"Ma'am hindi ito oras na kumalma dahil buhay na natin ang nakataya dito" naiiyak na saad ni Manong.
"Okay kalma manong alam ko naman iyon, malaki ang tsyansa na mabubuhay tayo dahil sabi ko"
Mas lalong nalukot ang mukha ni Manong habang patuloy na nagdadrive. Nakikita ko ang panginginig ng mga kamay nito.
"Ma'am wag kayong magbiro ng ganyan"
"Alam mo manong ang daldal mo eh no, ayusin mo kaya yang pag dadrive mo baka may chance pa tayong mabuhay."
Buti nalang wala gaanong dumaan na mga sasakyan, nanlalamig narin ako.
"M-manong siguro..."
Napalunok ako at kahit kinakabahan si Manong ay tumingin ito saglit sa akin.
"Ano ma'am?"
"Kapag ba tatalon tayo dito mabubuhay ba tayo?"
B*bo mo Luna!
"Ewan ko sayo ma'am!"
Ay galit na talaga si Manong. Huhu.
"MANONG NAMAN WAG MUNA NGAYON HINDI KO PA NAHAHANAP FOREVER KO, YUNG ASAWA KO YUNG MGA ANAK KO SAYANG YUNG LAHI KUNG MAGAGANDAAAA!"
"Saan banda yung maganda ma'am?"
"MANONGGGGG HUHUHUHU!"
"M-maam wag kayong galaw ng galaw!"
Para kasi naman akong kabute sa loob ng taxi, kahit nasa panganib na ang buhay ko ay nagawa ko pa talagang magmaktol.
"Ma'am may cellphone ba kayo dyan? B-baka may matawagan kaya na tutulong sa atin"
Oo nga no!
"May utak ka pala manong!"
"Opo ma'am kayo lang ang wala, bilisan niyo ma'am naghihintay pa yung mga pamilya ko sa amin" naawa naman ako kay manong na hindi na mapakali.
Kinuha ko ang phone ko at malas walang signal full charge nga pero yung signal no service naman.
Tinaas ko ito at napasigaw dahil may signal, nanginginig ako kaya hindi ko alam kung sino ang natawagan ko basta may sumagot yun nalang.
"H-HELLO TULUNGAN NIYO KAMIIII AYOKO PANG MAMATAY KUNG SINO KA MAN MARAMING SALAMAT DAHIL SINAGOT MO TULUNGAN MO KAMIIII PARANG AWA MO NA WALANG HIYA KA MAGSALITA KA!"
"M-MAAM MAY...MAY MALAKING TRACK PAPARATING!" Wika ni Manong at napatingin ako roon nanlamig ako hindi dahil sa paparating na track kundi sa boses na sumagot sa tawag ko.
"so noisy.."
"looked behind.." pahabol nito.
Napatingin naman ako sa likod namin may nakasunod sa amin na nakamotor hindi ko gaanong nakita pero alam ko kung sino ang taong iyon, ang pigura ng katawan nito.
"N-nigel" tanging sabi ko habang nasa tenga ko pa ang cellphone, narinig ko ang hininga nito sa kabilang linya.
-----
"close your eyes and cover your ears.." sabi ni Nigel sa kabilang linya, kahit nagtataka ay sinunod ko ito.
Maya-maya ay parang nahihilo ako na parang umikot-ikot ang taxi na sinasakyan namin ni Manong.
Hindi ko namalayan na nawalan na pala ako ng malay sa nangyayari at ang huling nakita ko kahit blurred ay ang mukha ni Nigel na parang lumalapit sa mukha ko may binulong ito pero hindi ko alam kung ano.
---
Napamulat ako at mabilis umupo sa kinahihigaang kama, napahawak ako sa sarili ko baka patay na ako, kinurot ko pa ang pisngi ko dahil baka patay talaga ako nagbubuhay-buhayan lang pero napa-aray ako nang maramdaman ko ang hapdi sa mga pisngi ko."Thank you Lord!" sabi niya at pinalibot ang paningin dahil hindi pamilyar sa kanya ang nasabing kwarto.
Napaka peaceful ng interior, black and white ang color sa kwarto parang pang bachelor lang.
'Nasaan ba ako?'
May bumukas sa pintuan kaya bigla akong kinabahan baka kinidnap na pala ako tas nandito kami sa malayo at mataas na lugar, dito niya ako aanuhin tas kapag nagsawa ipapakain sa pating huhuhu...
"What. You. Thinking?" Ani nang parang robot ang boses. Nigel.
So he help me?
But why?
Why?
Why why why delaylay? Baliw ka na talaga luna!
How about Zia?
Anong paki ko ba sa kambing na yun!
"Iniisip ko lang kung kailan mo ako titikman--EHEM, may pagkain ba rito?"
"No. I don't know how to cook."
"Then, I'll cook easy, so what do you like to eat though?" Usal ko at tumayo na sa kama habang papalabas na.
"You."
H-ha?!!! What?!
"E-eh anong ibig mong sabihin Mr. President?" kahit naramdaman ko na may kakaiba sa tiyan ko parang butterfly ay kalmado parin ang boses ko.
Ano ba tong butterflies in my stomach?
"Silly, just cook now" seryuso nitong sabi at tinalikuran ako.
Aba't....
Infairness ang yummy ni Mr. President sa likod, oo likod lang dahil mas yummers yung ano nasa ano basta ano, gets niyo na yun, bahala na kayo kung ano yung mean ko sa ano...
Hala! Hindi pa pala ako nakakapag-salamat sa kanya at nawala sa isip ko si Manong, baka nag-alala narin si Lola sa akin, kaya nagmamadali ako papuntang kusina at magluto.
TO BE CONTINUED...
BINABASA MO ANG
HIDING MYSELF FROM THE SSG PRESIDENT NA NA-WRONGSEND KO NG MESSAGE [COMPLETED]
Short StoryPresident x Student EPISTOLARY