Chapter Ten

527 25 1
                                    

Nang matapos ako sa pagluluto, tinawag ko na si Nigel at nakita ko naman ito na pababa na ng hagdanan.

Napalunok ako, palagi nalang akong napapalunok, bakit kasi ang Hot nito!

Nakita ko ang pag-upo nito sa mesa at umupo narin ako, bali magkaharap lang kami, round kasi yung table pangdalawahan lang.

"A-ah thank you pala." mahina kong usal, nahiya kasi ako pero I'm sincere naman sa pagso-sorry.

"Don't mention it."

Napatango ako. "A-alam ba ni Lola ang nangyari? Nasaan pala tayo ngayon? Si Manong okay lang ba?"

"No. North Ridge. Yes." Simpleng sagot nito. Hindi halata na napipilitan lang diba. Napapailing ako dahil nakasanayan ko narin na ganito ito sumagot.

"Okay hehehe kain kana." Nakangiti kong sabi sa kanya.

"Silence."

"Kahit maingay ako malaking tulong itong bibig ko sa lahat ng bagay, kung sino man ang mang bubully sayo sabihin mo lang reresbak ako!"

"You can also help me using your mouth." Malamig na turan ni Nigel sa akin.

Ha? Anong ibig niyang sabihin?

"Use your mouth to help me." Seryusong saad nito na ikinatigil ko at ikinailang.

"H-how?" tanong ko.

"Don't talk." malamig nitong sabi na ikinatulala ko rito. Akala ko ano na, excited pa naman ako--este kinabahan talaga ako beshy!

----

Naramdaman ko ang titig nito sa akin kaya napaangat ako nang tingin habang nakanganga dahil susubo sana ako ng pagkain.

"B-bakit, gusto mo ng halik?" wala sa sarili kong tanong sa kaba.

F*ck. Nilapit nito ang mukha sa akin. Bakit ba mahilig itong ilapit ang mukha sa akin. Mabilis kong nilagay ang kutsara at hinarang ang kamay sa mukha ko.

"Are you sure?" Sabi nito ng pabulong ang lapit talaga ng mukha nito sa mukha ko. Napapigil ako sa paghinga dahil sino bang makakahinga kung isang dangkal nalang ang lapit nito sa mukha ko.

"C-cge ba---I'M KIDDING!" napatayo ako sa pagkakaupo habang umiiling. Ito talagang bibig ko!

"Alright you better behave yourself Luna" Nakangisi nitong sabi at tumayo na at umakyat na ulit sa itaas. Habang ako nakatulala dahil....dahil....ngumiti siya. As in ngumiti siya?!!

A-ang pogi sh*t!.

-----

Nasa garden ako ngayon dito sa bahay ni Lola. It's been a week na nangyari ang aksidente na iyon. Minabuti ko na hindi sabihin kay Lola dahil ayokong mag-alala pa ito. At nakausap ko narin si Manong na driver sa sinakyan kong taxi, okay lang naman siya. Sa pangyayaring iyon hindi na ako nag open up pa kay Nigel dahil ayoko talagang isipin pa ang ganung senaryo. Habang si Zia naman .. ayun patay na buti naman joke lang, napagalitan lang ni Nigel hindi na muli bumalik dito sa bahay ni Lola na nakikilola pa sa Lola ko nowhere to be found ang gaga.


'ayaw mo na talaga sa part time job na inoffer ko bhie?' chat ni Cheska sa akin. Kung natatandaan niyo naghahanap ako ng part time job pero nag back out ako dahil tutulungan ko nalang si Lola sa bahay, mayaman naman si Lola kaya na niya akong buhayin HAHAHAHAHA.


Napapikit ako at umusal ng 'Sorry Lolo, tao lang' kung hindi niyo pa alam ay matagal ng wala sa mundo si Lolo kaya nga si Lola nalang at ako ang nasa bahay este pati si Nigel ewan ko ba sa kanya, hindi naman kami kadugo or pinsan mga generation pa yan, nakikisawsaw lang din ganun.


Binuklat ko ang kasunod na pahina sa librong binasa ko. Naadik na kasi akong magbasa ng novel, ang Title pala nito ay "Who's Reel" (aguy sinali pa ahahah).

"Ouh apo bakit nag-iisa ka lang dini?" Mahinhing usal ni Lola. Napangiti ako rito.

"Dalawa kami La hindi mo lang nakikita ang isa hehe" biro ko.

"Ikaw talaga apo palabiro rin katulad na katulad ka ng Mama mo" anito napatingin naman ako sa hawak nito na katulad nung binigay ng stranger sa akin na kay Lola binigay kung natatandaan niyo na may sulat pa ngang "don't cry you ugly."

"La para sa akin ba yan?" Turo ko sa dala nitong chocolate. Makapal na ang mukha pero simula nung matikman ko iyan ay naging paborito ko na saka gutom na rin ako.

"Ah ito oo Apo bigay ni Nigel, pangalawang beses ka na niyang binigyan, may namamagitan ba sa inyo apo?" Panunukso ni Lola. Napakunot ako ng noo dahil sa pagkaka-alala ko hindi pa naman ako nabigyan ni Nigel ng ganito.

May kutob na ako pero gusto ko itong kompermahin.

"A-anong ibig mong sabihin La na pangalawang beses na?"

"Ahh hindi ko pa pala ito nasabi na siya rin yung sinabi ko sayo na poging lalaki na nagpapabigay ng tsokolate sayo noong isang araw" ani ni Lola.

---
Tulala ako sa kawalan, hindi ako makapaniwala. So kilala na niya ako noong una palang? Bakit? Bakit niya ako binigyan ng tsokolate na may pa flowers pa. Napatingin ako sa tsokolate at dalawang tulips na red rose, hindi ako matatahimik hanggat hindi makukumperma kung bakit niya ako binigyan kung hindi naman kami magkakakilala, sino ba namang hindi magtataka diba, alam pa talaga nito kung saan ako nakatira.

Nasa harapan na ako sa pintuan ng kwarto nito pero nagdadalawang isip ako kung kakatukin ko ba o hindi baka wala rin akong makuhang matinong sagot dahil napakatamad nitong sumagot magsalita pa kaya.

Nagulat at napaatras ako dahil bigla itong bumukas at kaharap ko na ang taong mysteryuso sa akin.

"What do you need?" Poker face nitong sabi.

"A-ah eh may itatanong lang sana ako--"

"Are you seducing me?" Anito at pinasadahan ng tingin ang buong katawan ko.

H-ha? Napatingin naman ako sa suot ko at........LAMUNIN NA AKO NG LUPA!

Naka silky night dress na knee above lang ako ang nipis at wala pa akong suot panloob buti nalang black ang kulay nito hindi mahalata yung mga babies ko. Napatakip ako sa katawan ko sa hiya. Alam kung namumula na ako ngayon.

"H-HINDI NOOO! B-bukas nalang pala yung tanong ko, matutulog na ako." Sagot ko sa kanya at pinipigilang tumakbo, nakatitig lang ito sa akin, nakataas ang kilay.

"After what you did, the beast down there can't calm down anymore."

Nang marinig ko iyon sa bibig niya ay hindi ko maiwasang maitulos sa kinatatayuan. Mas kinabahan ako nang nasa harapan ko na ito at hinawakan ang panga ko habang nakatitig na sa mga mata ko.

TO BE CONTINUED...

HIDING MYSELF FROM THE SSG PRESIDENT NA NA-WRONGSEND KO NG MESSAGE [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon