman ito na nagpagulo lalo ng buhok nito, at natatakpan lalo ang mga mata.

Parang nabaliktad na naman ang sitwasyon namin ngayon, ako na naman ang nakadungaw sa kanya habang siya ay nakatingala sa akin.

Napaiwas ako ng tingin, sa lahat ng lalaki na nakasalamuha ko, sa lalaking ito lang ako napapaiwas ng tingin.

In my peripheral vision nakita ko ang pagtayo nito pero nanatili parin sa pwesto nito na nasa harapan ko, napalunok akong tumingin rito at napatingala, nakita ko naman na nakadungaw na ito sa akin habang nakaplastar sa noo ang kunot.

"Hindi kapa ba uuwi?" he said casually, at nakapamulsa ng nakaharap sa akin ngayon, nakita ko ang pagsulyap nito saglit sa isang braso ko na natatakpan ng jacket.

Alam ba nito na may gasgas ako, dahil sa nangyari kanina?

Napalingon ako sa paligid, gabi na pala, tinignan ko naman ang cellphone na hawak ko at in-on, it's 7:23 PM.

Napabuntong-hininga ako at tumayo na sa pagkakaupo sa duyan, pinakiramdaman ko ang mga paa ko, hindi na ako pinulikat pa.

"Maraming Salamat." sabi ko rito at tumigil saglit sa gilid nito, nagsimula na kasi akong humakbang, ngunit nagpatuloy na ako sa paglalakad, papalayo rito.

Hindi naman ito nagsalita, at siguro hindi talaga ito pala salita.

Hindi naman madilim, dahil sa Street Lights sa daan, saka malapit lang ang bahay namin rito, kaya hindi nakakatakot, kilala naman na ako ng mga tao rito.

[HIS POV]

SAYANG ang opportunity Nigel,” anito ng kanilang Adviser sa kanya.

I'm sorry, Sir. Reyes but i hope you understand,” sagot ko rito. I can see the defeated on his face, at napapailing,

Okay, you can go now, sana magbago pa ang desisyon mo,” pahabol nito na may sayang na nakaplastar sa mukha nito.

Hindi na magbabago, Sir, aalis na po ako,” sabi ko rito at tumungo saglit at tumalikod na papalabas sa Teachers Room.

"Ano raw ang pakay?” Homer ask nang makalapit na ito sa akin. Sumulyap ako saglit rito at napapailing saka nagsimulang maglakad ng nakapamulsa.

Hindi ko ito sinagot. Alam naman na nito.

Why kasi your smart, pre, ayan tuloy pinag-aagawan ka HAHAHAHAHA!” anito, na sumasabay sa paglalakad ko.

Tumigil ako at tinignan siya, “I don't need those opportunity,” sagot ko rito, at nagpatuloy na sa paglalakad. May malalim akong dahilan.

Kanina, pinipilit ako ng adviser namin na mag-take ng exam sa Node University, maraming gustong makapasok sa Node University, dahil malaki ang opportunidad na doon mas lalong maging mahusay ang mga matatalino.

I'm not saying na hindi magiging mahusay ang mga matalino sa isang Normal na eskwelahan, mas advance lang talaga roon, nandun lahat, ngunit ako na siguro ang nabigyan ng opportunity na makapasok but i declined.

I'm one of the role model of my School.

Naramdaman ko ang pagtapik ni Homer sa balikat ko na ikinalingon ko rito.

Igy, si Irene,” usal nito habang may ininguso sa harapan namin, kaya napatingin ako at tinignan ang babaeng naglalakad papalapit sa akin, at hindi ako interesado.

Umiwas ako ng tingin rito at hindi na hinintay na makalapit ito, malalaki ang ginawa kong lakad at linampasan ito,

N-nigel-” usal nito ngunit hindi ko ito pinansin. Nasa Hallway na ako at pababa na ng hagdan nang may narinig akong bulungan, bulungan nga ba?

Siya ba si Nigel Samuel Su?”

“He is too handsome, lakad palang nakakamatay na!”

“Ang tangkad niya talaga, at iyong nose! Shit!”

“Ibang level na ang katalinuhan niya, bakit siya nandito?”

“Sa pagkaka-alam ko isa rin siyang MVP player, matalino na nga talented pa.”

“Ang cool ng hair niya talaga, gusto ko rin ng ganun!”

Walang emosyon lang akong pababa sa hagdan, at inilagay ang kulay itim na headphone sa tenga ko, nasa leeg ko lang kasi ito nakasabit.

---

"LUNAAAAAAAAA!"

Patay! Si cheska habang napatakbo ako palayo sa kanya ayokong pag-usapan ang nangyari kahapon.

"Cheska bakit moko hinahabol!"

Tanong ko rito dahil kanina pa talaga kami sa canteen naghabulan, may mga upuan kasi rito at dito rin na spot ang tambayan namin kapag free time.

"Bakit ka kasi tumatakbo!" Anito at hinahabol pa rin ako.

"H-hindi ako tumatakbo!" aniya at hinihingal na sa pagod. "Times up bhesy, kapagod" umupo ako habang hinihingal.

"So anong pakulo niyo kahapon ni Mr. Valdemor?" Parang batang tanong nito at napangiwi ako nang parang nag star² ang mga mata nito.

"Wala yun, g*** lalake na yun!"

Sinabi ko sa kanya ang nangyari kahapon.

"BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHHA MALAS MO BESHY!" Ani ni Cheska habang nagpapahid ng luha hindi dahil umiiyak siya kundi sa sobrang tuwa.

"Sino kaya yung taong parinig ng parinig sa Twitter kung gaano siya ka in-" tinakpan nito ang bibig ko dahil namumula na ito sa hiya, tinanggal ko ito at ako naman ang tumawa.

"AHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAH AWAWA BESHY KO NA YAN!"

"Che! Kung hindi man kami para sa isa't isa.......BAKIT HINDI KAMI PARA SA ISA'T ISA!" Parang batang nagmamaktol si Cheska sabay kain ng food na binili namin sa canteen.



---

"Hey b*tch, follow me I'll ask you something very very important" boses ng isang palaka ang narinig namin kaya napaangat ako nang tingin at ang palakang iyon ay si....Zia.

Napataas ang kilay ko. Akala ba nito weak ako na madaling mapasunod? .

"Bakit naman kita susundan kilala ba kita?" saad ko at walang pakialam na nasa harapan ko sya at kumain ng saging na barbeque.

"Ms. sumunod ka nalang kung ayaw mong kakaladkarin namin" malditang usal ng kasama nito, may kasama pala itong dalawang babae na mukha ring mayaman. Ano yan Powerpuff girls?!

"EH KUNG MUKHA MO KAYA ANG KAKALADKARIN KONG P*GETA KA!" sigaw ma cheska sa nakakabinging paraan.

Go beshy HAHAHAHAHA!

Napatingin ako kay Zia at ang sama sama talaga nang tingin, Grim Reaper yarn?

Ngunit nginitian ko lang ito ng mapang-asar.

World War 9 na ba to?

TO BE CONTINUED...

HIDING MYSELF FROM THE SSG PRESIDENT NA NA-WRONGSEND KO NG MESSAGE [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon