"D-dont touch me p*rvert!" Tapal ko sa kamay nito na nasa baba ko at patakbong bumalik sa kwarto ko na katabi lang nito.
Mabilis kong nilock ang pinto at napahawak sa mukha na namumula at sa dibdib ko na parang matatangal na dahil sa sobrang lakas ng pintig ng puso ko.
Para akong kinapos ng hininga. Bakit ba ang landi ni Nigel!
Napaawang ako sa bibig nang may narealize ako. Gusto ko siya. Gustong gusto!
'G-gusto ko talaga siya yawa!'
Napasabunot ako sa buhok ko at napaupo sa sahig. Ewan ko pero parang gumaan ang pakiramdam ko nang marealize iyon. Parang mas namomotivate tuloy akong lumandi!
Ngunit nang marealize ko na gusto ko siya ay parang lumalayo ito.
"Nigel I have--"
"I'm busy." Anito at linagpasan ako, napatingin ako rito at napakagat-labi dahil ilang beses na ba.
Hindi naman ako manhid para hindi mapansin na iniiwasan niya ako. May trust issues na ako eh, pero alam niyo ang hindi ko lang matanggap ang bilis kong ma inlove kaya palaging nasasaktan.
---
"Kamusta kana bhie?!!!" Masiglang bati ni cheska sa akin.
"Maayos naman bhie, ikaw ba?" Sagot ko at ngumiti rito.
Nandito kami ngayon sa Starbucks dito kasi namin napagpasyahan na magkita. Namiss ko ang babaetang ito eh!
"Okay lang din....may label na rin HAHAHAHAHAHAHAHAHA!" kinikilig na sabi nito na ikinalaki ng aking mata.
"Congrats to hear that HAHAHAH natupad yung panalangin mo!"
"Kinulam ko eh ako pa BWHAAHAHAHAHAHAH!"
"Gaga baka ma makarinig at ma misinterpret ka maging trending ka ikaw"
"Duhh I'm not scared!" ani ni Cheska na tumatawa parin. Napapailing nalang ako rito, napaka bold naman kasi talaga ng ugali nito.
Hindi sinasadya na napatingin ako sa labas, at biglang naglaho ang masaya kong pakiramdam nang may nakita akong hindi kaaya-ayang pangyayari sa kabilang banda na dalawang tao na pumasok sa isang boutique.
Nigel at Zia.
Nakakapit si Zia kay Nigel, makikita sa mukha nito ang saya habang si Nigel naman ay walang bahid na kung anong emosyon ang makikita sa mga mata ngunit parang importante talaga sa kanya si Zia.
Nakatitig lang ako sa kanila hanggang makapasok ito, tulala ako at naalala ang nangyari kani-kaninang umaga lang na may sasabihin sana ako kay Nigel pero ang sagot nito ay busy siya.
So busy sya dahil nakikipagdate siya kay Zia?
Sino ba ako para magselos diba?
Hindi nga kami close.
Hindi nga nito alam ang nararamdam ko at hinding hindi ko ipapa-alam.
Mapakla akong ngumiti.
"B-bhie bakit ka umiiyak?!" Si cheska na natataranta.
Napapailing ako ulit hindi ko alam kung bakit napaiyak ako ang alam ko lang ang bigat ng pakiramdam ko na hindi ko kayang itago.
"H-hindi ko rin alam, m-masakit dito.." turo ko sa dibdib ko at napahikbi, alam kung may nakakapansin na sa amin pero tumabi lang si Cheska sa akin at niyakap ako.
BINABASA MO ANG
HIDING MYSELF FROM THE SSG PRESIDENT NA NA-WRONGSEND KO NG MESSAGE [COMPLETED]
Historia CortaPresident x Student EPISTOLARY